Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 21, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 21, 2020, Sabado  – Ibibilang ang iyong pangalan sa mga makatatanggap ng malaking biyayaya at pagpapala. Huwag mainggit sa mga inaakala mong nakatanggap ng mas malaking biyaya ng higit sa iyo, dahil sa buwan ng Disyembre, mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang mula sa langit ay  ilalaglag sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  2,  19,  26, 36, 37, 41.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nakatutuwa ang mga pangyayari dahil ipapakita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan. Dahil higit kaninoman ikaw ang makatatanggap ng malalaki at maraming magagandang kapalaran ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 21, 29, 36, 39, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kinakapos ka ng sigasig. Inaakala mong puwede ng mamahinga sa pagpaparami ng kabuhayan. Hindi dapat huminto kahit sandali dahil sa iyong pagsisipag at pagsisikap marami pang suwerte ang naghihintay sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 17, 26, 34, 37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ilagay mo ang lahat sa tamang oras. Dahil ang mga suwerte mo ay dadapo sa yo sa mga oras na payapa at panatag ang yong isip at damdamin. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  5, 11, 27, 34, 39, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag panghinayangan ang mga nawala sa iyo. Tiyak din namang higit pa sa mga ito ang ibabalik sa iyo ng langit. Mas maganda na huwag kang magtanim ng sama ng loob sa iyong kawpa at huwag ding maghinanakit. Mapalad ang kulay na old rose. Masuwerteng numero  2, 7, 13, 25, 28, 36.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Buo ang iyong determinasyon kaya ala kang suliranin na hindi kayang malutas. Buo ang iyong loob kaya alam na ng mga karibal mo na malabo silang manalo laban sa iyo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 13, 22, 31, 35, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mabait sa iyo ang langit. Kahit gaano kabigat ang iyong mga problema laging inaalalayan ka. Oo mabait sa iyo ang langit kaya tiyak na yayaman ka.  Mapalad ang kulay ang beige. Masuwerteng numero  5, 14, 19, 31, 35, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo ngayon dahil ang inaayawan mo ay siya pang mapapasa iyo. At ang ginusto mo ay iba ang makakakuha pero sa dakong huli ang saya at ligaya ay sasa iyo pa  rin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 16, 27, 28, 32, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Huwag kang padala sa sitwasyon. Tandaan mo ang mga masasayang kaganapan ay lumilipas pero ang obligasyon para sa pamilya ay pang habang buhay.  Sa panahong ito, ipriority mo ang kinabukasan ng iyong  pamilya kaysa sa iba pang mga bagay, upang tuloy-tuloy na dumating ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na black.  Masuwerteng numero 9, 13, 24, 28, 33, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ito ang tamang araw upang simulan ang matagal mo nang iniisip na makapag-ipon para sa iyong kinabukasan. Ang pahabol na payo ay huwag kang bibili ng mga walang kuwentang bagay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 23, 36, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malaki ang maitutulong ng iyong gagawing payo sa isang kaibigan. Mahusay ka kasing magpayo. At habang patuloy mo itong ginagawa ng walang hinihintay na kapalit, ang ang talento mong ito ay lagi ng gagantimpalaan ng langit ng suwerte at mabuting kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 14, 28, 34, 38, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka dapat matangay ng bahagyang pagluluwag ng ating gobyerno hinggil sa Covid 19. Sa halip panatiliin mo pa rin ang dati at mas mahigpit na pag-iingat. Wag ka pa ring bili ng bili ng kung ano-ano at kain ng kain sa labas. Sa ganyang paraan, makakaiwas ka sa karamdaman at mas makatitipid ka ng salapi. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 14, 28, 31, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Babalikan ka ng iyong mga suwerteng pinalagpas mo na dati dahil naging abala ka kung saan-saang mga bagay. Ngayon na payapa na ang isip mo, hindi ka na iiwan ng mga buenas na talagang namang matagal ng nakalaan sa iyo.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 15, 25, 34, 36, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here