Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 26, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 26, 2020, Huwebes  – Hindi ka dapat magpabago-bago ng isip. Kung ano ang nasabi mo na, wag mong babaguhin pa. Kinikilala ka at hinahangaan sa pagkakaroon ng paninindigan. At habang nananindigan ka patuloy na darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay ang magenta. Masuwerteng numero  2, 17, 18, 28, 33, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Walang dahilan kung bakit hindi ka yayaman. Dahil sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay, lagi ka pa ring paulit-ulit na susuwertehin at ang mga suwerteng darating sa iyo tulad ng nasabi na ay patungo sa tiyak na pagyaman. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 12, 19, 27, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Katuparan ng mga pangarap ang kahulugan ng araw na ito. Kaya mangarap ka lang ng mangarap at ang pangarap mo ay tiyak na matutupad. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 7, 10, 19, 28,  32, 39.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dahil nagpakita ka ng labis na kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa nitong nakaraang mga araw, binuksan ang pintuan ng grasya ng langit para sa iyo. Sa darating na buwan ng Disyembre mas maraming biyaya at mga pagpapala ang ipagkakaloob hindi lamang sa iyo kundi sa buong pamilya mo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 1, 16, 25, 34, 38, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makisakay ka sa agos ng buhay ngayon, isa isantabi mo muna ang mga personal mong isipin at mga problema. Kung saan may kasiyahan, makibahagi ka. Tandaan mong ang taong masayahin ang siyang inaasintang dapuan ng suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa nalalapit na panahong ito ng kapaskuhan. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero 7, 18, 22, 34, 41, 43

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ngayon mo masusubukan ang iyong mga kaibigan. Kung sino ang hindi ka sasamahan sa mga hamon ng iyong kapalaran layuan mo na sila at ituring mong sila ay  pabigat lamang sa iyong buhay. Makisama ka sa mga taong humahanga at nagmamahal sa iyo, sila ang magbibiagy sa iyo ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 13, 27, 33, 41, 44.     

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mayaman ang iyong kaisipan kaya ikaw ay isang malikhain at may masining na abilidad. Gamitin mo ang lahat ng ito sa dalawang bagay lamang, paglilingkod sa kapwa at sa mga nangangailangan at pagpapayaman. Wag kang tumanggi, dahil iyan ang inaatas sa iyo ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 14,  33, 38, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ngayong halos maubos na ang pera mo sa nakarang mga gastusin, hindi ka dapat malungkot. Dahil ibabalik ng langit ng doble-doble pa sa isang kisap mata, ang lahat ng iyon nagastos. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kapag nagkaroon ka ng mabigat na problema ngayon. Lihim kang magpasalamat dahil kailangang mapagdaanan mo ito at pagkatapos ay darapo sa iyo ang isang napakalaking suwerte na ngayon mo lang mararamdaman sa tamang buhay mo.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  2,  19,  21, 34, 36, 42.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa panahong ito ng iyong kaarawan o sa nalalapit mong kaarawan, marami kang matatanggap na regalo, pero ang wag na wag mong kalilimutan ay ang regaluhan ang sarili mo. Regaluhan mo ang sarili mo, upang matuwa at magalak ang langit. Kapag niregaluhan mo ang sarili mo, mas maraming biyaya at pagpapala ang iyong matatanggap. Mapalad a ang kulay lilac. Masuwerteng numero  6, 15, 27, 31, 36, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mamili kang mabuti ng mga taong dapat na samahan. Lalapitan ka ng mga hindi gaanong kagandahang kapalaran kapag nakadikit ka sa mga taong reklamador at malulungkutin sa buhay. Lalapitan ka naman ng suwerte at magagandang kapalaran kapag ang lagi mong kasama ay ang mga taong masayahin at may positibong kaisipan. Mapalad na kulay ang maroon.  Masuwerteng numero 4, 17, 24, 33, 38, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Iniisip mo ang mahahalagang bagay ay may kaugnayan sa materyal na bagay. Pero may isang mas mahalaga kaysa sa salapi na hindi kayang bayaran ng pera,  ito ay ang isang buo, samasama at nagmamahalang pamilya, na sa darating na buwan ng Disyembre ay kapwa ipagkakaloob sa iyo – maraming-maraming pera at nagmamahalang pamilya. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 4, 13, 25, 28, 31, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nasa mataas na level ngayon ang pagiging positibo mo. Kung anuman ang iyong isipin at hilingin, tiyak na magkakatotoo. Humiling ka na ngayon at ito ay  ipagkakaloob ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 7, 10,  13, 25, 29, 34.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here