Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 29, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 29, 2020, Huwebes  – Bukod sa mga regalong pampaganda, magugulat ka, reregaluhan ka rin ng nasa itaas ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Ito ay labis mong ikagagalak kaya maiiisip mong inaalagaan at pinagpapala kang lagi ng langit. Mapalad na kulay ang olive green. Masuwerteng numero 5, 19, 28, 32, 41, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kabilang ka sa mga kakaunting nilalang na paulit-ulit na makakaranas ng masasarap na buhay. Kaya hindi nakapagtatakang ang maliit at malalaking suwerte ay dating ng dating din sa yo. Kaya naman dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 32, 36, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Dininig ng langit ang iyong mga panalangin kaya sa araw na ito anuman ang hilingin mo ay tiyak na mangyayari at magkakatotoo. Upang mapanatili ang magagandang kapalarang paparating na, ibahagi ito sa iba lalo na sa mga taong kapos- palad at sa mga taong naging biktima ng pandemiya. Mapalad ang kulay na gold. Masuwerteng numero 7,  15,  24, 29,  36, 43. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Muling matatala sa iyong aklat ng kapalaran na masuwerte ka sa araw na ito. Sobrang kang sasaya, kaya makakalimutan mo na ang iyong pangako sa sarili na mag-iipon ka para sa hinaharap.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 8, 14, 21, 36, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Malulutas ang mga suliranin sa pagkilos, hindi sa takot at pagpapatansya. Kumilos ka kahit may alinlangan at kaba sa iyong dibdib. Kapag kumilos ka, kusang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 2, 7, 18,  29, 35, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ngayong papahupa at papatapos na ang pandemiya, may pinapagawa sa iyo ang langit, inuutusan ka na mamasyal ka sa lugar kung saan, iyong naraanasang sumaya at pagkatapos ay mamili at mag-shopping ka, upang ang mga problema mo ay iyong matalo. Kapag natalo mo na nag iyong problema, suwerte at magagandang kapalaran naman ang kasunod na darating. Mapalad na kulay ang aquamarine.  Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 38, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nasa mataas na level ang iyong pagkatao at habang lumalapit ang araw ng mga kaluluwa, lalo pa itong tumataas ng tumataas. Dahil ditto, ikaw ay hinahamon na subukan mong humiling ng kahit na anong kahilingan, puwede sa pag-ibig, sa sex at sa mateyal na bagay, makikita mo, ito ay matutupad at magkakatotoo. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 22, 31, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Biglaang pagbabago ng takbo ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito. ‘Wag kang mag-alala, ang pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 6, 14, 12, 26, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kahit ikaw ay magugulat sa sarili mo. Hahanapin mo ang masayahing ikaw pero hindi mo siya makikita. Hindi na ikaw ang dating masaya dahil kinukubabawan ka ng lungkot. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, upang pagpasok ng 2021, muli na namang babalik ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran, muli ka na mang magiging matagumpay at muli ka na namang magiging masaya. Mapalad ang kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 13, 27, 29, 33, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Masyadong malakas ang iyong likas na kapangyarihan. Kaya naman lahat ng hangarin at gustuhin mo ay mapapa sa iyo. Itutok mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad ng kabuhayan upang ang iyong kapangyarihan ay lubos mong mapakinabangan. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 9, 17, 27, 33, 39, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na ikaw na naman ang magiging takbuhan ng mga nangangailangan. Itinalaga ka ng langit para sa gawaing iyan, kaya wala kang dapat gawin kundi ang magbigay at wag na wag kang tatanggi. Bilang ganti, lalo namang pagpapalain ng langit ang iyong kabuhayan, uunlad ka ng unlad hanggang sa yumaman ng napakayaman talaga. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  1, 16, 25, 37, 43, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka nakahanda sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Ganon paman, handa ka man o hindi ka man handa, babaguhi na ng langit ang iyong kapalaran. Matapos mong makatanggap ng maraming suwerte at magandang kapalaran, ang araw na ito ay tatawaging, pagbabagong buhay at paglago ng kabuhayan! Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 4, 7, 10, 13, 28, 39. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lihim kang matutuwa dahil ang isang tao na noon mo pa pinagdarasal na magbago ay magbabago na. Tuloy-tuloy ng hihipuin ng langit ang kanyang puso, upang tuluyan na rin siyang bumuti  at tumino. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 29, 34.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here