Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 18, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Nobyembre 18, 2019,  Lunes –  Nagbabalita ang araw na ito na kung tututok ka sa iisang hanap buhay lamang o iisang kalakal, aangat ng todo ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng pagdating ng malalaking kita na ngayon mo lang mararanasan sa kasaysayan ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyo ang araw na ito. Ito ang itinakdang araw kung kailan puwede mong hilingin sa langit ang iyong pinakagustong mangyari sa buhay mo at siguradong magkakatotoo. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Bibigyan ka ng langit ng mga kaibigan na talagang maaasaha mo. Higit pa sila sa mga kapamilya mo. Sila rin ang magtutulak sa ‘yo para ikaw ay magtagumpay at maging maligaya sa buhay mong ito. At ang mga kaibigan mong ito ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kakaiba ang suwerteng dala-dala mo, dahil kung saan ka makikita, na narooon ang suwerte, dahil ikaw mismo ang larawan na nagbibigay ng suwerte sa kapwa mo nilalang. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat maging sunod-sunuran sa kapritso ng ibang tao. Mas maganda kung ano ang iyong gusto yon mismo ang gawin mo. Sa ganyang paraan ang suwerte at magagdang kapalaran ay mapupunta sa iyo.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37,

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kailangang maghari sa iyo ang mga positibong pananaaw. Wag na wag kang papayag na talunin ng kalungkutan sapagkat kapag naging masaya ka ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Oo mahalaga ang salapi at maraming pera, pero higit na mas mahalaga ang kalusugan. Bawas-bawasan mo ang mga aktibidad mo dahil higit kailanman mas kailangan mong pahalagahan ang iyong kalusugan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Napakalinaw ngayon ng iyong liwanag. Ikaw ang magiging ilaw ng mga humahanga sa ‘yo. Gabayan mo sila hanggang sa sabay-sabay kayong magtagumpay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lihim na pinagmamasdan ng nakatataaas sa iyo ang iyong mga kilos. Lihim din siyang humahanga dahil mabilis mong natatapos ang iyon mga obligasyon. Kaya lihim ka rin niyang padadalhan ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mamamangha ka sa mga pangyayari sa araw na ito, kusang kikilos ang kapalaran upang ang kabuhayan mo ay madagdagan ng madagdagan. Kaya lagi kang magpasalamat sa Maykapal, at bilang pasasalamat hanapin mo ang isa sa pinaka-mahirap mong kaibigan, bigyan mo siya ng kaunting tulong pangpinansyal. Sa ganyang paraan, mamamalagi sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw na mismo ang makararamdam na paganda na ng paganda ang iyong buhay. Lalo mo pang isabuhay ang pagiging masinop upang iyong mapangalgaan ang iba pang mga suswerteng nakatakdang dumating sa iyong buhay hanggang sa mabili mo ang lahat  ng bagay na pangarap mong mapunta sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag mong pagdudahan ang kagandahang-loob ng isang bagong kakilala. Siya ay tapat at mabuti ang kanyang motibo sa pakikipagkaibigan sa iyo. Siya rin ang lihim na padala ng langit upang ikaw ay tulungan at bigyan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi nilikha ang mga paa ng tao para siya ay umatras. Kaya ano’t naduduwag ka? Sumugod ka at harapin mo ang bawat hamon ng buhay. Gagabayan ka ng langit kaya makaaasa ka na ikaw ay magwawagi at magtatagumpay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here