Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 23, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 23, 2020, Biyernes  – Lilitaw ang iyong napakalakas na gayuma. Ang sinumang matitigan mo ay parang mahihipnotismo na kung ano ang iyong sabihin siya ay oo lang ng oo sa iyo. Kaya sa panahong ito ng pandemiya lalo mo pang maaakit ang lahat ng suwerte at magagandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 11, 13, 35, 41. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magugulat ka, ngayong panahon ng pandemiya, marami ang kokontra sa iyo. Pero magkakaroon ka ng kakampi ng higit sa kanila ang galing at kapangyarihan. Ang magiging kakampi mo ay ang mismong kapalaran. Oo kakampihan ka ng kapalaran, kaya kahit na anong kontra nila at tanggi sa panukala mo, sa bandang huli, hindi sila ang makapananaig sa iyong kagustuhan, ikaw pa rin ang mananaig at magtatagumpay.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 7, 9, 13, 18, 28, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kahit na panahon pa ng pandemiya ngayon pa lang ay mag-ipon ka na ng pang-regalo para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang marereghaluhan mo, dahil ang lahat ng regalong manggagaling sa iyo at mahahawakan ng mga kamay mo ay maaari nilang gawing lucky charm. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 15,  23, 33, 40, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ngayong panahon ng pandemiya, huwag mong hayaang kubabawan ka na naman ng kalungkutan. Labanan mo ito dahil hindi maganda na makita ng mga tao na ikaw ay nananamlay at lulugo-lugo.  Humahanga pa naman sila sa iyong pagkatao, sa iyong ganda  at sa iyong kakaibang karisma. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 21, 32, 43.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magtiwala ka sa sarili mo! Ipakita mo sa mundo na may kakayahan kang abutin ang iyong mga ambisyon. Kapag buo na ang tiwala mo sa iyong sarili, ipagkakaloob na ng langit ang anumang aambisyunin mo sa buhay. Pero ang tanong, may ambisyon ka ba talaga? Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero  2, 7, 13, 19, 23, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Dumarami ang mga kaibigan mo. Ilan sa kanila ay makakatulong sa iyo sa hinaharap at sa kasalukuyan. Magkagayunman, mag-ingat ka sa pakikisama dahil ang iba sa kanila ang gusto lang ay ang maisahan ka. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  1, 14, 19, 22, 28, 31.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ngayon pa lang ilista mo na ang mga reregaluhan mo sa daraing na Pasko. Huwag mong biguin ang mga umaasa sa ‘yo  na sila ay magkakaroon ng masayang Pasko. Hindi masasayang ang iyong pagsasakripisyo dahil ang mismong nasa itaas ang magreregalo naman sa iyo. Padadalan ka ng langit sa susunod na mga araw ng bulto-bulto salapi para maipambili mo ng regalo at ang anumanng sosobra ay magiging sa yong-sayo na. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 19, 23, 32, 39, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ipakita mo sa iyong mga kasama na masaya ka. Huwag kang magtaray at ‘wag ding magagalit. Kapag masaya ka, sasaya din ang iyong kapalaran at ang lahat ng kaganapan ay sasaya din. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 34, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Malapait na ang Pasko, at alalahanin mong pag-ibig ang diwa ng nalalapit na kapaskuhan, kaya bakit pagdadamutan mo ng pagmamahal ang mga taong nakakasamaan mo ng loob? Ikaw ang unang bumati sa kanila nang sa ganon ay mawala ang bigat ng iyong damdamin. Makikita mo, kapag magaang na ang damdamin mo, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 7, 16,  20, 25, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mas magiging masaya ka kung bababa ka sa iyong trono. Makihalubilo ka sa mga mahihirap at sa mga pangkaniwang tao. Ngayon pa lang paghandaan mo na ang gagawing “out-reach program”  para sa mga biktima ng pandemiya at sa mga kapos-palad na hindi nabigyan ng ayuda ng gobyerno. Mararamdaman mong hindi pala hadglang ang kahirapa upang lumigaya ang mga tao. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 6, 12, 24, 27, 33.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kaya mong patumbahin, kahit gaanong kalaking problemang ilalagay sa iyong harapan. Malakas ka at matapang kaya walang  pag-aalinlangan na ikaw ay aani ng malalaking suwerte at tagumpay. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  4, 10,  18, 25, 29,  36. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tuparin mo ang iyong pangako sa isang tao na nakatulong sa iyo. Sa ibang panahon muli ka na naman niyang tutulungan. Kung hindi mo naman tutuparin ang iyong mga pangako, sa ibang panahon, baka wala ng tutulong sa iyo.  Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero  4, 7, 13, 22, 31, 37.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming nagtayo ng kastilyo pero sa buhangin lamang, kaya ito ay hindi nabuo sa halip, tinangay lang ng alon ng dagat. Pero ang sa iyo ay kakaiba, itatayo mo ang iyong pangarap at ambisyon sa matibay na pundasyon, kaya naman ito sa takdang panahon ay talagang magkakatotoo at makakamit mo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  6, 19, 24, 32, 35, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here