Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 7, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 7, 2020,  Huwebes – Makakaranas ka ngayon ng hiwaga ng kapalaran na nagsasabing sa mga sandali na nakadarama ka ng lungkot biglang mapapangiti ang iyong mga labi sa galak kasabay nito bigla ring magdaratingan ang napakaraming suwerte sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na dapat mo ng paghandaan ang pagtatapos ng Enhance Community Quarantine at pagsisimula ng bagong buhay na wala ng inaalalang mabibitktima pa ng Covid 19. Kaya nga iplano at ihanda mo na ang mga dadalhing gamit para sa isang malayuang paglalakbay. Sa malayong lugar wala kang dapat gawin kundi ang mag-relaks at mag-enjoy upang muling ma-recharge ang iyong buhay. Kapag  na-recharge na ang iyong kaluluwa, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy na darating. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sariwang mga bulaklak at bagong pitas na mga prutas ang magsisilbing pampasuwerte mo sa ngayon. Kaya dapat ay hindi mawalan ng sariwang mga bulaklak ang iyong bakuran at hindi rin dapat mawalan ng bagong pitas na mga prutas at gulay ang ibabaw ng iyong mesa. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  8, 14, 26, 34, 43, 44.   ©PhilippineOne.com

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Wag kang patangay sa mga hindi nagpapahalaga sa kanilang kabuhayan. Ituloy mo ang pagtutok  sa pagpapaunlad ng iyong career at negosyo ito ang tunay na magpapasaya sa iyo. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Inaasahan ng iyong mga mahal sa buhay na bibigyan mo sila ng kasiyahan. Hindi sila dapat mabigo kaya ngayon pa lang ay paglaanan mo na ang gagawin ninyong pagsasaya pagkatapos na pagkatapos ng problema sa Covid 19. At habang pinaglalaanan mo na ngayon palang ang mga mahal mo sa buhay, sa parte mo naman, magdaratingan na ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42. ©PhilippineOne.com

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sobrang suwerte ka sa araw na ito, dahil kahit hindi ka kumilos, kikilos ang langit para sa iyo para bigyan ka ng makulay, masaya at maligayang araw. Magpasalamat kang lagi, dahil sa bawat pagpapasalamat na iyong gagawin, ito ay may katumbas pang bonus na suwerte at dagdag pang magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Pasasayahin ka ng isang nilalang na ikaw ay sobrang sasaya. Bawal na magkaroon kayo ng malalimang relasyon dahil siya ay mapapalayo sa ‘yo ng mahabang panahon.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Huwag sayangin ang pagkakataon mong maging bahagi ng buhay ng mga taong nangangailangan ng tulong sa panahong ito ng Covid 19. Bihira ang ganitong pagkakataon. Samantalahin mo ang minsang oportunindad na naglilingkod ka sa iyong kapwa at sa mga nangangailangan. Magagamit mo yan, upang lalo ka pang padalan ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang  sky blue.  Masuwerteng numero 7, 16, 21, 27, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Sumunod ka sa gusto ng iyong mahal kahit medyo hindi mo gusto dahil ayon sa iyong kapalaran siya ang magsisilbi mong guiding star. Oo siya ang magsisilbi mong pampasuwerte at pampasuwerte rin siya ng iyong pamilya lalo na sa salapi at sa materyal na bagay. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45. ©PhilippineOne.com

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mabubuhay ka ngayon na tulad ng isang hari o isang reyna, kukuyakuyakoy na walang ginagawa, dahil ang mga tao sa iyong paligid ay lihim na tatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay paglingkuran. Habang may naglilingkod naman sa iyo, tuloy-tuloy na gaganda ang career at lalago ang kabuhayan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi dapat na maging matigas ang iyong ulo, kaya ang dapat pakinggan mo ang mga suhestiyon ng iyong mga kaibigan. Sila ang magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at magandang kapalaran. Wala sa isip nila na dayain ka. Ang totoo nga ikaw ang palihim na nagiisip at nakikitang dumadaya sa kanila at sa iyong sarili. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Itabi mo ang iyong damdamin, kung baga wag mong pakinggan ang iyong puso. Mas mabhuting isip ang iyong paganahin, nang sa gayon ay maayos ang iyong love life. At kapag naayos na ang iyong love life, kasunod nito ang pagdating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang magmadali dahil ang mga nagmamadali ay madali ring mapapahamak. Ibig sabihin pag-aralan mo muna ang pagkatao ng nagpapakita sa ‘yo ng kabutihan at pag aralan mo rin muna ang lahat ng diskarte sa inaaturga mong proyekto, upang kapag iyong pinatupad, perfect na, walang mintis, magandang-maganda at walang kamali-mali. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma and more questions answered quickly

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here