Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 17, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 17, 2020, Sabado  – Magaganda ang mga bulaklak sa parke at makukulay. Sa araw na ito kailangan mong makita at madama ang ganda ng nature at ng kalikasan. Ito ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayong araw ng kaarawan mo, mag-relaks at mamasya kal, upang lumusog ang  pakiramdam at lalo mo pang makamit ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  6, 12,  27, 30,  33, 49. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tama ang ginawa mong pagpipilit at pagpupursigi sa isang bagay na gustong-gustong mong mangyari. Makikita mo, ikaw na naman ang masusunod at mananaig. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  1, 4, 8, 28, 31, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kusang nahahawi ang dilim matapos ang malakas na bagyo. Ganon din ang iyong tadhana, mahahawi na ang lahat ng problema upang palitan ng isang aliwalas at maliwanag na suwerte mula sa langit. Kasunod nito, lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 33, 45.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iwasan mong mag-isip ng mag-isip lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, dahil sa kaiisip mo, pati kalungkutan ay sumasagi sa iyong isipan. Ano kaya’t sa halip na isip ang paganahin ay damdamin na lang – muli kang umibig, muli kang mag mahal, upang ang suwerte ay muli mong makamtan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 5, 15, 23, 29, 34.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Noong sinaunang panahon, labis na nagsasaya ang mga tao sa panahon ng anihan. Oo, panahon ngayon ng anihan, kaya ganon din ang mararanasan mo, marami kang aanihing suwerte at magagandang kapalaran na labis mong ikasisiya at ikasisiya rin ng iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero  1, 7, 13, 19, 25, 28.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka dapat padala sa mga paninira at intriga. Ang mga negatibong tao at bagay na nangyayari ngayon ay dapat mong lagpasan. Hinid mo sila dapat na pansinin, upang magpatuloy-tuloy ang iyong pag-unlad. Habang iniinis ka nila, ang hindi nila alam, lalo ka namang pinagpapala ng nasa itaas. Kaya sa susunod na mga araw, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 4,  22, 28, 34, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Inasinta mo ang target ngunit sa halip na taaman ang bull’s eye, ang ibong lumilipad ang bumagsak. Ganyan din ang magaganap sa iyong kapalaran, hindi mo tatamaan ang hinahangad mo, pero higit na mas malaki at mas maganda sa hinahangad mo ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw basta’t wag ka lang maiinip. Mapalad na kulay ang royal blue.  Masuwerteng mero 5, 15, 24, 29, 33, 39.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nagsasaya ang mga ibon sa unang oras ng umaga bilang pasasalamat sa Dakilang Lumikha. Ganon din ang gawin mo, tumilaok ka sa umaga, matuto kang magpasalamat at magpuri sa Dakilang Lumikha sa bagong araw at bagong buhay na bigay sa iyo.  Kapag lagi kang ganyan, matutuwa ang nasa itaas, mas lalong darami ang suwerte at magagandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 27, 33, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Wag kang mahirati sa pagsusungit at kasisimangot, lalo ka pang papangit niyan. Sa halip, ang dapat ay matuto kang ngumiti, upang ngimiti rin ang kapalaran sa mga taong nakangiti sa kanya. Oo ngumiti ka rin ng madalas kahit na walang namang pangyayaring nakatatawa. Makikita mo, ngingitian ka rin ng  langit, kasabay nito maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyo ay darating.  Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero 1, 19, 27, 33, 35, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi mo ba napapansin, na ang tipaklong ay talon ng talon. Ganon din ang gawin mo, kailangang magkaroon ka ng regular na eherisyo upang gumanda ang iyong kalusugan at magpatuloy ang masaya mong pamumuhay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 6, 12, 21, 24, 42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi mawawalang kabuluhan ang lahat ng ginagawa mong pagsisikap. Ginagarantiyahan ng langit na matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap at kahit hindi mo pangarapin, ginagarantiyahan ding ikaw ay tiyak na yayaman. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  2, 7, 17, 22, 28, 31.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Bakit may sungay ang baka, gayong siya ay isa sa mga hayop na mabait? Panakot lang niya ito at ito ay babala rin na hindi dapat magalit ang tulad mong mabait. Kaya nga anuman ang mangyari, wag na wag mong ilalabas ang iyong galit. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  4, 8, 11, 27, 31, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakikipagmabutihan ang bundok sa ulap, kung kaya’t laging umuulan at umaabon sa paligid ng bundok na nagbibigay ng magandang ani sa mga halaman. Makipagmabutihan ka rin sa iyong sariling desisyon. Kung ano ang iniisip mo ay ipatupad mo  agad. Sa ganyang paraan walang internal conflict na nararansan sa loob ng iyong pagkatao, pagkakalooban ka ng langit ng mas marami pang suwerte at magagandang kjapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  7, 16, 22, 25, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here