Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 10, 2020 REVISION

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 10, 2020, Sabado  – Dahil kaarawan mo ngayon, may hahabol sa iyo at kahit saan ka magpunta at kahit na bilisan mo pa, aabutan ka. Sa araw na ito, hahabulin ka ng suwerte at sa sandaling abutan ka, dapat alam mo ang gagawin mo. Ipamahagi mo sa iba at sa mga lalo pang nangangailangan ang iyong suwerte at magandang kapalaran upang lalo pa itong lumago at dumami. Mapalad na kulay ang golden yellow.  Masuwerteng numero 1, 6, 10, 24, 25, 42.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magpapatuloy ang iyong kakaibang lakas ng loob at tapang. Walang pupuwedeng makapigil sa iyo. Dahil sa kasalukuyan, patungo ka sa malaking tagumpay.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  9, 12, 18, 21, 24,, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mismong ang langit ang hahatol sa mga ginagawa mong kabutihan. At ang hatol,  bibigyan ka pa ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ng higit sa iyong inaasahan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 27, 36, 39..  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Bawal sa iyong manatili sa bahay lang. Dahil sa labas ng bahay, mas malaking halaga ang kikitain mo. Oo sa pakikipagusap kung kani-kanino, ang suwerte at magagandang kapalaran ay madadapuli mo. Mag-ingat ka lang at sa panahong ityo ng pandemiya laging sumunod sa health protocol upang mapanatili mo ang iyong kalusugan.  Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 6, 19, 24, 28, 31, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lumayo ka sa mga malulungkitin dahil baka mahawa ka. Sa halip hanapin mo ang may masayang personalidad dahil mula sa kanila makakahigop ka ng masabaw na suwerte at mas magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  4, 7, 11, 13, 17, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na matatabunan ng saya at ligaya ang iyong mga problema. Ang totoo pa nga nito lahat ng tao ay namumroblema, pero ang kakaiba sa iyo, mas marami ang saya at ligaya kaysa sa problema. Kaya naman kahit saan ka magpunta, ang ligaya at saya ay laging susunod sa iyo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 7, 13, 29, 34, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mahina ka ngayon dahil hindi mo maiiwasan ang malakas na karisma ng isang taong sobrang mabait sa iyo na magpapakita ng aakalain mong pagmamahal. Mag-ingat ka, baka tuluyan kang bumigay at matukso!   Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  7, 13, 19,  31,  35, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ang mga walang disiplina ay hindi nagtatagumpay sa kanilang buhay. Pero ang sa iyo ay kakaiba, may disiplina ka man o wala, nagugulat ang mga kaibigan mo, kung bakit lagi kang sinusuwerte at pinagpapala ng nasa itaas. Ganon talaga ang buhay minsan may mga bagay na mahirap ipaliwanag? Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  6, 12, 11, 18, 21, 24.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang araw na hindi ka dapat magreklamo. Pinapanood ka ng nasa itaas. Oo, sa tuwing nakikitang nagrereklamo ka at hindi ka masaya, hindi maihulog-hulog ang biyayang laan sa iyo. Mula ngayon, matuto kang magpasalamat sa kahit anupamang nangyayari sa buhay mo. Kapag muling tumingin ang langit sa iyong kalagaya at nakitang marunong ka ng magpasalamat, agad-agad mahuhulog sa iyong harapan ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 5, 19,  20, 25, 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi kanyang dakutin ng palad ang lahat ng butil ng ginto. Ito ngayon ang mararanasan mo. Mapapa sa iyo ang maraming suwerte, pero marami pa ring makakalagpas na hindi mo makukuha. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  3, 14, 18, 29, 33, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Magkasabay kayong dadapuan ng suwerte ng taong mahal mo. Magkagayuman mas kagit ang mapapa sa kanya, habang ang sa iyo ay medyo maliit lang. Subalit ‘wag kang malungkot, habang pumapasok ang panahon ng kapaskuhan, mas magiging malaki naman ang suwerte mo at ang sa kanya ay medyo maliit lang. Mapalad na kulay ang ornage. Masuwerteng numero 2, 4, 8, 10, 19, 28.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lilinisin ngayon ng langit ang iyong mga daraanan. Kung noon dati nahihirapan kang makamit ang pag-unlad, ngayon ang suwerte at magandang kapalaran na ang sa iyo ay kusang lalapit. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang magpatuloy pang lalo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow.  Masuwerteng numero 1, 7, 19, 22, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Binilinan mo ang iyong sarili na isip na ang susundin, ngunit ng muli kang umibig at magmahal, puso na naman ang nasunod. Sa susunod siguraduhin mong isip na ang mamamayani, upang hindi na muling lumuha. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 2, 7, 14, 20, 29, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here