Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Nobyembre 16, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Nobyembre 16, 2019,  Sabado –  Masuwerteng araw ito para sa ‘yo sa pakikipagkaibigan. Mapakikinabangan mo sila sa iyong negosyo at sa iyong career, kaya lalo mo pang maiiwan ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Makulay ang iyong buhay. Punong-puno ng masasayang kaganapan at mga sopresa ng kapalaran na pangggalingan ng mga suwerte mo at yaman. Kaya ingatan mo rin dapat ang iyong kalusugan, upang ang makulay at masayang buhay ay malaya at patuloy mong maranasan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mahilig ka sa bagong damit. Kaya lang hindi mo pa gagamitin ang ilan sa mga ito. May palataan pa nga na ang iba ay ipamimigay mo sa iyong mga kaibigan, kakilala at mga mahal sa buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pabugso-bugso ang iyong sigla. Ibig sabihin minsan ito ay lalakas at bigla ring hihina, dahil sa labis kang nababahala sa future. Hindi mo dapat na isipin ang bukas, sa halip ipamuhay mo ng sagad ang araw na ito at isipin mong wala ng bukas, ito na ang huling araw. Kapag nagawa mo yan, mas mabilis kang aasenso at mas mapapanatag ang kaloob mo para sa future. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ngayong panahong nalalapit na ang kapaskuhan, malaki ang kikitain mo kapag iyong itinuloy ang negosyong namamanahon na biglang pumasok sa iyong isipan. Malaki ang magiging panghihinayang mo kapag naduwag ka at hindi mo sinimulan agad. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ikaw ang taong nasanay na sa masayang buhay. Pero ikaw din ang taong inakala ng marami na mahusay mag-advice. Oo, tagapayo ng mga nalilito sa love life at ng mga taong may mabibigat na problema ang tunay na misyon mo sa mundong ito.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kailangan ka ng kabarkada mo at kailangan mo rin sila. Sa tuwing magkakasama ang barkada, hindi lang kayo magiging masaya, sa halip ang mga kaibigan at kabarkada mong ito ay sila rin ang magiging lucky charms mo, na magsisilbing  panghigop ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magtatayo ka ng negosyo at ito ay magiging marami dahil hindi puwede sa ‘yo ang isa lang. Sa lahat ng bagay, laging dalawa, tatlo o marami ang pag-aari mo, dahil ito ang nakatakda sa iyong kapalaran. Ito ang tunay na sikreto kung bakit ka yayaman, dahil sa oras na ginusto mo, kaya mo ring paramihin ng paramihin ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang makihalo sa mga usapang wala ka namang kinalaman. Baka madalamay ka at ikaw pa ang mamroblema sa suliranin ng mga taong hindi magkaintidihan. Sa halip, ang pinakamaganda at pinakamabuti ay asikasuhin mo ngayon ay kung paano palalaguin ang kabuhayan ng inyong pamilya.   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Bigyan mo ng respeto ang desisyon ng iyong mahal. Hindi nakabubuti kung madama niyang lagi na lang ikaw ang tama at magaling. Di mo man gaanong gusto wag mong salungatin. Sa ganyang paraan magsisimula na kayong suwertehin at tuloy-tuloy ng uunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Unahin mong lutasin ang maliliit na problema dahil kapag natapos mo ang mga ito, ang malalaking suliranin ay madali nang masosolusyunan.  Kapag nasulusyunan mo na ang mga problema, ang suwerte at magandang kapalaran ay maguuna-unahan ng dumating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kumakatok sa pintuan ng iyong kapalaran ang isang nilalang na magbibigay sa ‘yo ng kakaibang saya. Tanggapin mo siya upang malimot mo ang lahat ng problema. Siya rin ang taong lihim na ipinadala sa iyo ng langit, upang umalalay sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sitwasyon ng iyong buhay.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sumali ka sa mga talakayan kung paano gaganda ang kabuhayan. Kailangan ng inyong pamilya ang kakaibang ideya mo at kapag hindi ka sumali iisipin ng iba na wala kang pakisama. Kapag sumali ka, magsisimula ng suwertehin at magakroon ng magandang landasin ang kapalaran ng inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy na kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here