Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 31, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 31, 2020,  Linggo – Ito ang araw na marami sa mga biyaya at grasyang ihuhulog ng langit ay makikita sa mga kamay mo magsisidapo. Upang lalo pang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran bahaginan mo ang mga malalapit sa iyong puso at iyong mga taong laging nagsisipsip sa ‘yo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na magkakaroon ng bagong pita ang canvass ng iyong buhay. An gang pintang malalarawan dito ay pulos na magagandang pangyayari at mabubuting kapalaran, na nangangahulugang ngayon palang isa-isang magdaratingan ang iyong mga suwerte at buenas, kaya salubungin mo sila ng buong galak at may pasasalamata. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 13, 28, 34, 40 at 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kung sino ang pinangagalingan ng iyong saya at sigla siya ang lagi mong isasama. Ang mga nagsisikontra sa ‘yo ay layuan mo. Sagabal lang sila sa iyong kaligayahan at sagabal lang din sila sa unti-unti mong pag paunlad at pagyaman. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Malayo ang mararating ng iyong isip sa ngayon. Ang iyong mga pinapangarap ay kakaiba sa ganda, ang mga ito ay mga bagong pangarap. Marami sa mga pangarap mong ito ay isa-isa ng matutupad.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maaakit ka ng mga taong may masayang personalidad. Huwag mong aakalain na sila ay magbibigay sa ‘yo ng masarap na buhay at pag-unlad, dahil ang mga taong masasaya na tulad nila ay kulang sipag, kulang sa sikap at kulang sa tiyaga. Wag mo silang tutularan at mas mainam na lumayo at umiwas ka sa kanila dahil ang dapat mong maging hangarin at yon din naman talaga ang nakatakda sa iyo ay ang magpayaman pa ng husto.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mong ipagdamot ang mga biyayang iyong natanggap nitong nagdaang araw. Ipamahagi mo ngayon ang ilan sa mga mahihirap at labis na nangangailangan. Kapag nagiging palabigay ka sa karapatdapat pagbigyan, marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwag ng magdalawang isip kung papasyalan mo o hindi ang isang malapit sa puso mo na siya ring madalas na makakuwentuhan mo at madalas ding makahingahan mo ng sama ng loob. Pumunta ka sa kanya at may malaking suwerte siyang ipagkakaloob sa iyo.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Pinagkalooban ka ng mayamang kaisipan, wag mong sayangin ang regalong ito sa ‘yo ng kapalaran. Wag kan matakot, lakasan mo ang iyong loob, gamitin mo sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan hanggang sa ganap at lubusan kang yumaman. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pagpapatibay ng relasyon sa mga taong nakatulong sa iyo ang kailangang magawa mo sa ngayon. Dahil nahaharap ka sa isang napakagandang kapalaran pero bago mo makamit iyan, dadaan ka muna sa mga mabibigat na pagsubok, na kayang-kaya mo namang lusutan at mapagtagumpayan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung ano ang magbibigay saya at ligaya sa iyong mga mahal sa buhay ay yon mismo ang ibigay mo sa kanila. Samantalahin mo ang masasayang araw na ito para sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya at sa pagmamahalan ng mag-anak. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Babalikan ka ngayon ng isang taong tinulungan mo. Magugulat ka, kakaibang suwerte at gantimpala ang ipagkakaloob nya sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dadalhin ka ngayon ng iyong mga paa sa isang lugar na ngayon mo pa lang mararating. Mahaharap ka sa mga naggagandahang oportunidad na puwedeng maging dahilan  ng mabilis mong pag-unlad at pagyaman. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kakaiba ang suwerteng sa sa’yo ngayon dahil ang pangyayari sa biglang tingin ay minalas ka pero yon pa pala mismo ang magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas maraming buenas at magagandang kapalaran hindi mo inaasahang  magdaratingan na ngayon. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here