Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 24, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 24, 2020, Martes  – Tatamaan ka ngayon ng isang hindi nakikitang liwanag na ang pangalan ay  sinag ng suwerte. Kaya kung noong mga nakaraang panahon ay medyo naubos ang suwerte mo, sa panahong ito, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 6, 15, 27, 30, 33, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na higit na mas bubuti ang iyong kapalaran at dahil pabuti ng pabuti ang iyong kapalaran, magsisimula na ring dumating ang suwerte at mga hindi inaasahang biyaya na ihuhulog mismo ng langit sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 33, 34, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Susubukan ka ng langit! Padadalan ka ng isang tao na hihingi sa iyo ng tulong. Tulungan mo siya, dahil sa sandaling tinulungan mo ang taong ito na padala ng langit, sa susunod na mga araw doble-dobleng suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 33, 36, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hiniling mo sa langit na magkaroon ng pag-unlad at ligaya sa inyong pamilya. Pakikinggan ka!  Kaya ang biglaang pagbabago ng takbo ng buhay nyo ay mapapa sa iyo, upang ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy ng umunlad at lumigaya. Mapalad ang kulay na blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 25, 29, 32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kahit na ano pa ang kalagayan mo sa buhay sa ngayon, magsaya ka! Makipagbiruan ka sa iyong mga kasama. Ang anumang lungkot, kahit gaano pa kaliit sa ngayon ay hindi makabubuti sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 32, 38.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Marami na ang humahanga sa iyo. Hindi nila maiwasang masabi sa kanilang sarili na mas maganda ka ngayon kaysa dati. At habang gumaganda ka, tuloy ang dating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 4,  19, 28,  34, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Wag mong iaasa sa iba ang pagpapasya! Ikaw ang dapat magdesisyon, sapagkat sa sandaling ang kalooban at kagustuhan mo ang nasunod, magsisimula ng dumating ang iba’t ibang uri ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran ang bubuhos sa iyong karanasan. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 26, 33, 41.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ang inaasahan mo ay hindi darating. Bibiguin ka rin ng iyong mahal. Ngunit higit sa inaasahan mo ang iyong matatanggap at iyong mga dating hiling mo sa itaas, ay isa-isa mo ng matatanggap. Sobrang magiging mapalad at mapupuno ng suwerte at magagandang kapalaran ang papasok na buwan ng Disyembre. Mapald ang kulang na pink. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 41, 45.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi mo dapat kontrahin ang suwesyon o mungkahi ng isang kaibigan. Ito ang tamang sandali na dapat mo siyang sundin. Sa pagsunod sa ipinapagawa sa iyo ng iyong kaibigan, mas maraming suwerte at mas magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 15, 24, 27, 34, 40.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ngayong nalalapit na kaarawan mo, hindi lang isa at hindi rin dalawa ang matatanggap mong regalo mula sa mga nagmamahal sa iyo,  kundi marami. Pero ang higit na pahahalagahan mo ay ang regalo ng isang pusong may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang kulay na red.  Masuwerteng numero 1, 18, 21, 37, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito, hindi ka dapat komontra. Hayaan mong ang pasya ng iyong mahal ang masunod. Kapag hinayaan mong siya ang masunod, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa inyong pamilya. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 22, 31, 43.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ngayon pa lang  mas magtatamo ka ng suwerte at magagandang kapalaran kung mag-iisip ka ng diskarte kung paano mo mapaliligaya ang mga mahihirap at mga kapos-palad sa panahon ng kapaskuhan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 19, 28, 39, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming biyaya ang darating sa iyo ngayon. Hindi mo ito dapat na sarilinin. Ibahagi mo ito sa mga taong malalapit sa puso mo. Kapag ganyan ka, pagpasok ng taong 2021 mas lalo pang mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang sunod-sunod na darating sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na Aquamarine. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here