Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 19, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Nobyembre 19, 2019,  Martes –  Ito ang araw na ibinilang ang iyong pangalan sa mga mapaapalad. Ikaw  ay habang buhay na pagpapalain gayon din ang iyong angkan. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating kahit hindi mo ito paghirapan. Bilang ganti, lagi mong alalayan ang mga mahihina at ang mga walang-wala, upang magpatuloy na dumating ang kasaganaan sa inyong angkan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na ang mga naninira at naiingit sa iyo ay mapapahiya dahil padadalhan ka ng langit ng ubod laking buenas na kanilang ikagugulat. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) )  Umaawit ang mga ibon sa sanga ng punong mangga na nagbabadya ng tag-sibol at kasaganaan. Umawit ka rin at sa iyong pag-awit, maraming suwerte at magandang kapalaran ang maguuna-unahang magdaratingan sa iyong harapan. Awit na, wag kang mahihiya! Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi pupuwedeng mabuhay ang tao ng wala siyang kaibigan. Kaya kahit na nagkasamaan kayo ng loob ng matalik mong kaibigan wala kang magagawa kundi ang siya ay batiin na. Sa sandaling kayo ay nagkabati, siya ang iyong magiging lucky charm kaya tuloy-tuloy na uling dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ngayon na ang araw ng pagtubo ng mga pinunla mong kabutihan. Kaya sa araw na ito, ang mga itinanim mong kabutihan ay lalago at mamumunga ng suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa aspetong pang-pinansyal at pang-damdamin. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Lumalamig ang panahon, kapag papalapit na ang kaspkuhan. At kapag papalapit ang kapaskuhan, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Ang payo, wag kang gastador upang mas marami ka pang maging savings para sa pagpasok ng susunod na taon 2020. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ituloy mo lang ang iyong pagtitiis at pagsisikap, dahil sa ginagawa mo, lalo kang mamahalin ng langit. Kaya hindi ka dapat mabahala  dahil inilista sa aklat ng mga mapapalad ang iyong pangalan na pagkakalooban ng mas marami pang suwerte at buenas sa susunod na mga araw. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Huwag kang magtaka kapag nakabangga mo ang mga matataas at ang mga may katungkulan dahil ito ay isang pahiwatig lamang sa ‘yo ng iyong kapalaran na ikaw ay kabilang sa mga matataas  at darating ang araw na mahihigitan mo pa sila. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tumawa ka habang papalapit na ng papalapit ang kapaskuhan. Sa bawat tawa mo, maaaring hindi ka maniwala, subalit ang totoo may malalaking suwerte ang darating sa iyo. Puwede ring ngumiti ka, kaya lang maliit na suwerte lang ang magiging katumbas nito.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Magara ang magiging kapalaran mo sa araw na ito. Kakasyahan ka ng langit at papaboran ng husto. Ang mga hindi mo gusto na mangyayari, pipigilan ng langit na maganap, ang mga gusto mo, yon ang matutupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Umiikot ang gulong ng kapalaran at sa kanyang pag-hinto, mapupunta ka sa ibabaw at ang mga humahamak sa ‘yo ay matatagpuang nasa ilalim at sila ay makakaramdam ng labis na pagkapahiya. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tinatangay-tangay lang ng hangin ang ulap na magaang at walang laman kung saan-saan. Hindi ka dapat tumulad sa ulap, kailangang magkaroon ka ng layunin at pangarap. At kapag may layunin at pangarap ka na, tutulungan ka ng langit upang ito ay iyong matupad.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mararamdaman mo ang ihip ng hangin ay parang may ibinubulong sa ‘yo, na nagsasabing “mas uunlad ka at liligaya sa pangingibang bayan.” Kaya kung hanggang ngayon ay wala pa ring suwerte sa lupang sinilangan, simulan mo ng mag-aplay sa abroad ngayon. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here