Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 30, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 30, 2020, Lunes   – Inaasahan ng langit na patuloy mong tutulungan at pasasayahin ang iyong kapwa at ikaw naman ay makaaasa na hindi magsasawa ang nasa itaas na pagkalooban ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa susunod na taong 2021.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  2, 12,  24,  32, 34,  42.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ipapakita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan at bubuksan sa iyo ang pinto ng grasya. Isa ka sa unang-unang makatatanggap ng malaki at maraming magagandang kapalaran na mangyayari, pagbungad na pagbungad pa lang ng taong 2021. Mapalad ang kulay ang orange. Masuwerteng numero  6, 12, 23, 33, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Iyong-iyo ang araw na ito. Ang pintuan ng langit ng awa ay ibubukas sa iyo. Anomang hilingin mo ay magkakatotoo. Kaya sa pagpasok na pagpasok ng panahon ng kapaskuhan, ngayon buwan ng Disyembre, makikita mo, humiling ka para sa ikabubuti mo at ito ay ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 15, 22, 29, 33, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Susukatin ng langit kung gaano ka katapang ngayon. At kapag nakitang sapat ang tibay ng iyong loob, mabilis na bubuhos sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 5, 16, 24, 29, 32, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Habang pinaghahandaan na ng lahat ang nalalapit na kapaskuhan.  isa lang ang dapat mong maging attitude. Magsaya ka! Dahil habang nagsasaya ka ang masayahin mong aura at pagkatao ang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran hindi lamang sa pagpasok ng buwang ito ng Disyembre, kundi maging sa sa buong taong 2021. Mapalad ang kulay na lavander. Masuwerteng numero 2, 8, 17, 25, 35, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kahit itago mo ang iyong ganda, lilitaw ito at ang likas mong ganda sa panloob at sa panlabas ang hihigop ng magagandang kapalaran at dagdag pang suwerte mga suwerte na magsisimula na ngayon buwan ng Disyembre Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 13,  22, 28, 34, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magugulat ka sa panahong ito na papasok na ang kapaskuhan, kakaibang buenas ang makukuha mo sa mga taong kontrabidad sa buhay mo at sa mga kabaligtaran ng iyong ugali. Ang ilang suwerte na inaayawan nila ay mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 10, 18, 37, 39, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ito ang takdang araw na ipagkakaloob sa iyo upang balikan mo ang mga alaala ng lumipas na nagbigay ng saya at ligaya sa buhay mo. Kailangan mong balikan ito, dahil kung paano ka magiging masaya sa araw na ito ang buong taong 2021 ay magiging masaya rin. Kaya nga kapag hindi sinasadyang pumasok sa iyong isipan ang malulungkot na nakaraan, itakwil mo agad ang mga ito.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 6,  12, 28, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Pagbigyan mo ang humihingi ng paumanhin ikaw man ay nagkakamali rin. Sa ganyang paraan, naging mapagpatawad ka sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan, mas maraming suwerte at magagandang kapalarang kang matatanggap sa pagpasok ng buong taong 2021. Mapalad ang kulay na beiger. Masuwerteng numero 3, 7, 13, 27, 33, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihin, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero  5, 12, 23, 33, 36, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Gamitin mo na ngayon ang iyon lucky charm na nagmula sa galing, hinukay, o kaya ay gawa sa lupa, dahil ito ang magsisilbing panghatak mo sa mga magagandang kapalara sa nalalapit mong kaarawan at sa buong taong 2021. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 22, 28, 35, 41, 44.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi nagbabago ang langit sa kanyang pangako. Pagkakalooban ka ng magandang kapalaran at suwerte sa pag-ibig at sa materyal na bagay lalo na sa pagpasok na pagpasok ng 2021. Basta ang mahalaga, lagi kang manalangin at wag na wag kang magaalinlangan. Mapalad ang kulay na green.  Masuwerteng numero 1, 4, 13,  25, 31, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May bibihag sa iyo ngayon. Bibihagin ka ng suwerte at magandang kapalaran. At ito ay mananatili hanggang sa sumapit ang taong 2021, pero may kundisyon. Ituloy mo ang dati ng ginagawa mong mga pagtulong at kabutihan sa iyong kapwa, lalo na sa mga mahihirap at  sa mga kapos-palad. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 7, 13, 26,  31, 36, 43

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here