Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 22, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 23, 2020, Huwebes  – Sa panahong ito ng pandemiya ang iba ay walang kapera-pera at laging kinakapos sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit ang sa iyo ay kakaiba ang mangyayari, dating ng dating ang pakinabang mula sa kung saan-saang lugar, bulto-bultong salapi ang iyong matatanggap, kaya ang  pinoprolema mo sa ngayon ay kung saan department store kumbinyenteng mamili at kung saang lugar masarap kumain at mamasyal. Mas maganda kung anumang biyaya ang nasasa iyo na sa ngayon, matututo kang magpasalamat sa pamamagitan ng pagshe-share ng iyong mga blessings sa mga taong mahihirap at kapos-palad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 33, 38, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na bababa na ang kaso ng pandemiya sa ating bansa, kasabay nito tuloy-tuloy ka na uling susuwertehin sa buhay. Ang lahat ng mga plano at pangarap mo na naudlot dahil sa Covid 19 ay isa-isa na uling matutupad, mangyayari at magkakatotoo ngayon na at sa malapit na hinaharap. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 3, 12, 21. 24, 27, 30  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 18, 27,  36,  42, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka puwedeng manahimik na lang sa halip sa panahong ito ng pandemiya matamis na salita ang dapat mong bigkasin. Sa pamamagitan ng matatamis na salita, at lambing sa sinumang iyong makakausap, tiyak na ibibigay sa iyo ang hinihiling mo. Sa matamis na salita rin at lambing, hindi lamang kapwa tao ang maakit mo, maaakit mo rin ang nasa itaas, kaya pagkakalooban ka ng dagdag at mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang silver.  Masuwerteng numero 1, 16,  22, 27, 35, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang matangkad, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at lulutas ng iyong mga problema. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero  2, 17, 22, 27, 38, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hintayin mong tumodo ang sikat at init ng araw, sapagkat kapag tumodo ang init at sikat ng araw, ito ang pinaka-paborableng panahon sa iyo. Gawin mo ang lahat ng mga bagay na mataagal mo ng pangarap magawa, at makikita mo, ito ay magkakatotoo at magkakaroon agad-agad ng magandang katuparan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero  1, 7, 10, 19, 25, 28.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Para sa iyo ang tunay na kaligayahan ay ang pribadong buhay na nagagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin. Ang problema lagi kang pinpuntahan at ginagambala ng mga kaibigan at kakilala. Ang mangyayari, habang ini-entertain mo sila at pinagbibigyan, napakaraming mga suwerte at biyaya ang iyong matatanggap at tulooy-tuloy na iupagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 8, 10, 19, 25, 34, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong kasuyo, tuparin mo ito. Dahil tulad ng paulit-ulit nang nakatala sa aklat ng iyong kapalaran: Patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay umiinbig at nagma-mahal. Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, tuloy-tuloy kang susuwertehin. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  6, 13,  24, 33,  36, 44. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang panahong dapat kang huminahon at sa halip, hindi mo dapat ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwairan sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw, patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Sa ganyang paraan, uunlad ka ng uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay  maiiwan mo ng  milya-milya sa pansitan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  3, 9, 12, 21, 24, 36.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo ngayong ay ang iyong ngiti. Ngitian mo lang ang bawat taong iyong makakaharap at makakausap. Kapag ganyan ka, nakangiting lagi, ang suwerte at magagandang kapalaran ay kusa ng lalapit at dadapo sa iyo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 14, 21, 32, 42, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ding dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. Mapalad na kulay ang gray.  Masuwerteng numero 7, 17,  26, 31, 34, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 9, 22, 36, 41, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble. Ganon din ang suwerteng  darating sa iyo, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng iyong magandang kapalaran, lalo’t magpapasko pa naman, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong suwerteng natatanggap.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 27, 28, 39. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here