Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 28, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 28, 2020, Miyerkoles  – Aminin mo, nakakaramdam ka ng excitement at saya ngayong parang malapit ng matapos ang pandemiya at kasabay nito ay papalapit na rin ang Disyembre? Ito ay isang malinaw na palatandaan ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang golden yellow.  Masuwerteng numero1, 6, 19,  34, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na hindi makapapanaig sa buhay mo ang kalungkutan at pagkabigo, dahil may bababa sa iyo galing sa itaas. Ibababa ng langit ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran na ngayon mo lang matatamasa at mararanasan sa buong buhay mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 19, 36, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Punumpuno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusang ipagkakaloob ng langit ang lahat ng bagay na gusto mo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 12, 27, 36, 39, 45.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi naitayo ang dakilang piramide sa Egypt sa isang araw lamang. Painot-inot itong nagawa at gumugol ng maraming taon. Ganon din ang gawin mong pagsisikap. Painot-inot at dahan-dahan lamang. Wag kang maiinip, dahil nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawang pagsisipag, malapit ng ipagkaloob sa iyo ang malaking premyong noon mo pa hinihintay. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 5, 9, 24,  38,  41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kulang ka sa kilos, kaya ayaw pang pumutok ng husto ang bunga ng iyong suwerte at tagumpay. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pagaalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kaya ko ‘to!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, at ang nasa itaas ang tutulong sa iyo kaya makakaya mo talaga ang gusto mong kayanin. At dahil tutulungan ka ng langit pati na ang mga bagay na hindi mo dati kaya ay makakaya mo na ngayon. Mapalad na kulay ang purple.  Masuwerteng numero 1, 7, 19, 23, 34, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wala silang karapatan na mainggit sa iyo kahit sabihin pang mas maganda ka sa kanila. Sapagkat sa unang araw pa lang ng iyong pagsilang, biniyayaan ka na ng langit ng taglay na karisma at mapangakit na personalidad. Ito rin ang dahilan kung bakit ka nila kinaiingitan, subalit wala silang magagawa, dahil bukod sa maganda ka, lagi pang kadikit ng pagkatao mo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 4, 7, 19, 22, 28, 32. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Paminsan-minsan ang tao ay hindi dapat nagpapakita ng sobrang kabaitan. Tulad ngayon, may babala na abusuhin ng ilang kakilala mo ang iyong pagiging galanten. Sa halip ang dapat ngayon pa lang magsavings ka na para sa paparating na kapaskuhan.  Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero  6, 14,  23, 28,  31, 43. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagkaubos ng iyong salapi hanggang masaid na rin ang iyong savings. Iwasan mo ang maluluho at wala sa direksyong paggasta. Mula ngayon ay dapat kang masanay sa kung ano lang ang kaya ng bulsa mo, yon lang ang iyong pagkasyahin. Ilaan mo sa future ang iyong salapi, sa panahon ng iyong pagtanda. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 9, 12, 27, 33, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang araw na hindi mo dapat aksayahin ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain. Panahon na upang ipriority mo ang iyong buhay. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos sa mga gawaing hindi mo matatapos. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 2, 13, 29, 37, 41, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ito ang araw na makakarinig ka ng mga himig na masasaya. Nagbabadya na sunod-sunod na suwerte ang darating sa buhay mo. Kapag nakuha mo na, ipamahagi mo sa iba ang mga sobrang suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa iyong mga kapamilya, upang lalo pa itong dumami at lumago ng lumago. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 18, 27, 32.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya aasenso at yayaman. Kilos na, ngayon at yon ang gawin mo! Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 11, 23, 32, 35, 41.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lumayo ka sa mga bigo at walang pakinabang na tao.  Mahahawa ka sa kanila. Kapag sila ay daing ng daing, wag mo na lang pansinin. Hanapin ang mga taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon at ligaya. Sa kanila ka makipagkuwentuhan, sila ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 15, 26, 36, 39, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Dahil likas kang may mabuting kalooban at natatanglawan ito ng nasa itaas, isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. Mapalad na ang kulay na red. Masuwerteng numero 2, 7, 9, 19, 29, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here