Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 23, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 23, 2020, Lunes  – Ito ang araw na itinakda upang gamitin mo ang kapangyarihan ng pag-ibig at pagtulong sa kapwa. Pagbibigay sa mga kapos-palad at pagtulong sa mga nangangailagan ang pangunahin mong dapat na gawin. Kapag ganyan ka, yong dating suwerte na dumarating na sa iyo ay madadagdagan pa ng madadagdagan  hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 39, 45.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na muling nasa todong lakas ang iyong kapangyarihan. Bilang paalala, huwag kang magsalita ng masama sa iyong kapwa dahil mangyayari at magkakatotoo ito. Mapalad ang kulay ang maroon. Masuwerteng numero  3, 12, 18, 32, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Dama mo ang paghihirap at problema ng iyong kapwa. Sa dahilang ang papel mo sa mundo ay ang alalayan sila. Habang inaalalayan mo ang mga naghihirap at namumroblema sa buhay, ang igaganti naman sa iyo ng langit ay sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 12,  24, 34, 38, 43.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Bawal sa iyo ang maging sobrang emosyonal. Hindi malulutas ang mga suliranin kapag ang isip mo ay tinalo ng iyong damdamin. Lagi mong pairanin ang wisyo, sapagkat ang tamang pagpapasya, ang magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 4, 17, 24, 31, 38, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pag-ibig dapat ang  maging diwa ng papalapit na kapaskuhan, kaya ngayon pa lang ay hindi mo dapat pagdamutan ng pagmamahal at pagpapatwad ang mga taong nakasamaan mo ng loob. Ikaw ang unang bumati sa kanila ng sa ganon ay mawala ang bigat ng iyong damdamin. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 29, 38, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kaya mong patumbahin ang anumang hamon ng buhay na ilalagay sa iyong harapan ng iyong kapalaran. Malakas ka at matapang kaya walang alinlangang ikaw ay magtatagumpay. At matapos mong manaig at magtagumpay marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyonng aanihin. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 22, 28,  35, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwag mong palagpasain ang magagandang pagkakataon na kumita ka ng malaking halaga sa isang transakyon na ang salita at pag-aalok lamang ang iyong puhunan. Samantalahi mo ang suwerte at magandang kapalarang nagsisimula na namang magdatingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 17, 23, 28, 31, 34.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) )  Sa panahong ito na halos papalipas na ang epekto ng Covid 19, hindi lang ang kapalaran mo ang gumaganda, dahil ikaw mismo ay gumaganda, kaya nga hindi na nakapagtataka kung bakit parami ng parami ang nangangarap na ikaw ay makasama. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 6, 16, 23, 41, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang araw na kung ano ang gusto ng mahal mo yon ang gawin mo at iyon ang ibigay mo sa kanya, upang kung ano rin ang iyong gusto yon din ang ibibigay nya sa iyo. Kapag nagbigayan kayo lalong tatamis at sasarap ang relasyon na magdudulot ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 5, 19,  27, 34, 38, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi ka maaawat sa pagbili mo ng kung ano-ano na ang katuwiran mo ay mga pangregalo. Ang importante kasi sa iyo sa mga panahong ito ay ang mapasaya mo ang mga mahal mo sa buhay. Pinapanood ka ng langit, at dahil sa kabutihan ng iyong kalooban, mas marami at mas mahahalagang regalo na hindi matutumbasan ng salapi ang matatanggap mo. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 33, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Muli kang reregaluhan ng langit ng tapang at kasipagan, upang ang hindi mo natapos na mga proyekto nitong mga nagdaang araw at linggo ay iyo ng matapos at mabigyang katuparan.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 36, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Palakas ng palakas ang dating sa iyo ng magandang kapalaran. Kaya ikaw ay pinapayuhan na bilisan mo ang pagsasaayos ng iyon pagkatao at bilisan mo rin ang pagpapatupad ng iyong mga plano. Kapag ganyan ka, marami pang tagumpay at mga biyaya ang darating sa iyo. Mapalad ang na kulay red. Masuwerteng numero  4, 13, 22, 27, 34, 39, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang umasa sa kahit na sino dahil ikaw na mag-isa ay makakaya mong bigyang katuparan ang lahat ng iyong mga ambisyon sa buhay. Darating ang panahong ipagkakaloob lahat ito sa iyo ng langit at sila pa ang aasa sa iyo. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 7, 10, 19,  25, 29, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here