Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Mayo 8, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Mayo 8, 2021, Sabado  – Dahil kaarawan mo ngayon, higit kang magiging mapalad sa araw na ito, dahil ang hindi mo hinihiling ay ipagkakaloob. At ang hinihiling mo ay pinagpasyahan din ng langit na ipagkaloob na rin sa iyo.  Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 1, 7,  17, 19, 25, 33.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kapag ang tao ay umaakyat walang pumipigil sa kanya. Ang mataas ay inaakyat. Kaya simulan mo nang akyatin ang iyong ambisyon at mga pangarap. Makaaasa ka na makakamit mo ito, dahil ang umaakyat ay nakaaabot sa tuktok. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero  6, 18, 21, 24, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ang handang matalo ay mahilig sa sugal, hindi ka sugarol kaya nararapat lang na ang bawat kilos mo ay tiyak at sigurado. Bumuo ka muna ng magandang plano bago mo isagawa ang iyong proyekto, kapag ganyan ka tiyak na magtataunpay ka. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5,  9, 18, 29, 35, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang masarap na kuwentuhan ay mabisang panlaban sa kalungkutan at sa anumang uri ng karamdaman. Mapapansin mo na maghahanap ka ng kakuwentuhan dahil kapag masaya ka sisigla ang iyong buhay. At kapag masigla ka,  maraming suwerte at magagandang kapalaran ang magsisidatingan.  Mapalad  ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 5, 16, 23, 31, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag nalalagas ang mga dahon ng halaman, mga ilang araw lang ito ay pinapalitan ng kalikasan, kaya makikitang may mga panibagong dahon uli na nag uusbungan. Wag mong ikalungkot ang mga bagay na nawawala sa iyo dahil darating ang araw, papalitan ito ng langit ng mas magaganda pa at ng mga bagay na higit mong pakikinabangan. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero  2, 14, 22, 25, 32, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Walang makagagapi sa iyo sa lahat ng mga pakikipagtunggali mo sa buhay. Dahil matutupad sa kapalaran mo ang sinasabing ang nagmamahal sa kapwa at sa pamilya ay ipagtatanggol mismo ng nasa itaas. Kaya anumang gawin mo sa ngayon ay tiyak na aani ng malalaking tagumpay.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero  1, 10, 13, 19, 25, 29.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Alam mo bang may kakayahan kang basahin ang laman ng isip ng iyong kaharap at ng mga taong iyong nakakausap? Kaya hindi pupuwedeng basta-basta ka na lang madadaya ng iyong kapwa. Lagi mong gamitin ang kakayahan mong ito upang tuloy-tuloy kang umunlad at umasenso. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 7, 12,  22,  32,  40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ang ihip ng hangin sa panahong ito ng tag-init ay mas masarap kaysa sa anumang uri ng pagkain. Sa pag-ihip ngayon ng iyong kapalaran, magugulat ka, ipagkakaloob sa iyo ang malaki mong suwerte at ang tunay mong kaligayahan. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 12, 18, 23, 36, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang dahil kailangan din niya ang tubig na espiritwal. Lumayo ka muna sa ngayon sa mga bagay na ang katawan lamang ang nasisiyahan. Sa halip, magnilaynilay ka ngayon upang magkaroon ka ng peace of mind at ng maipriority mo rin ang iyong kalusugan at pagpapahaba ng buhay. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 1, 11, 13, 17, 20, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang iba ay bumibili pa ng kung ano-anong palawit, kuwintas at dekorasyon bilang pampasuwete. Pero ang sa iyo ay kakaiba, lahat ng magagandang bagay  at lahat ng  masasarap na pagkain ang magsisilbi mong lucky charms na magbibigay sa iyo ng sigla, ng susnod-sunod na suwerte at ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 36, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Naglalaro ang tubig at hangin sa ibabaw ng dagat. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo sa panahong ito ng tag-araw, dahil aktuwal na bibigyan ka ng mga biyaya at suwerte ng tubig at ihip ng hangin. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 22, 30, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May kakayahan kang baguhin ang anumang gusto mong baguhin. Kaya anuman ang nangyayari sa buhay mo ngayon, wag kang malungkot. Baguhin mo ang iyong kapalaran. Pinapanood ka ng nasa itaas,  at habang pinapanood ka ikaw din ay papatnubayan ng langit, kaya lahat ng pagbabagong sisimulan mo ngayon ay siya na ngang matutupad at mananaig.  Mapalad na kulay ang cream. Masuwerteng numero 2, 8, 15, 23, 30, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang sandata na kaloob sa ‘yo ng Dakilang Maylikha ay mabuting puso. Sa ganito, magtatagumpay ka, uunlad, liligaya at yayaman. Kaya wag na wag kang manghinawa sa palagiang pagiging mabuti at mabait.  Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  2, 7, 22, 28, 34, 40. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here