Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 4, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 4, 2020, Miyerkoles  – Huwag mong isipin na ikaw ay mahina dahil ang totoo, ang mga malalakas ay nabibihag mo at nabibighani sa iyo. May mga luluhod pa nga sa iyo para lang maging bahagi ka ng buhay nila. Kaya anuman ang ginagawa mo sa ngayon, hindi ka dapat panghinaan ng loob.  Ituloy mo lang ng ituloy dahil ireregalo na sa iyo ng langit sa susunod na mga araw ang napakalaking premyo – dambuhalang suwerte at bulto-bulting magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  9,  18,  21, 25,  27, 36. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Pumanig ka sa mga api, sa mga pinagsasamantalahan, sa mga may sawing kapalaran, at sa mga walang kakayahang ipaglaban ang kanilang mga sarili, dahil ito talaga ang misyon mo sa buhay. Wag kang mag-alala, bilang pasasalamat sa iyo ng langit, lagi kang pagkakalooban ng suwerte at magagandang kapalaran na mararamdaman mo na sa susunod na mga araw habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 21, 33,  45.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Oo nagiging mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Pero minsan higit kang mas magiging masuwerte kaysa sa nagbibigay. Dahil pinauubaya mo pa sa iba ang mga dapat na sana ay para sa ‘yo. Kaya naman mas malaki at mas maraming suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iniisip mong sa susunod na buwan ay Pasko na pero wala ka namang gaanong ipon na pera. Sa isip-isip mo lang paano kung matuloy ang Pasko saan ka kaya kukuha ng pang-aguinaldo at pang handa? Nakikita at naririnig ng langit ang iniisip mo, sa buwan ding ito ng Nobyembre, magugulat ka bulto-bulto at limpak-limpak na salapi ang bigla mong matatanggap. Mapalad a ang kulay blue. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 26, 31, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Simple lang ang gagawin mo para lumigaya at magtagumpay at gawin mo na ngayon. Dumikit ka sa may sinasabi at mga angat sa kabuhayan, nang sa ganon ay mapabilang ka sa kanila. Lumayo ka naman sa mga taong mahihirap at mga taong walang kuwenta at walang kabuluhan at baka mahawa ka sa kanila. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 1, 5, 9, 24, 31, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Iba-bash at sisiraaan ka na naman sa social media ng mga taong naiinggit sa iyo ng lihim.Wag kang mag-alala, ang hindi nila alam binabantayan ka ng iyong angel-dela-guwardya  kaya naman habang sinisiraan ka nila, lalo ka namang aasenso at uunlad. At yong mga naninira sa iyo at nambabashed ang tiyak na  mapapahamak, mamalasin sila ng mamalasin, habang ikaw naman ay tuloy-tuloy na gagaganda ang iyong kapalaran at lalo pang susuwertehin. Mapalad ang kulay ang purple Masuwerteng numero  1, 4, 19, 22, 32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na muli mo na namang makikita ang kapangitan ng lipunan. Hindi mo sinasadya, makakatagpo ka na naman ng mga taong nagsasalita ng magaganda pero nabubuhay sa pangit na asal. Pakinggan mo ang kanilang sasabihin pero wag mong kokopyahin ang kanilang ugaling hindi mabuti. Manatili ka sa daan ng kabutihan at may regalo kang matatanggap mula sa langit na dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw ay ipagkakaloob mismo ng direkta sa iyong pamilya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 11, 14, 31, 39, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Bawal na bawal ang pagbabalik tanaw sa iyong nakaraan, dahil may babala na lagi mo na naman itong maiisip na makakaabala sa kasalukuyan mong nilalayon. Kaya sawayin mo ang iyong isipan na mag-reminiscence pa ng kung ano-ano. Sa halip, abalahin mo ang iyong isipan sa mga proyektong dapat mo ng tapusin sa ngayon. Sa ganyang paraan ang suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy ng kukubabaw sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 7, 18, 30, 33, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Gamitin mo ngayon ang iyong kabibili lang na bagong bagay o kabibigay lang sa iyo na bagong bagay, yong hindi mo pa nagagamit kahit minsan. Dahil ito mismo ang iyong magsisilibing pampasuwerte. Mapalad na kulay ang kumbinasyon ng red and black. Masuwerteng numero 6, 9, 15, 27,  33, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Katatapos lang ng Undas o All Soul’s day, ngayon naman ay ang kapaskuhan na ang pinag-uusapan. Ngayong panahong ito na nalalapit na ang   kapaskuhan, isabuhay mo ang dakilang utos na mahalin mo at pakitaan ng mabuti ang iyon kapwa lalong lalo na ang iyong mga kapamilya. Kapag nagawa mo yan, makaaasa kang ang mga gusto mong mangyari sa buhay ay magkakatotoo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 17,  24, 29, 32, 33.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nahaharap ka ngayon sa biglaang pagbabago ng iyong kapalaran. Ang iba ay kailangang magpakatatag upang kapag dumating ang hamon ng buhay ay hindi mabuwal. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit mabuwal ka, ang langit ang magbabangon sa iyo. At matapos kang ibangon ng langit, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 8, 13, 25, 31,41.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag namamahinga ang iba  hindi dinadatnan ng suwerte dahil hindi sila kumikilos. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit namamahinga ka lang at tatamad-tamad, ang suwerte ay dating at dating pa rin sa iyo kaya naman pambihira talaga ang iyong kapalaran na kinaiingitan ng iba. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  1, 4, 19, 29, 36, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Itinalaga ka para sa paglilingkod sa iyong kapwa. May kalakakip na pangako ang banal mong misyong ito na nagsasabing ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay lagi nang aagapay sa iyo. Mapalad na kulay ang aquamarine.  Masuwerteng numero 7, 11, 16, 34, 38, 41

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here