Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 15, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 15, 2020, Huwebes  – Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganon din ang magaganap sa iyong karanasan,  sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero   6, 15, 22,  24,  33, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mabait ang kalikasan dahil pinatutubo niya ang magagandang mga bulaklak sa parang kahit walang nag-aalaga. Sa araw na ito patutubuin ng nasa itaas ang sari-saring suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay na sa sangayunan naman ng langit kaya tuloy-tuloy kang susuwertehin at lalo pang magtatamo ng mas naraing magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 9, 14,  25, 34, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailanman’y hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makakaahon ka rin sa mga problema, ilalawit na ng langit ang kanyang mga kamay upang tulungan ka, iahon at pasaganain ng todo. Mapalad ang kulay na old roserr. Masuwerteng numero  6, 13, 16, 33, 42, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dahil sa paulit-ulit na dampi ng alon at hampas ng tubig, kumikinis at lumilinis ang magaspang at mapangit na bato sa dalampasigan. Ganon din ang gawin mo, maglinis ka ng iyong silid sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, kahit pa panahon ng pandemiya sa mngayon, ang suwerte at magandang kapalaran na hatid ng nalalapit na kapaskuhan ay mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang royal blue. Masuwerteng numero 3, 5, 14, 23, 32, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tubig ang pangunahing elemento ng isang Cancer na tulad mo at hindi mo ba napapansin panahon ngayon ng tag-ulan. Ibig sabihin susuwertehin ka at tuloy-tuloy na darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Humiling ka ngayon sa langit, at anumang hilingin mo ay tiyak na pagbibigyan. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 7, 16, 23, 25, 34.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa. Maghanap ka ng makakasama sa paggala at paglalakwatsa. Sa piling ng mga kaibigan, magkakaroon ka ng dagdag na sigla at saya. At kapag lagi kang masigla at masaya, ang suwerte at magandang kapalaran ay bubuhos din sa iyo ng bonggang-bongga. Mapalad na kulay ang golden yellow.  Masuwerteng numero 2, 13,  26, 35, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa pagtutulungan at pagsasamasama ng mga langgam nakaiipon sila ng maraming pag-kain. Hindi mo dapat ipagdamot ang iyong kakayahan, alalayan mo ang mga mahihina at tulungan ang sa iyo ay humihingi ng tulong. Kapag nagawa mo yan, mas mataas pa kaysa sa mga naipong pagkain ng mga langgam ang suwerte at magandang kapalarang ibibigay sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 7, 14, 22, 23, 31, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Malakas ka ngayon. Susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig.  At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 23, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) ) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 2,  7, 11, 29, 34, 41.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Bibihira na sa ngayon ang tulad mong likas ng maganda ay may maganda pang kalooban. Ang ikinaganda pa nito, may maganda ka ring pinagkakakitaan. Dahil sa mga kagandahang tinuran, tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  3, 18, 21, 27, 33, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi umaalis ang puno sa kanyang kinalalagyan, subalit paglipas ng panahon ang dating maliit na puno ay nagiging higanteng puno na. Wag ka ring aalis at wag ka ring manawa sa kasalukuyan mong ginagawa. Dyan ka dinala ng kapalaran, kaya pagbutihin mo pa, dahil sa badang huli, dyan ka rin liligaya at yayaman. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 26, 35, 43. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa makapal na ulap. Pero matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang langit. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa iyong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matagal na ang batis sa kanyang kinalalagyan, ngunit sa bawat saglit at sa bawat sandali laging bago ang agos ng tubig. Ganon din ang iyong buhay, akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at bawat sandali. Hindo mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang isinisilid mo sa iyong isip kaya ayaw umagos ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 6, 16, 25, 28, 34.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here