Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 23, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Nobyembre 23, 2019,  Sabado –  Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble o bulto. Ganon din ang suwerteng  darating sa iyo, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng magandang kapalaran, lalo na’t sa panahong ito na magpapasko pa naman, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong suwerteng natatanggap.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 41.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mabigat ang problema ng iba. Wala silang kapera-pera at halos kulang pa sa pagkain ang pamilya. Pero ang sa iyo ay kakaiba, ang pinoprolema mo ngayon ay kung saan department store kumbinyenteng mamili na mga original at magagandang mga gamit para sa darating na kapaskuhan.  Kaya anumang biyaya ang nasa sa iyo na sa ngayon, matututo kang magpasalamat at ibahagi mo sa iba ang ilang sa iyo ay sosobra.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang may katamtamang pangangatawan, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 13, 22, 27, 31, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 9, 24, 36, 42, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo sa ngayon ay ang iyong ngiti. Ngitian mo lang ang bawat taong iyong makakaharap at makakausap. Kapag ganyan ka, nakangiting lagi, anumang mahirap na bagay ang ilalapit mo sa kanila ay madali nilang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 21, 32, 42, 45. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Itutok mo ang iyong isip at katawan sa trabaho upang malayo ka sa mga tukso. Kung sakaling mapalapit sa iyo ang “tukso”, turuan mo rin siya na maging abala sa kanyang trabaho. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 17, 24, 36, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalarang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26,  38,  41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Matamis na salita ang dapat mong bigkasin sa ngayon. Alalahanin mong lagi na madaling naaakit ang mga langgam sa matatamis na asukal. Ganon din ang gawin mo, tamisan mo ang salita sa sinumang lalapitan at hihingan mo ng pabor. Kapag nagawa mo yan, kahit na ang taong napakahirap lapitan ay hinding-hindi sa iyo makatatanggi. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  23, 35, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi puwedeng magsama ang hanging habagat at ang hanging amihan dahil magkaiba sila ng direksyon. Hindi mo dapat ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwiran sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw,  patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Sa ganyang paraan, uunlad ka ng uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay  maiiwan mo ng  milya-milya sa pansitan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 12, 24, 36, 41, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang papalapit na panahong ito ng kapaskuhan ang magbibigay sa iyo ng kakaibang sigla at buenas. Kaya sa panahong ito na nag-aamoy simoy pasko na ang kapaligiran at malapit na rin ang iyong kaaarwan, ang lahat ng mga bagay na matagal mo ng hinihiling ay isa-isa ng magkakatotoo at magkakaroon agad-agad ng magandang katuparan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 34, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ring dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. At umasa kang sa bandang huli ay magagawa mo naman ang lahat ng ito. Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 1, 11,  29, 32, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ba’t sabi mo, maligaya ka na kapag maligaya ang mga mahal mo sa buhay? Kahanga-hanga ang iyong kababaang loob at dahil dito kikilos ang mapagpalang kamay ng langit at ikaw ay huhulugan ng napakaraming mga suwerte at biyaya na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 29, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong mga mahal sa buhay,  tuparin mo. Dahil tulad ng paulit-ulit nang nakatala sa aklat ng iyong kapalaran: “Patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay nagma-mahal.” Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, tuloy-tuloy kang susuwertehin. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 10,  21, 30,  33, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here