Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 27, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 27, 2020, Martes  –  Pagpapalain ang araw na ito at ang susunod pang mga araw sapagkat hindi lang materyal na tulong ang ireregalo sa iyo ng langit. Nakikisimpatsa rin siya sa iyong pagkabagot  at kalungkutan. kaya padadalan ka nya ng isang taong papasarapin ang araw mo at magpapaligaya sa yo. Pagdumating na siya, hindi mo siya dapat tanggihan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 22, 27, 32. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Natatakot ka ba at nag-aalinlangan. Itigil mo na yan, hindi ka dapat kabahan, kakampi mo ang langit. Anuman ang iniisip mo sa kasalukuyan at inaasahan, ang nasa itaas ang maghahatid nito sa iyong harapan. Kaya mag isip ka ngayon ng malaking bagay na gusto mo, upang ito ay kusang dumating sa iyo. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 3, 9, 15, 27, 30, 37.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sa araw na ito bababa ang espirito ng langit, upang ikaw ay lukuban. Maguglat ka, isa-isa ng matutupad ang mga binabalak mo. Ang magara pa sa espiritong ito, hindi mo lang magagawa ang mga bagay na binabalak mo, sa halip, sa panahong ito ng iyong buhay, lahat ng pangarap mo ay isa-isa ng matutupad. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 6, 13, 21, 27, 33, 42.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Utos at pagiging dominante ang mangingibabaw sa iyong pagkatao ngayon. Lalakas ng todo ang iyong kapangyarihan. Hindi makatatanggi sa iyo kung sinomang tao ang gusto mong utusan. Kaya mag utos ka na ngayon ng mag-utos, dahil wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa  kagustuhan mo. Mapalad na kulay ang blue.  Masuwerteng numero 5, 9, 14, 32, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na dapat ka ng magbago sa pakikitungo sa iyong kapwa. Layuan mo ang mga taong simisira sa diskarte mo at nagpapahina ng iyong loob. Sa halip ang dapat mong gawin ay lumapit ka at dumikit sa mga taong matatapang at malalakas ang loob. Sila ang ipinadala sa iyo ng langit upang ikaw ay magtamo ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 1, 8, 17, 28, 37, 45. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa kabila ng maraming naiinggit sa iyo at nanalangin ng iyong pagbagsak., mga imposible bagay ang mangyayari. Basta’t ginusto mo at hiningi mo sa nasa itaas, ang langit ang gagawa ng paraan para sa iyo upang makamit mo ito pati na rin ang kapahamakan ng mga taong naninira, nangiintriga at naiinggit sa iyo. Ngunit wag mong hihiligin, sa halip, mabuti lang ang hilingin mo, dahil tiyak na magkakatoto. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 19, 28,  34,  41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung paanong tinatangay ng mahinang hangin papalayo ang mga dahon ng mahogany sa panahong ito ng tag-lagas, ganon din ang mangyayari sa iyong karanasan. Sa muling pagihip ng hanging amihan, isa-isa ng tatangayin ang iyong mga problema at suliranin, hanggang sa ito ay tuluyan ng mawala at maglaho, upang bukas makalawa ay palitan naman ito ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 7, 13, 22, 25, 28, 32.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Tatapikin ka sa balikat ng langit! Na ang ibig sabihin, yong mga dating hindi mo natatanggap na regalo ay ipagkakaloob na sa iyo. Pagkatapos may dagdag pang premyo, yong dating tao na hindi pumapasin sa iyo ay magiging mabait na, hanggang sa makabuo kayo ng isang matimyas at masarap na relasyon. Mapalad na kulay ang dark greenn. Masuwerteng numero 2, 4, 7, 19, 28, 34.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Suwerte ka ngayon at patuloy na pagpapalangin ng langit. Kaya walang sinumang pupuwedeng sumalungat sa mga kagustuhan mo. Ang sinumang sumalungat ay tiyak na mawawasak. Ganon paman, may isang hihiling at maglalambing sa iyo na hindi mo naman kayang pahindian, ang iyong minamahal n aka-partner. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 36, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Dakila kang nilalang at ito ang dapat mong matanto o maisip sa iyong pagkatao. Kasabay nito, dapat mo ring maunawaang, ang kapangyarihan at ambisyon mo ay walang hanggang at ito ay nakatakda mong makamit. Ang isa pang mangyayari ang kaharian at ang kayamaman mo ay wala ring hanggang. At ang lahat ng ito ay mangyayari at isa-isa mo ng makakamit ngayon. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  3, 9, 18, 27, 39, 45.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mahina ka ngayon, pero kaya mong lumalakas at magpumilit hanggang sa ang mga nais at ambisyon mo ay iyong makamit. At nakasulat din sa aklat ng iyong kapalaran na bilang dagdag na premyo, bibigyan ka ng napakalaking yaman ng langit. Ito ang mangyayari kapag natakot kang muling dumanas ng mga dating hirap na dinanas nyo na dati. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 17, 19,  34, 39, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Computer at modernong teknolohiya ang ginagamit upang bumilis ang mga gawain at matiyak na epektibo ang anumang proyekto. Sa araw na ito kahit sabihin pang panahon ng pandemiya, gagamitin ka ng langit upang gumanda at maayos ang kalagaya ng mga tao. Hindi ka dapat tumanggi dahil matapos mong  gawin ito maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 13, 26, 31, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakatutuwa kang nilalang at ito ay nasasaksihan at nakikita ng nasa itaas. Sobrang maawain mo sa mga naghihirap at  ikaw ay likas na matulungin. Dahil dito, kahit kailan, basta’t humiling ka lang, hindi ka pagkakaitan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 29, 31, 34.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here