Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 22, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 22, 2020, Linggo   –  Napakalakas ng iyong karisma. Pero puwedeng ito rin ang magbigay sa iyo ng problema, dahil marami sa mga madidikit sa iyo ay pangangarapin na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 33, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Habang naiisip mo ang mga bagay na magaganda, makipagsapalaran ka, dahil tiyak na mananalo at magwawagi ka. Mapalad ang kulay na maroon.  Masuwerteng numero 3, 9, 18, 24, 27, 33.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Upang magbago at lalo pang gumanda ang kapalaran ngayon pa lang magsuot ka na ng mga damit na masasaya ang kulay. Makaaasa ka na ang suwerte at magagandang mga kapalaran ay maaga mong matitikman, lalo na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad  ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero  7, 17, 27, 36, 42, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Habang siniskap mong lutasin ang iyong mga suliranin, lalong bumibigat ang iyong mga pasanin. Kapag hinayaan mo lang ang mga ito, magugulat ka, wala ka pa lang mga problema sa halip, sa iyong pagkukuwenta, mas marami pa lang suwerte at magagandang kapalaran ang dumating sa buhay mo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 5, 14, 22, 28, 33, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bawat lakas ng loob na iyong ipamamalas ay may katapat na suwerte. Kaya bukod sa magbubunga ng magandang kapalaran ang iyong tapang may dagdag pa ito na masasayang kaganapan. Kaya kayanin mo, magmatapang ka na ngayon! Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 19,  25, 34, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tulad ng tala sa silangan, magiging makislap ang iyong buhay ngayon. Masisiliaw maging ang mga taong lihim na naiingit sa iyo at pati na rin ang mga lihim mong kaaway. Kaya ngayon pa lang magsisigawa na sila ng paraan para mapalapit sa iyo. At simula sa araw na ito, marami kang regalong matatanggap kung saan-saan at kung kakanino galing. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 39, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ngayong nalalapit na kapaskuhan, iniisip na ng mahal mo ang regaling ipagkakaloob sa iyo. Siya ay nagpasya na, kung saan kakaibang regalo ang nasa isip nya na ibibigay sa iyo. Bilang ganti gawin mo sa kanya ang isang bagay na hindi niya inaasahang kaya mo pa lang ibigay sa kanya. Kapag naibigay mo na ito, mas malaking suwerte at magandang kapalaran ang igaganti sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  5,  16,  23, 34, 37, 41.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mapapasa iyo ang mga suwerteng pinakaaasam ng marami dahil sa pamamagitan ng iyong malakas na kutob matsatsambahan mo ang kumibinasyon ng mananalo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 32, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ikaw ang tagapagbigay ng mga ideyang magpapasaya sa lahat, ito ang papel mo sa mundo. Inaasahan lilitaw ang iyong mga espesyal na talino at kahusayan. Kasabay nito, sa sandaling lumitaw ang mga espesyal mong talino at kahusayan, lalo kang susuwertehin at magkakaroon ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 13,  24, 27, 33, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Guguhit ang kasikatan mo habang ang mga pangkaraniwang tao ay tila ba nawawalan na ng pag-asang umasenso. Naiiba ka sa kanila dahil ang mga suwerte ay kusang magdaratingan sa buhay mo hanggang sa ikaw hindi lang umasenso bagkus ay yumaman pa. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  3, 12, 21, 39, 41, 44.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maliit na suwerte muna ang mapapasa iyo pero kung gagamitin mo ang mga ito  sa negosyo lalago ito tulad ng punong kahoy na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Mapalad ang kulay ang silver. Masuwerteng numero  4, 13, 19, 32, 33, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa araw na ito ang lungkot ay mapapalitan ng saya sa sandaling nakausap mo ang isang anghel na padala ng langit na naganyong isang kaibigan. Paunlakan mo siya sa lahat ng kanyang hihilingin at sasabihin, dahil matapos mo siyang mabigyan ng pabor mas malalaking suwerte at mas maraming magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad ang kulay na beige. Masuwerteng numero 4, 11, 13, 22, 26, 28,

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Habang papalapit na ng papalapit ang Pasko ang nadarama mong kaba ay hindi mawawala. Ito ay dahilang makatatanggap ka ng hindi inaasahang suwerte na siya na ring regalo sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero  3, 7, 15, 28, 32, 36.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here