Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Nobyembre 1, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Noyembre 1, 2020, Linggo  – Dahil kaarawan mo ngayon, at pansining mong full moon din ang buwan sa langit, bukas ngayon ang mga bintana at pintuan ng langit. Na nagsasabing, ito ang araw na pakikinggan ang bawat dalangin at kahilingan. Sabihin mo na ngayon ang iyong gusto at ito ay tiyak na makukuha mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 19, 28, 37, 41, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung minsan mainitin ang iyong ulo at bugnutin, ngunit dapat mo itong kontrolin at wag mo na itong paiiralin pa. Ito ang susi upang mabawasan ang mga problema mo sa buhay at tuluyan ka na ring lumigaya. Muli tandaan mo ang susi, wag na wag iinit ang iyong ulo at wag na wag kang maiinis. Kapag nagawa mo yan, darating ang mas maranming suwerte at magagandang kapalaran ngayon nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan. Mapalad na ang kulay pink. Masuwerteng numero 3, 7, 18, 29, 36, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ipakita mo na may paninindigan ka. Hindi puwede na lagi ka na lang tangay-tangayin sa mga kagustuhan ng iba. Kapag tuluyan ng lumutang ang sarili mong kagustuhan at hindi na sunod ng sunod lang sa iba, makikita mo, mas lalong gagaang ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 18, 27, 33, 39, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nagtatagumpay ang iba dahil sa lakas at pagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba. Magtatagumpay ka sa pamamagitan ng isip at pagsasalita. Kaya kapag may naisip ka at gusto mong ihayag, gawin mo agad. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay mas madali mong maaakit. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 5, 11, 23, 32, 41, 45.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kaya hindi mo nakukuha ang malaking tagumpay dahil nauunahan ka ng pag-aalinlangan. Masdan mo ang liwanag ng mga kandilang nakasindi sa bawat tahanan na nagpapaalala sa kanilang mga namayapang mga mahal sa buhay na hindi namamatay ang liwanag. Alisin ang pag-aalinlangan sa iyong puso. Kapag naging buo na ang iyong loob, sisilid na sa iyong pagkatao ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay ang violet. Masuwerteng numero  7, 13, 20, 25, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)   Dahil sa marami ang lihim na bilib sa yo, lalo na sa iyong kagandahan, marami rin ang lihim na gumagaya sa life style mo. Sa araw na ito ay may isang manggagaya sa iyo, pero kahit na paanong gaya ang gawin nila, sorry na lang sila, hinding-hindi nila magagaya ang suwerte at magandang kapalarang hawak-hawak mo na ngayon at lalo pang madaragdagan ang buenas sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 19, 28, 37, 41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ngayon pa lang ay iplano mo na ang nalalapit na kapaskuhan, Sa panahon ng kapaskuhan alalahanin mong malulubos lamang ang iyong ligaya at magandang kapalaran, kung patuloy ka pa ring mamimigay, lalo na sa mga mahihirap at kapos-palad. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 8, 16, 25, 34, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Malapit na ang pasko at sa panahon ng kapaskuhan, hindi kailangan ang masyadong magastos. Oo mag-shopping ka at mamili, pero sa online na lang. Sapagkat ang mahalaga ay ang maalala mo ang mga mahal mo sa buhay at ang mga taong mahahalaga sa puso mo ay maregaluhan mo kahit na simpleng regalo lamanng. Sabi nga, “hindi kung ano ang  halaga ng regalo, kundi ang kahulugan at ang pagmamahal ng nagbigay nito!”  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 33, 42, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Tumataas ng husto ang iyong kumpiyasa sa sarili dahil sa mga nakamit mong suwerte at magandang kapalaran sa buhay. Pero ikaw ay binabalaan ng tadhana na ang sobrang tiwala sa sarili ay masama. Mag-ingat sa mga lihim mong kaaway at sa mga taong lihim na naiinggit sa iyo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  9, 15, 21, 39, 39, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mas marami kang suwerte kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Gaya ngayong unang araw ng  Nobyembre  muli na namang iiral ang sa iyo ay nakalaan, kung saan, ang mga buwenes at magagandang kapalaran ay magdaratingan na. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3,  9, 18, 24, 27, 42

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Kapag nagalit ka, para na ring masasabing ang mundo ay magugunaw. Kontrolin mo ang sama ng iyong loob nang sa ganon ay maging payapa ang sitwasyon. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  1,  4, 19,  22, 26, 32. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Limampu’t limang araw na lang Pasko na! Hindi makabubuti sa iyo ang mag-isip ng mga negatibong bagay. Kaya simulan mo na ngayong maging masaya. Habang nagsasaya ka, darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 13, 17, 31, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang iba ay nag-aalinlangan at nabibigo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, sa unang araw na ito ng Nobyembre, kahit may malakas na bagyong rumaragasa sa  kapaligiran,  Oo ang magara sa iyong kapalaran, habang nagaalinlangan ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalarang ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon.  Masuwerteng numero 7, 18,  25, 29, 34, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here