Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Oktubre 11, 2018

0
371
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 11, 2018, Huwebes – Magsisimula ng magdatingan sa iyo ngayon ang mga magagandang kapalaran na noon pa ay inilaan na sa iyo ng langit. Wala kang dapat gagawin kundi ang magpasalamat sa tuwi-tuwina. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 13, 25,  31, 34, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Huwag kang umasa sa mga malalapit sa buhay mo. Kung itutuloy mo ang mga bago mong plano darating ang panahong sila naman ang aasa sa iyo dahil uunlad ng todo ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 19, 25, 34, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) May ibabalita sa iyo ang iyong kapalaran. Ito ay ang mabuting balita pero puwede mo ring tawaging masuwerteng balita na ikaw mismo ang lalapitan ng mga suwerte sa panahong ito ng kapaskuhan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  7, 14, 21, 31, 34, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang susi ng iyong tagumpay ay iaabot na sa iyo ng langit sa panahong ito. Kaya hindi ka dapat tamarin sa mga gawaing inaatang sa iyo ng langit. Sapagkat ang mga bagong gawaing mabubuksan sa panahong ito ang maghahatid sa iyo ng napakalaking suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 3, 16, 27, 36, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang panahong dapat kang magpakasipag ng husto. Dahil kasabay ng pagsisipa mo pagpapalain ka ng langit. Kaya kapag ginawa mo na ang mga layunin at gusto mo, mas mapauunlad mo pa ang kabuhayan mo at mas mahihigitan mo ang mga taong mas nakatataas sa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 11, 26, 28, 39, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na nagniningning ang iyong pagkatao. Ngayon mo na gawin ang lahat ng iyong mga plano at ang mga binabalak, dahil susunod sa iyo ang kapwa mo. Anumang sabihin mo ay susundin nila, kaya sa negosyo malaking halaga ng salapi ang kikitain mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 9, 16, 25, 32, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ikaw ang panginoon ng sarili mong buhay, kaya hindi ka dapat magpa-impluwensiya sa iba. Kung ano ang gusto mo, yon ang dapat mong gawin at siguradong sa sarili mong diskarte at pagsisikap, matutupad mong lahat ang iyong mga pangarap sa buhay at isa rito ay ang pagyaman. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 5, 16, 23, 32, 39, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kumukulo ang tubig nang dahil sa apoy. Nagaalab ngayon ang hangarin mong umunlad ang iyong buhay.  Huwag  sayangin ang pagkatoon. Suwerte ka ngayong panahong itong papalapit na ang paskauhan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8, 17, 28, 36, 39, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang hihinto na mangarap. Dahil ang totoo, ang mga pangarap mo, ang magsisilbing pakpak mo para ikaw ay makalipad patungo sa tiyak na pag-asenso at pag-unlad ng kabuhayan.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 12, 25, 34, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Bibigyan ka ng maraming biyaya ngayon ng langit. Hindi pa man nauubos ang pera sa lalagyan, may darating na naman na mas marami. Ganon din sa pag-ibig, hindi pa natatapos ang pagnanamnam sa nakaraang masarap na romansa may bagong romansa na namang matitikman. Bilang pasasalamat sa magagandang kapalarang natatamasa, maghanap ka isang kamag-anak na naghihirap sa buhay, tulungan mo siya. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 3, 18, 27,  33, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na dapat kang magbawas ng mga kaibigang pabigat lang sa buhay mo, upang pumasok ang mga kaibigan makakatulong sa iyo. Sapagkat kapag hindi ka nagbawas ng mga kaibigan, lalong magugulo ang buhay mo. Habang ang mga bagong kaibigan na idagdag mo ay may malaking suwerteng ipagkakaloob sa iyo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 19, 31, 34, 38, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag masaya ang buhay pag-ibig mo, maganda ang takbo ng kapalaran mo.  Kaya hindi ka dapat manatili  sa malungkot na love life. Magsaya kang lagi upang sumaya at sumaganang lagi ang buhay mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  12 ,  24, 33, 41, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Itutok mo lang ang isip mo sa iisang gawain. Hindi puwedeng lagi na lang sobrang dami ang gusto mong gawin, dahil sa huli wala ka ring mararating. Kapag naitutok mo sa iisang gawain ang iyong isipan, tuloy-tuloy ng darating ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  4, 10, 23, 29, 34, 41.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here