Online Horoscope, ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 29, 2020

1530
Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 29, 2020, Linggo  – Habang nagsasaya ka nagdaratingan sa iyong kapalaran ang mga suwerte mo sa buhay kaya ang simpleng payo ay nagsasabing wag na wag kang papayag na talunin ka ng kalungkutan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 27, 38, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Uutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na mag-abroad. Wag kang tatanggi!  Dahil dito, ayusin mo na ang iyong mga papeles pagpasok na pagpasok ng 2021. Sundin mo, sapagkat nasa ibang bansa ang iyong suwerte at kung ayaw mo naman, ang mahal mo sa buhay ang tiyak na makapangingibang bansa. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 6, 18,  27, 33, 37.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka mauubusan ng mga naggagandahang ideya na pupuwedeng magpayaman sa iyo. Kahit isa lang sa mga ito na maisakatuparan mo ay sapat na para ikaw ay ganap na umasenso at yumaman.  Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero 6, 16, 24, 29, 32, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) ) Ibahagi mo ngayon sa iyong kapwa ang iyong kaalaman at katalinuhan. Ito ang susi upang lalong gumanda ang iyong kalagayan at ito rin ang susi upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng magdatingin sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 9, 17, 25, 32, 37, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dadalawin ka ngayon ng mga alaala ng iyong kabiguan. Wag kang pumayag na tangayin ka nila sa lungkot. Tandaan mo ang nakaraan ay nakaraan na. Habang ikaw sa ngayon ay tumingin sa mga pangyayari paparating pa lamang. Kapag ganyan ka ang suwerte at magandang kapalarang handog ng taong 2021 ay unti-unti ng mananahan sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 2, 10, 13, 24, 37, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Magbabalik ang mga suwerte mong nagbibigay sa iyo ng labis na kasiyahan. Sa ngayon, maging ang mga mahal mo sa buhay na nasa malalayong lugar ay makababahagi sa iyong mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad a ang kulay yellow. Masuwerteng numero 1, 12, 27, 33, 41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi mo na kailangan pang maghintay ng 2021 para muling mag-plano ng iyong buhay. Ito na ang araw para sa pagbuo mo ng mga plano para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Ang nakatutuwang balita, para sa iyo ay nagsasabing ngayon na rin magsisimula ang iyong pagasenso. Mapalad ang kulay ang beige. Masuwerteng numero  5, 13, 28, 31, 33, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Bumabalik-balik lang sa buhay mo ang mga pangyayari, hindi mo ba napapansin? Oo, paulit-ulit kang susuwertehin hanggang sa lubusan kang maniwala na ikaw ay talagang kabilang sa mga iilang mapapalad na nilalang. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  3, 7, 10, 19, 28, 39.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Makakakuha ka ng panibagong lakas at sigla mula sa mga kaibigan mong pala biro, mahaharot at mga pala kuwento. Kailangan mo sila ngayon para muling manariwa ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 13,  22, 28, 34, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Gamitin mo na ngayon ang natanggap mong regalo na gawa sa likido. Ito ang magbibigay sa iyo ng dagdag na kagadahan at suwerte sa buwan ng Disyembre at sa buong taon ng 2021. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  8,  14, 21,  24, 33,  42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi ka dapat matukso sa mga bagong bagay at bagong papananaw na iaalok sa iyo. Mas mabuti pa ring ituloy mo lang iyong isinasabuhay na mga pormula at mga gawain mo sa ngayon, dahil sa ngayon halos hawak mo na ang tagumpay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 25, 29, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi titingnan ng langit ang mga nakaraang pagkakamali mo, dahil ang mas pahahalagahan sa ngayon ay ang mga bagay na nagawa mong pagtulong sa iyong kapwa, kaya tatanggap ka ng malaking suwerte at mas marami pang mga biyaya. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 16, 20,  29, 39, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Higit  sa lahat at higit kaninuman mas mapalad ka! Kaya walang magagawa ang mga sumasalungat sa iyong mga pangarap at kagustuhan. Ang mas maganda para sa kanila ay sa iyo makiisa. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 11, 16, 25, 31, 34.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here