Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Mayo 4, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Mayo 4, 2021,  Martes  – Hindi ba’t kaarawan mo ngayon, kaya naman suwerte ka ngayon! Makipagsapalaran ka at ang panalo ay maiuuwi mo. Buenas ka ngayon dahil mararamdamam mong ang mga kamalasan ay  isa-isa nang lumalayo sa iyong buhay at sa malapit na hinaharap, ang suwerte at magagandang kapalaran naman ang maglalapitan sa iyo ng walang humpay.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 28, 32, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na iyong pinakahihintay na kung kailan ay walang makahahadlang sa iyong mga kursunada. Maging ang mismong langit ay makikiayon sa iyong kagustuhan. Kaya naman ngayon na rin ang araw na walang kahirap-hirap na darating sa iyong harapan ang ng lahat ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 16, 18, 24, 36, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Pairalin mo ngayon ang tigas ng damdamin. Sa hindi nagbabagong pasya at may “one-track-mind” na kaisipan, mananaig at magtatagumpay ka. Kasabay nito ang suwerte at magagandang kapalaran ay sunod-sunod ng dadapo sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero 8,  11, 20, 29, 33, 44.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Natutukso kang lumipat sa ibang trabaho, hindi ba? Dapat mong malaman na hindi pa ngayon ang tamang panahon upang magbago ka ng career o ng pinapasukan. Bagkus ang pinaka-favorable sa iyong panahon ay sa buwan ng Hunyo o kaya’y Setyembre. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 15, 21, 23, 31, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Oo parang talo ka ng mahal mo. Oo sa unang tingin ay hindi mo siya kaya pero wala kang magagawa dahil hindi puwede na siya ngayon ay mawala sa iyong buhay, dahil kung tutuusing mabuti siya rin naman ang pampasuwerte mo at nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob at nagbibigay din sa iyo ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 7,  12, 14,  24,  27, 31.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo napapansin na malaki na ang iyong nagagasta sa pagpapagnda at sa paglalakwatsa. Kaya ang payo, mamahinga ka sa pagpapaganda at sa paglabas-labas nang bahay ng sa gayun ay hindi  gaanong ma-expose ang beauty mo at ng hindi rin gaanong mabawasan ang iyong ipon.  Mapalad  ang kulay na beige. Masuwerteng numero 2, 10, 16, 20, 32, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Buti naman at napagisip-isip mo na iiisa lang ang pormula upang yumaman at magtagumpay. Ang maging matipid at ang pagdisiplina sa sarili. Disiplinahin mo ngayon ang iyong sarili. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magagandang kapalaran ay magdaratingan na sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  5,  8, 19,  26, 32, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Huwag kang sumira sa mga pangako mo. Nakataya ang iyong dignidad at ang iyong magandang imahen. Kahit medyo nahihirapan ka, kailangang magsakripisyo ka, dahil pagkatapos naman nito, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 9, 12, 15, 25, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag pinansin mo ang mga salitang nakasasakit ng damdamin at ng kalooban, lalo  lang maaapektuhan ang iyong trabaho. Mas mabuti na ang tutukan mo mismo ay ang iyong ginagawa at hindi ka dapat na maging pusong-mamon. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  9, 17, 23, 27, 33, 40.     

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Pinagaabroad ka ng kapalaran, kaya ayusin mo ang mga kinakailangang papeles. Wag nang mag-alinlangan pa. Tiyak na makapag-abroad ka. At kung nasa abroad ka naman, pag butihin mo ang iyong ginagawa, dahil walang alinlangang sa pangingibang bansa ka susuwertehin at yayaman.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 9, 18, 23, 27, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malapit mo ng gampanan ang isang bagay na noon pa nakalaan sa iyo. Kung saan, maiaatang sa iyong balikat ang pamumuno at pamamahala sa maraming tao dahil ito mismo ang papel mo sa mundo. Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero  1, 9, 27, 33, 39, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang anumang bago ay tiyak na gusto mo. Hindi mo mapipigilan ang ganitong malakas na udyok ng iyong buhay. Walang pagdududa na iyong papalitan ang mga kasalukuyang ginagamit mo. Sa bagay, kapag nagkakaroon ka naman ng mga bagong bagay, nagtataka ka rin nagbabago din ang buhay mo at ang kasunod nito ay suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 13, 19, 22, 31, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Makibahagi ka sa paglutas ng problema ng iba. Malaki ang maitutulong ng iyong karanasan. Isa ka sa inaasahan ng iyong mga kasamahan at mga kakilala. At ito rin ang araw na kailangang ilabas mo ang iyong galing at talento, upang patuloy kang suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 11, 19, 28, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here