Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Oktubre 15, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 15, 2019,  Martes –  Tinitiyak ng iyong kapalaran na magiging maganda ang iyong buhay. Kahit na makaranas ka ng mga pagsubok at negatibong kaganapan tiyak na pagagandahin ng ubod ng ganda ng langit ang lahat ng mga pangyayari sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 5, 14, 17, 28, 38, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Hndi natutulog ang Diyos, pero natutulog ang tao. Wag kang labis na magpuyat sa mga bagay na iyong pinagkakaabalahan. Dahil hindi naman natutulog ang Diyos, kaya kahit namamahinga ka bibiyayaan ka pa rin ng langit.  Mapalad ang kulay na olive green.  Masuwerteng numero 7, 16, 29, 25, 29, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  May babala ang langit. Wag kang didikit baka mapahamak ka sa mga taong may impluwensiya na nagsasamantala sa kanilang panunungkulan. Sa halip lumakad ka sa daan ng kabutihan upang pagpalain kang lagi ng tadhana. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 2, 7, 22, 28, 31, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Talasan mo ang iyong pakiramdam. May mga taong sa iyo ay naiinggit. Sorry na lang siya, dahil hindi sila magtatagumpay. Matagal ng prineserba ng langit ang magagandang kapalarang  na tuloy-tuloy na mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 15, 24, 36, 39, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Makakaramdam ka ng pagod dahil sa sobrang pag-iisip. Sa bagay sino ba ang may sabi sa iyong mag-isip ka ng mag-isip ng kung anu-anung bagay? Hindi ba’t wala naman? Sa bagay, sa kaiisip ng kaiisip ka naman kasi nagkakapera at nagiging maligaya. Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 5,  8, 13, 28, 37, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wag tularan ang iba nakapag malapit na ang uwian nag-aayos na agad ng mga gamit. Pag ganon, hindi sila aasenso kailan man. Magtrabaho ka ng lagpas sa oras, makikita mo – pagpapalain ka ng kapalaran, anuman ang hilingin mo ipagkakaloob sa iyo sa ito ng langit. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 12, 30, 39, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Dahil may lihim kang kabaitan, babait din sa iyo ang kapalaran. Bubuti na ng bubuti ang iyong kapalaran. Sasagana ang kabuhayan at makakatagpo ka ng mabait na tao na sa iyo ay magmamahal. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 29, 37, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Iwasan mong maging magastos, sa halip upang umunlad, paramihin mo ng paramihin ang anumang iyong hawak. Sa pagpaparami ng mga bagay-bagay,  matutuwa sa iyo ang langit, bibigyan ka niya ng mas marami pang mga biyaya, hindi sa bawat buwan, hindi sa bawat linggo, kundi araw-araw. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Walang makakaawat sa iyo sa ngayon. Tuloy-tuloy na gaganda at sasagana ang kapalaran. Pero alalahanin mong dumarating din ang twilight time. Bago lumubog ang araw, dapat ngayon pa lang magipon ka na ng mag ipon para sa future. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 10, 22, 34, 38, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Nahihinog ang mga butil ng palay kapag natamaan ng sikat ng araw.  Ganyan din ang mangyayari sa iyong kapalaran, sa susunod na mga araw, mahihinog na ang tagumpay at kaligayahan na noon mo pa hinihintay.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Paulit-ulit lang ang panahon. Hindi mo ba napapansin ganon din ang iyong kapalaran, may lungkot at saya. Ang kaibihan lang ng sa iyo, mas marami ang lungkot  kaysa sa saya. Pero hindi na ngayon, mas darami na ang saya kung sisimulan mo ng laging magbibigay ng limos sa mga taong nangangailangan.  Mapalad na kulay ang golden orange. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 29, 37, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Hindi masamang magpakasipag para umunlad. Pero kailangan ng iyong isipan at katawan ang paminsan-minsang paglilibang. Bumuwelo ka muna. Katulad ng atleta sa long jump, lumalayo muna siya ng malayong-malayo at saka tatalon. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 37, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka dapat magdesisyon ng labag sa kalooban ng iyong pamilya. Ang tunay na ligaya ay hindi lamang pansarili, kundi ang tunay na ligaya ay ang mapaligaya mo ang iyong pamilya. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 18, 27,  39.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here