Online Horoscope, ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 18, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Nobyembre 18, 2020, Miyerkoles  –  Sa panahong ito ng iyong buhay sobrang lakas ng panghigop mo. Lumayo ka sa mga negatibong tao at mareklamo dahil mahihigop mo sila. Dumikit ka at magsasama sa mga sinusuwerte sa mga may sinasabi at sa mga mayayaman na tao, dahil kadidikit mo sa kanila, mahihigop mo ang kanilang suwerte at malilipat sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow.  Masuwerteng numero  1, 16, 28, 35, 38, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tatalunin mo ang lahat ng magtatangkang lumaban sa iyo. Silang lahat ay walang magagawa laban sa iyo dahil ikaw ay talaga namang ipinanganak upang magwagi at manalo lalo na sa labanan ng pagandahan at patapangan. Mapalad ang kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 9, 18, 32, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Unti-unti ng tumatalab sa ‘yo ang iyong lucky charm. Dahan-dahan hanggang sa biglang ang iyong buhay ay makikitang paunlad nang paunlad. Himas-himasin mo ang iyong lucky charm upang lalo pang lumakas ang bisa nito.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 16, 19, 24, 33, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magara ang mangyayari, dahil sa araw na ito maaandap sa iyo ang mga nasa tabi mo. Ibig sabihin sa araw na ito ay walang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo dahil ang sinumang kokontra sa kagustuhan mo ay dadatnan ng kamalasan, habang ang suwerteng dapat ay mapapasa kanila ay mapupunta sa iyo. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero  5, 19, 27, 32, 31, 44.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Narinig ng langit ang hiling mo na bigyan ka ng lakas ng loob, kaya ngayon ay binigyan ka at ito ay sobrang lakas ng loob. Kaya wala kang katuwiran kapag hindi mo pa ginawa ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 2, 7, 16, 22, 28, 39.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo kailangan ang ibang tao para sa sarili mo pero ikaw ay kailangan nila para sila ay sumaya. Sumama ka sa kanila, upang makapagbigay ka ng saya sa mga taong nalulungkot. Kapag nakapagbibigay ka ng saya, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang idudulot sa iyo nito. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 1, 19, 23, 25, 41, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Dahil sa ganitong paraan matutuklasan mong kailangan mo lang pa lang gawin ang gusto mo at maaakit mo na ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 10, 28, 32, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ito ang araw na susunod sa mga sinasabi mo ang mga pangyayari. Kapag sinabi mong ikaw ay mahina, hihina ka  pero kapag sinabi mong ikaw ay malakas, tiyak na lalakas ang iyong kapangyarihan. Ang kapangyarihan mo ay ang sumagap ng suwerte at magagandang kapalaran, na palakas pa ng palakas sa bawat araw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 19, 21,  27, 36,  42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Panalo, kung saan ito mismo ang kahulugan ng araw na ito sa iyong kapalaran. Ito rin ay tanda na hindi ka matatalo sa anumang laban ng buhay. Kaya ang mga hamon ng kapalaran ay siguradong mapagtatagumpayan mo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 9, 13, 21, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Dagdagan mo pa ang tiwala mo sa iyong sarili. Ipakita mo sa mundo na may kakayahan kang abutin ang iyong ambisyon. At ang ambisyon mong ito ay siguradong iyong maaabot. Yayaman ka at magkakaroon ng maraming mga ari-arian. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 17, 27, 32, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ngayon mo muling simulan ang mga naudlot na pagsisikap para matupad ang mga ambisyon mo. ‘Wag mong sayangin ang masuwerteng araw na ito na may pangako sa iyo ng malalaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad a ang kulay beige. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 33, 39, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag na ang pangalan ay kung ano ang gusto mo yon ang mangyayari. Kaya mag-isip ka na ngayon ng isang bagay na gustong-gusto mo talagang mangyari. Iwasang mag isip ng masama sa iyong kapwa, dahil yon nga ang mangyari. Sa halip, puro mabubuting bagay lamang ang gustuhin at isipin mo. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero  4, 17, 25, 37, 38, 44.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Araw-araw ay bagong araw sa iyo, kaya wala kang karapatang magsabi na malayo sa iyo ang mga swuwerte. Kaya lang nauudlot ang suwerte at magandang kapalarang papalapit na ng papalapit sa buhay mo, ay masyado ka kasing negatibo. Kapag nawala na ang iyong takot at mga pag-aalala, ang suwerte at magandang kapalarang naka-abang na ay tuloy-tuloy ng papasok sa iyon pagkatao. Mapalad ang kulay na green.  Masuwerteng numero 7, 19, 25, 28, 32, 43

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here