Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 25, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 25, 2020, Miyerkoles  –  Dahil birthday mo ngayon, ito ang magiging pinakamapalad mong araw. Ang mga dating suwerte na hindi mo natanggap ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Magalak ka at magdiwang, dahil minsan lang dumating ang isa sa pinakamapalad mong kaarawan.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  2, 7, 14, 16, 28, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na magbabago ang iyong kapalaran. Isang pagbabago patungo sa pagganda at pagbuti pang lalo ng mga pangyayari. Magpasalamat ka sa nasa itaas, dahil halos papatapos na ang dilim at mga suliraning dumating dala ng Covid 19. Sa buwan ng Disyembre, puro suwerte at magagandang ng kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 37 at 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Magliliwanag ang langit, na ang ibig sabihin mahahawi na ang dilim ng mga suliraning minsan ding kumubabaw sa iyong buhay. Oo kasabay ng pagpasok ng buwan ng Disyembre, magsisimula na uling magdatingan ang mga suwerte mo at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 27, 33, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iniisip mong nagkakapera ka nga pero madali naman itong nauubos dahil sa sobrang mahal  ng mga bilihin. Wag kang mabahala, dahil nakikita ng langit ang mga pangyayari sa buhay mo. Ang lahat ng iyong ginastos nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay  muling ibabalik sa iyo  ng mas marami at doble-doble pa sa susunod na buwan ng Disyembre. Mapalad na kulay ang aquamarine Masuwerteng numero 5, 14, 23, 27, 29, 30.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May mahalagang bagay sa ngayon sa buhay mo at ito ay ang pamilya. Kaya naman wag mo ng pagko-kontrahin pa ang kapritsyo at mga ginagawa ng mahal mo, minsan-minsan lang naman yan, kaysa magkasamaan pa kayo ng loob. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 2, 18, 25, 39, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kahit na maraming naiinggit at nangiintriga sa iyo, hindi mo dapat na pairalin ang galit sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan. Anuman ang mangyari, isa lang ang dapat mong ibahagi sa iyong kapwa at sa mga mahal mo sa buhay ang iyong pagmamahal. Alalahanin mong lagi na sa tuwing iibig ka at magmamahal, kusang darating sa buhay mo ang mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7, 13,  27, 33, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa panahong ito na malapit na ang kapaskuhan, bibilis ang pag-usad ng panahon, kaya naman mabilis mo ring nauubos ang perang iyong nahahawakan. Kung hindi mo aabatang magtipid, maaaring pagsapit ng susunod na taong 2021, masimot ang iyong budget. Tandaang kailangang marami kang reserbang pera upang kapag may nangyaring emergency ay may madudukot ka. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  5,  17,  25, 34, 39, 42.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Maganda ka ngayon at bukod sa kagandahang panlabas, maganda rin ang laman ng busilak at mapagmahal mong puso. Dahil sa taglay mong kagandahan,  gagantimpalaan ka ng langit ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran na magsisimula ng dumating ngayon. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 6, 13, 23,  28, 36, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Sa panahong ito na malapit na ang kapaskuhan kung may galit man, lihim na hinanakit, at pagtatampo sa iyong puso, alisin mo ng lahat ito. Patawarin mo na ang lahat ng sa iyo ay may pagkakasala at mga pagkukulang. Oo sa pagpapatawad, ngayong nalalapit na kapaskuhan. darating ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 11, 19, 22, 28, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kahit na pagsama-samahin ang lahat ng magagandang regalo na matatanggap mo sa panahong ito ng iyong kaarawan, daig pa rin nito ang likas mong kagadahan. Kaya naman ang kagadahan mong ito ang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad a ang kulay maroon. Masuwerteng numero  3, 6, 18, 24, 33, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi dapat mamayani ang kalungkutan sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan. Kahit na nasa malayo ang pamilya, dapat ka pa ring magsaya. Sa mapagmahal na puso at masayang kaluluwa mananahan ang suwerte at magagandang kapalaran ngayong papalapit na ang panahon ng kapaskuhan. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 4, 9, 17, 23, 28, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong ilantad ang malungkot mong emosyon ngayon. Ang hinihiling ng langit ngayong nalalapit na ang buwan ng Disyembre ay damdaming masaya. Kapag lagi kang masaya,  mas maraming biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay sa pagpasok ng taong 2021. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 22, 25, 31.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na hindi ka matatanggihan ng langit sa iyong kahilingan. Mamayang gabi, kapag maraming mga bituin, tumingala ka sa langit at  humiling ka anumang hiniling mo ay  siguradong ipagkakaloob. Mapalad ang kulay ang green. Masuwerteng numero  7, 14, 19, 34, 33, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here