Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 22, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Nobyembre 22, 2019,  Biyernes –  Iyo ang araw na ito. Kung saan, kahit saan ka magsuot at anumang iwas ang gawin mo, o kahit na manatili ka lang sa bahay ang iyong mga suwerte ay hindi mo maaawat, mag-uuna-unahang dumapo sa ‘yong harapan.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyo ang araw na ito. Gawin mo na ngayon kung ano ang gusto mo. Mas maganda kung tungkol sa mga ambisyon mo ang gugustuhin mo at siguradong isa-isa mo ng matutupad at maaabot ang mga ambisyong ginugusto at ginagawa mo sa ngayon. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Magiging abala ka pero sa totoo lang wala ka naman talagang pinagkakaabalahan. Ibig sabihin kung anu-ano ang iyong gagawin kaya lang walang mga direksyon, pero sa kabila nito, patuloy na darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Isip ang sundin mo ngayon hindi ang puso. Natatandaan mo ba noon hindi ka nakinig sa iyong isip, sobra kang nasaktan? Muling mangyayari ito kapag puso ang iyong pinairal. Ngunit kung isip ang iyong susundin, magdaratingan na uli sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Marami ang magbibigay sa ‘yo ng saya at ligaya pero kakapusin sila dahil ang tunay na ligayang gustong-gusto mo ay wala sa kanila, kundi nasa materyal na mga bagay na tanging ang langit lamang ang makapagbibigay sa ‘yo, ngayon na.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 34, 40, at 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Suwerte ka ngayon. Letra por letra na nakasulat sa aklat ng iyong kapalaran ang mga salitang “suwerte ka ngayon!” At sa ayaw at sa gusto mo, iyon nga ang mangyayari at matutupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na kapansin-pansin ang iyong masayahing personalidad. Magiging maharot ka at palabiro. Palantandaan na nasasagap mo ang mga suwerteng paparating na sa buhay mo sa ngayon. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Muling gagana ang mapang-akit mong mga mata. Kaya wag magugulat sa iyong mararanasan na maraning magkakagusto sa iyo. At hindi lang sila ang magkakagusto sa ‘yo kung saan, pati ang magagandang kapalaran at suwerte ay maaakit din ng mga titig at sulyap mo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang isa ay dalawa ang kasunod, at ang dalawa ay tatlo ang kasunod. Natutulad sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga bagay ang iyong pag-asenso. Ang iyong puhunan ay magsisimula sa maliit, ngunit ito ay unti-unting lalago hanggang sa ikaw ang yumaman. Ganon din ang pormula ng pagiimpok, nagsisimula sa isa, hanggang sa dumami na ng dumami na halos hindi na makakaya pang bilangin ng mga daliri sa kamay at sa mga paa mo.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mabilis ang mga kaganapan sa iyong kapalaran, kaya dapat wag mong palalagpasin ang mga oportunidad. At dapat mabilis ka rin gaya ng hangin upang mabilis ding umapaw ang kaban ng iyong yaman. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag hindi tumupad sa pangako ang isang kaibigan huwag kang magalit dahil ang magkakaibigan ay dapat na naguunawaan. Kapag inuunawa mo ang iyong mga kaiibigan, pagkakalooban ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mahina ka ngayon dahil puwede kang matangay sa mga biro sa ‘yo. Malakas ka rin ngayon dahil ang mga magbibiro sa ‘yo ay hindi makatatakas sa malakas mong likas na gayuman kaya sobrang maaakit at magkakagusto sila sa ‘yo.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magkakasabay-sabay ang problema mo pero ito ay iyong kakayanin. Ang totoo ay lalo kang gaganahan, dahil sa mga problemang dumarating kaya aangat ang iyong galing sa susunod na mga araw, na lalo pang magpapalago ng iyong kabuhayan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here