Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 21, 2020

From the #1 astrologer, Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 21, 2020, Miyerkoles  – Magkakasunod-sunod ang pagdapo ng suwerte sa iyong katawan. Ingatan mo at pahalagahan ang mga biyayang ito. Dahil kung paano mo iniingatan at pinapahalagahan ang suwerteng iyong natatanggap, patuloy itong lalago at dadami pa ng dadami.   Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  3, 6, 21, 24, 33, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Akala mo ba ay nauubos ang suwerte? Hindi kaya! Ang suwerte at magandang kapalaran ay nandyan lang sa tabi-tabi. Maligo ka, magsuot ng damit na maganda at masarap sa pakiramdam, at magpahid ng konting lipstick. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte ay muli na namang mag-uuna-unahang dumapo sa iyong katawan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  6, 9, 18, 24, 27, 45.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi lahat ng pinapanukala at binabalak ng mga tao ay nagkakatotoo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, magkakatotoo at matutupad lahat ng mga plinaplano mo, lalo na ang balak mong ngayon pa lang ay mag-shopping na at mamili na ng mga pang regalo para sa nalalapit na pasko. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 6, 21, 24, 27, 42.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag kang magalit sa araw na ito, dahil ang ilang malalaking suwerte na nasa iyong tabi, kapag nagalit ka ay lalayo. Handang-handa naman itong pumasok sa iyong pagkatao at sa inyong pamilya, kung kakargahan mo ang iyong mga labi ng ngiti at ang puso mo ay pagaalabin mong muli sa pagmamahal. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 5, 13, 18, 23, 26, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag papayag na kubabawan ka ng lungkot. Dahil hindi maganda sa kapalaran mo ang malungkot ganon din sa iyong kalusugan. Ito ang araw upang mag isip ka ng isang gawaing magpapasaya sa isip at sa damdamin mo. Kapag lagi kang masaya, darating na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  1, 7, 19, 28, 33, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Bawasan ang iyong pakikipagkaibigan. Kapansin-pansing hindi nagiging tapat sa iyo ang iba, at kapag nakatalikod ka ay sinisiraan ka nila. Hindi bale ng konti ang kaibigan, bata’t maaasahan. Kaysa naman marami ka ngang kaibigan, na sila pa ang sa iyo ay madalas manloko manlamang at sumaksak sa iyong likuran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 7, 11, 19, 25, 38.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ang iba ay naghihintay ng himala, pero nainip na sila ng kahihintay ay wala pa ring nangyayaring milagro ang sa iyong karanasan ay kakaiba. Hindi ka naman naghihintay ng himala, mamamangha ang mga nanood sa iyo at pati na rin ang sarili mo, sa isang idlap parang nanaginip lang, malulutas ng lahat ang mga problema mo at may bonus pang dagdag na suwerte at magagandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay. Mapalad ang kulay na gold. Masuwerteng numero  5, 13,  23, 29,  32, 45. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nagiging sobrang malalim ang iyong mga iniisip. Nagbababala ng tumataas ang antas ng iyong pagkato. Sa sandaling narating mo ang higher level ng pagninilay, magniningning ang iyong pagkatao, na siya namang sasagap ng ibat-ibang uri ng suwerte at kapangyarihang maipamamahagi mo naman sa mga taong nangangailangan ng iyong tulong.  Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero  3, 7, 13, 22, 28, 42.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Sa panahong ito ng pandemiya ikaw ang magpapasaya sa mga malalapit sa iyong puso kahit na ikaw ay nasa malayo. Alam nilang maasahan ka at hindi mo sila pababayaan. Kaya wala kang dapat gawin kundi tulungan mo na sila ngayon. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 2, 18, 27, 36, 38, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Laging mataas ang iyong ranggo sa kahit anong bagay ang mapasukan mo. Kahit saan ka pumunta laging mataas ang iyong posisyon, dahil ang salitang mababa ay wala sa iyong bokabularyo. Kaya naman dahil dito, matataas ding mga suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18, 27, 30, 42, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Yong iba dahil sa sobrang kabaitan ay nauuto at sinasamantala ng maaangas. Pero ang sa iyo ay hindi ganon, sa halip, dahil sa sobrang bait mo at may mabuting kalooban, marami ang tutulong at maniniwala sa iyo. Ang mga taong ito na naniniwala sa iyo, sa araw na ito ang sila ring  magbibgay  sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 4, 7, 13,  26, 34, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pinakinggan ng langit ang iyong dalangin at ang iyong kahilingan. Kaya naman humanda ka, parating na ang suwerte na iyong hinihintay at nagmamadali pa. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  4, 19, 20, 32, 35, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka dapat magdalawang isip at hindi ka rin dapat mag-alinlangan. Ituloy mo ang iyong binabalak. Dahil nagpasya na ang langit, aayon sa iyo ang kapalaran. Ang lahat ng binabalak mo ay matutupad at ito ay magbibigay sa yo ng dagdag pang mga suwerte at kaligayahan.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 8, 14,  28, 32, 41, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here