Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 16, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 16, 2020, Biyernes  – Dapat panatag ang kalooban mo sa ngayon. Dahil may nag-aabang na napakalaking suwerte sa iyo na darapo sa katawan mo kapag payapa ang iyong isip at damdamin. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero  1, 13, 24, 28, 31, 42.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon! Sino naman ang mamalasin? E di sino pa, kundi sila na pumapangit ang buhay na nagsikontra at kumalaban sa iyo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 9, 12, 15, 33, 42.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ikaw ngayon ay magiging tagapayo sa panahong ito ng pandemiya. Ito ang magiging papel mo sa mundo. Pero hindi alam ng mga pinapayuhan mo na ikaw din ay nangangailangan ng sariling tagapayo. Isang Virgo o kaya’y isang Capricorn ang maaasahan mo sa anumang problemang nais mong ihingi ng mahusay na advice.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 19, 26, 27, 35, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa panahong ito ng pandemiya, kailangan mo ng saya. Kaya anumang ang tinatrabaho mo sa ngayon kailangang maging masaya ka. Nanonood sa iyo ang nasa itaas, kapag ginagawa mo ang mga bagay na may saya, pagkakaloob ka ng langit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na  gray. Masuwerteng numero  5, 14,  20, 23,  33, 39. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mula sa malayong lugar may darating sa iyo, dala niya ang susi upang ikaw ay lalo pang umunlad at magtagumpay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 31, 34.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa isang pagtitipon may isang tao na matagal mong hindi nakita ang muli mong makikita. Pagsikapan mong kontrolin ang iyong damdamin, at mag-ingat na baka madala ka sa mga sulsol at tukso ng iyong mga kasama. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero  1, 7, 16,  38,  41,  44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa kabila ng marami kang ginagawa pagtuunan mo pa rin ng pansin ang iyong kalusugan. Alalahanin mong ang malusog na pangatatawan at maraming pera ang tatawaging tunay na masuwerte. Panatiiin at pilitin mo na maging ganon ka!  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  5, 15, 23, 28, 34, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Magiging palakuwento ka at mawiwili sa pagbahagi ng iyong karunungan. Kaya lang bihira sa mga kuwento mo at kaalaman ang mauunawaan at masasakyan ng iyong kausap. Magkaganonman ang mga maririnig sa iyo ay sobrang makamamangha at magpapasaya sa kanila. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 12,  27, 32, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Magiging palahanap ka ngayon at para bang madali mong mapansin ang pagkukulang ng mga nasa paligid mo. Mas mabuting sarilinin mo na lang ang iyong mga napupuna, upang wala kang makasamaan ng loob. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8,  22, 32, 36, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang ibang tao ay nag-iisip ng matatayog at matataas na pangarap ngunit hindi naman nila ito natutupad. Ang sa iyo ay lubhang kakaiba, idinisenyo na ng langit na maabot mo ang mataas at maluluho mong mga pangarap. Kaya naman panahon na upang mangarap at mag-ambisyon ka na ngayon ng matayog at mataas na talaga tutal naman siguradong ito ay maaabot mo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 9, 12, 21, 33, 43, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi mo dapat sayangin ang mga biyayang magaang na dumarating sa iyong mga kamay. Kapag naging masinop ka at mapagpahalaga sa mga nasa sa iyo na, magkakaroon ka ng siguridad para sa iyong kinabukasan na lalo mo pang ikauunlad at ikayayaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  4, 17, 28, 37, 40, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa ibayong dagat o sa pag-aabroad mas madali mong matutulungan ang mga mahal mo sa buhay at ito rin ang paraan upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 7, 13, 16, 29, 38.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Taglay mo ang malikhaing kaisipan at taglay mo rin ang pagnanasa na makarating sa malalayong lugar. Kaya ikaw ay itinalaga ng langit upang makapag-abroad na iyong ikayayaman.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 10,  25, 34, 41, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here