Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 14, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 14, 2020, Miyerkoles  – Mabilis na umiihip ang hangin at biglang nawawala. Pero ang sa iyo ay kakaiba, mabilis ding darapo sa iyo ang suwerte, pero ito ay hindi na mawawala kailan man. Mananatli sa iyo ang suwerteng may kaugnayan sa damdamin at pangmateryal na bagay. Darami ito ng darami at lalong madodoble, kung ito  ay ipamamahagi mo sa iba. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 3, 14, 20, 23, 35, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi ka puwedeng sumuway sa kapalaran dahil ito na ang nakatakda. Ang kapalaran mo ngayon kahit tumanggi ka pa, ay magkakaroon ka ng hindi inaasahang suwerte, na may kaugnayan sa materyal na bagay sa buwang ito ng Oktubre hanggang Disyembre. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  3, 15, 21,  33,  45, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi mo dapat ibinbin ang mga gawain ng pangmatagalan. Tapusin mo agad. Unahin mo ang madali at isunod mo na lang ang mahirap. Pinapanood ka ng langit  sa sandaling natapos mo ang mga gawain, bibigyan ka ng panibagong suwerte ng higit pa sa mga dati mo ng naranasan.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwe vbbvvhm,nmvbbbbrteng numero  6, 14, 24, 34, 41, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sobrang makapangyarihan ang salita mo ngayon. Anuman ang iyong sabihin ay magkakatotoo. Subukan mong magsabi ng magagandang mga bagay, pihadong ito ay matutupad. Kaya ingatan mo ring magsalita ng masama sa iyong kapwa,  dahil yon ang saktong mangyayari. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 5, 19, 23, 29, 32, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ngayon pa lang muling bumabalik ang tag-ulan, kasabay nitong magsisimula  ang pagdatin ng maraming suwerte sa iyong buhay. May isang kundisyon lang upang ang suwerteng ito ay tuloy-tuloy na pumasok sa iyong  pagkatao, wag kang mag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 16, 21, 25, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka mapapakali hangga’t hindi ka nakapamimili. Tunay ngang ang pagsha-shopping ang nagpapaligaya sa iyo. Ang nakamamangha, kung ang iba ay pinapayuhang magtipid dahil baka maubos ang pera, ang sa iyo naman ay kakaiba, habang gumagastos ka, dating ng dating pa rin sa iyo ang malalaking halaga ng salapi at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  1, 12, 24, 28, 31, 40.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang ilog na mababaw ay maingay, habang ang ilog na tahimik ay malalim. Hindi ka dapat mag-ingay sa ngayon. Tumahimik ka lang at isekreto mo ang pagdating ng magandang kapalaran. Kapag natututo kang tumahimik, mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang darating.  Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 5, 10, 22, 25, 28, 34.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Paulit-ulit na darating sa iyo ang oportunidad na puwede kang yumaman. Palagpasin mo man ang iba, babalik at babalik sa iyo ang mga ito, hanggang sa magpasya kang tuluyang tanggapin ang nasabing mga pagkakataon upang yumaman. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 14, 24, 33, 36, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Malakas ka ngayon. Susuko sa iyo ang mga karibal mo at kung hindi sila susuko, magagapi mo sila ng napakadali. Kaya ito ang araw na puwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, dahil nakaisisgurong mapapasa iyo ang malaking tagumpay at pagwawagi. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 13, 22, 31, 40, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ikaw ngayon ang reyna ng sarili mong mundo. Hindi ka susuwayin ng sinumang utusan mo. Minsan upang mawala ang stress, masarap mangarap na ang buhay ay isang “fairy tale”. Utusan mo ngayon ang ka-partner mo at siguradong siya ay susunod sa iyo.  Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero  6, 9, 18,  24,  33, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag madilim ang langit nagbababala ng malungkot at maunlang na panahon. Hindi dapat na pumangit ang iyong panahon, sa halip, lagi kang maging masaya dahil sa taong masaya, masayang suwerte at magagandang kapalaran din ang dumarating na nakatakdangn mangyatri sa iyo ngayong buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Mapalad na kulay ang trangerine Masuwerteng numero  2, 17, 22, 27, 34, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nakakahuli ng daga ang pusa kapag tahimik lang siyang nag-aabang sa lungga. Itahimik mo ang iyong damdamin sa araw na ito at wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Kapag nagawa mo yan, malalaking suwerte at magandang kapalaran ang mahuhuli mo sa iyong pang araw-araw na karanasan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 22, 28, 31, 44.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kapag galaw ng galaw ang buntot ng aso at sumasalubong sa kanyang amo, siya ay masaya. Kailangan mo ring maging masaya, dahil kapag nalulungkot ka, malulungkot din  ang iyong kapalaran. Sa masayang attitude at pananaw sa buhay, sasaya ang kapalaran. At kapag masaya ang kapalaran, bubuhos ang maraming biyaya at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2,  7, 17, 29, 34, 44.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here