Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 19, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 19, 2020, Lunes – Bago mo isuot ang alahas na natanggap mo ngayong araw na ito ng iyong kaarawan, hawak-hawakan mo muna ito sa iyong palad na medyo matagal at pagmasdan-masdan. Ibulong sa alahas ang ganito: Kapag sinuot na kita, darating sa buhay ko ang suwerte at magagandang kapalaran. Ganon din ang gawin mo sa mga regalong damit na iyong natanggap. Kapag nagawa mo yan, dagdagsa sa buhay mo ang suwert at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold.  Masuwerteng numero 1, 11, 10, 19, 34, 42. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa araw na ito magkakaroon ng magic ang pakikipag-usap mo sa iyog mga kaibigan. Magmumula sa mga malalapit mong kaibigan ang iyong buwenas.  Habang nakikipagkuwentuhan ka, hindi sinasadyang malilipat sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran ng iyong kausap. Mapalad na kulay angmaroon. Masuwerteng numero  3, 9, 18, 24,  37,  42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Marami ang mag-aakalang mahina ang loob mo. At dahil ang mga akala ay kadalasang mali, sila ay mapapahiya dahil sa araw na ito ay magiging malakas ang loob mo. Anumang balakin at gawin mo ay magtatagumpay, kaya naman magugulat sila sa kakaibang suwerte at magandang kapalaran mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang old roes. Masuwerteng numero 5, 11, 25, 28, 34, 43.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kusang nahuhulog sa sanga ang hinog na hinog ng prutas. Kung hindi ka magiging maagap ang mga suwerte at magagandang kapalarang nakakamit mo sa ngayon, ay maaaring masayang. Kailangang pitasin mo na ang iyong mga  pinaghirapan, panahon na ngayon upang mag-invest ka at mag-ipon. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 15, 23, 32, 39, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maraming katanungan ang pumapasok sa iyong isip, pero sa totoo lang ikaw din naman ang sumasagot. Pero may tanong na hindi mo masasagot, ito ay “kung kailan darating ang suwerte at magandang kapalaran?” Ang langit ang sasagot para sa iyo at ang sagot ay: “Magsisimula na ngayon.” Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  1, 19, 28, 34, 41, 44.    ©PhilippineOne.com  2020

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kailangang maging malaya ka sa ngayon. Kaya wag ng magdalawang isip na takasan mo ang buhay na hindi maganda. Kung hindi ka kikilos at gagawa ng hakbang sa ngayon, kailan pa? Lakasan mo ang iyong loob, pinapanood at papatnubayan ka ng langit. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 20, 29, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakalista ang iyong pangalan sa tatanggap ng mga suwerte dahil sa nagawa mong kabutihan sa nagdaang mga araw. Ito  ay bilang katugunan sa hiniling ng ilan mong natulungan na ikaw ay pagpalain ng Maykapal.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  5, 8, 14, 25, 28, 45.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Pinapakinggan mo kasi ang mga negatibong sinasabi ng iyong kapwa kaya naiinis ka ng husto at gusto mo ng marahas na pagbabago. Bakit mo pa sila pakikinggan? Hindi mo dapat problemahin ang mga bagay na wala namang direktang kaugnayan sa pangarap na nais mong makamit. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  9, 15, 21, 27, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Tila nakakulong ka ngayon sa rehas na bakal  kaya hindi ka lubusang umuunlad. Kailangan mong makalaya. Sa pangingibang bansa, mawawasak ang rehas na iyong kinakukulungan. Sa sandaling nakalayo ka na, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4,  10, 19, 29, 37, 43.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kahanga-hanga ang iyong kakaibang galing at husay kaya naman pati ang nasa itaas ay iyong napa-believe. Bukod sa karangalan at mataas na posisyon sa iyo ay ipagkakaloob, pagkakaloban ka pa ng dagdag na suwerte at mas marami pang  magagandang kapalaran ng hindi mo inaasahan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 9, 18,  27, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bago tumubo ang isang buto kailangan munang ibaon ang buto sa ilalim ng lupa at maranasan niya ang madilim na paligid. Ganon din ang  iyong karanasan, kailangan munang mabigo. Ngunit pagkatapos ng mga kabiguan, tulad ng isang buto magiging halaman ka, lalago at mamumunga ng suwerte at magandang kapalaran ang iyong karanasan.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 13, 16,  28, 31, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Gumala ka, dahil sa iyong paggala matatalisod mo ang suwerte at magandang kapalaran. Puwede ding ang pagalain mo ay ang iyong isipan, upang ma-connect ang iyong diwa sa “mother nature” na siya namang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 8, 13, 14, 22, 26.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakaatang sa iyong balikat mula pa ng ikaw ay isinilag ang tumulong sa kapamilya, kaibigan, mga kakilala at pati na rin ang mga di kakilala na hihingi ng saklolo sa yo. Wag mag-alala, lahat ng kailangan mo para magampanan mo ang iyong papel na ito ay pagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero  7, 13,  25, 32,  34, 41. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here