Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 5, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre  5, 2020, Huwebes  – Dahil kaarawan mo, may regalo sa iyo ang langit, muling ibinabalik ng langit ang masuwerte araw mo at ito ay ang ngayon. Gawin mo ng gawin ang gusto mong gawin, dahil tiyak na tiyak na ikaw ay bubuenasin. Mapalad a ang kulay silver. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung sa iba ay mabagal pumasok ang suwerte sa kanilang buhay, ang sa iyo ay kakaiba. Nagmamadali ang ilang malalaking suwerte na pumasok sa iyong kapalaran. Kaya ito ang araw na dapat mong gawin ng mabilis ang lahat ng iyong mga binabalak,  dahil tiyak na ipagkakaloob ngayon sa iyo ng langit ang tagumpay at  pagnanaig. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 35, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Madali ka ngayong matangay ng iyong damdamin at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mas mabuti kung ang kasama mo ay ang talagang mahal mo. Kaya umiwas ka muna sa mga hindi mo naman talaga gusto. Sa mga bagay na gustong-gusto mo ikaw  pumunta at sumama, suwertehin ka at magkakaroon ng magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero  3, 7, 21, 39, 41, 44.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ituloy mo lang ang lahat ng iyong mga binabalak. At wag kang matakot na mabigo. Inayos na ng langit ang mangyayari.  Oo kahit mabigo ka, ang kabiguan ay magiging tungtungang hagdaan upang mas madami mo pang maabot ang hitik at maraming bunga ng suwerte sadyang sa iyo ipinagkaloob ng langit. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 1, 5, 14, 21, 32, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Malakas ang kutob mo at intuition sa araw na ito. Kung ano ang kutob mo, iyon ang sundin mo. Ihahatid ka nito sa isang malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 32, 32, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wag mong pansinin ang iyong kinaiinisan at ang mga taong naiinggit sa iyo, dahil nakakaabala lang sila sa iyong tagumpay. Ituon mo ang iyong isipan sa iyong ginagawa lalo na sa mga gawaing pagkakaperahan. Kapag ganyan ka, tuloy-tuloy na mahuhulog ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 29, 34, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pakinggan mo ang payo ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Hindi makabubuti para sa iyo na maging bingi ka sa sasabihin nila. Dapat bukas ang isipan mo at malawak ang iyong pananaw. Sa ganyang paraan, nakikinig ka sa mga kaibigan at kapamilya mo, bubuti na ng bubuti at gaganda na ng gaganda ang kapalaran mo. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 35, 41.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mapapanatili mo ang iyong magandang katawan kahit pa ikaw ay pataba ng pataba. Ang isa pang ibig sabihin ng magandang katawan para sa iyo ay suwerte at paparating na magandang kapalaran. Kaya alam mo na ngayon kung ano ang gagawin mo para suwertehin ka at magkaroon ng dagdag pang magagandang kapalaran. Kain lang ng kain at wag mong pigilin ang iyong pagtaba. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 15,  24, 27, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Wag kang umangal at wag kang tumutol, sa halip, sakyan mo lang ang mabilis na agos ng iyong kapalaran at makaaasa ka  na dadahin ka kung saan, ang ligaya at malaking tagumpay sa anumang inaambisyo mo ay matutupad. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  7, 14, 28, 32, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hawakan mo ang galit mo at hawakan mo ng mahigpit. May babala na mabilis kang magagalit. Kapag mabilis kang magalit, lalayo ang suwerte, pero kung mananatili kang mahinahon at kampante madidikitan sayong katawan ang buenas at suwerte. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 3,  4, 21, 36, 39.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa iyo ang araw na ito. Walang sinumang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo. Ang sinumang kumontra sa kagustuhan mo ay mamalasain. Kaya wala silang pamimiliin kundi ang sumanggayon sa iyong kagustuhan. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 5, 14, 18, 23, 27, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag kang mag-alinlangan lalo sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Dahil ang mga negatibong kaisipan ay magiging hadlang sa iyong pag-unlad. Sa halip, ituloy mo lang ang iyong mga pagkilos, dahil sa sandaling nawala ang iyong pag-aalinlangan ang suwerte at malaking tagumpay ay tuluyan ng mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 22, 31, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sino ang mas tama, ikaw o ang iyong kasuyo? Mahirap tanggapin pero mas tama ang iyong kasuyo. Siya ang iyong pakinggan at sundin, upang lalo pang suwertehin at magkaroon ng mas maraming magagandang kapalaran ang iyong samahan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 2, 7, 14, 25, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here