Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 31, 2019

1
532
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 31, 2019,  Biyernes  –  Kumapit ka sa malinis mong hangarin sa buhay. Hindi ka pababayaan ng langit.  Ang lahat ng suliranin mo noong nakaraang taon ay isa-isa ng mapaparam. Simula sa araw na ito, mas marami pang suwerte at magagandang sopresa ng buhay ang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 16, 22,  31, 40, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi pa tumutigil ang pagbuhos ng suwerte mo, basta’t ang kundisyon ipagpatuloy mo ang pagtulong sa iyong kapwa at ang pag-alalay sa mga taong kapos-palad at ang mga taong walang-walang maasahan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 36, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Basta’t hindi ka nagpadaig sa mga negatibong pananaw, at patuloy kang nangangarap, makaaasa ka na ang langit ay gagawa ng paraan upang isa-isang makuha mo ang mga gusto mo sa buhay na noon mo pa hinahangad. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 15, 27, 37, 34, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Darapo sa iyo ngayon ang hindi maipaliwanag na saya! Ito ay pahiwatig lamang na sa panahong itong pabago-bago ang panahon ikaw ay patuloy na magiging maunlad at  magiging maligaya, hindi ikaw kundi ganon din ang mong pamilya ay uunlad din at patuloy na magiging maligaya. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 34, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nakatutuwa ang mga pangyayari sa buhay mo dahil ang mga taong hindi mo inaasahan ay iyong makakasama at makakatulong sa iyo upang lalo ka pang tuloy-tuloy na lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang kulay na gold.  Masuwerteng numero 7, 22, 16, 25, 29, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kunin mo ang mga suwerteng idinaan ng langit sa pamamagitan ng mga regalo na natanggap sa panahong ito ng kaarawan mo. Mamili ka sa isa sa mga natanggap mong bagay na metal. Ito ang suuutin mo sa ganyang paraan, ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloty ng mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 14, 17, 34, 37, 44.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Garantisado ang iyong pagyaman. Dahil kamangha-mangha ang pagtutok mo sa isang gawain o proyetong ginagampanan mo ngayon. Basta’t patuloy kang tumutok sa gawaing iyan at mag-ipon, makikita mo,  madodobleng bigla ang savings mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 37, 41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kahit na maraming lihim na naiingit sa iyo at lihim kang kinukumpetensya, walang makadadaig sa iyo. Dahil noon pa man, inihanda na ng langit ang iyong magiging kapalaran. Manalig ka na mamalagi kang masuwerte at magtatamo ng matataas na pagkila at karangalan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 18, 28, 36, 42, 44.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang kagustuhan mo ‘yon mismo ang susundin ng mga taong nasa paligid mo. Kaya anuman ang gustuhin mo sa panahong ito ng iyong buhay, ipagkakaloob ito ng mga taong nasa paligid mo. Kapag hindi nila ito tinupad, ang langit na mismo ang kikilos upang magkatotoo ang lahat ng gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  15,  27, 33, 36, 44.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa araw na ito at sa lahat ng araw ng buong buhay mo, isabuhay ang matandang kasabihang, “Matulog ng maaga, gumising ng maaga at magsipag”. Kapag ganya ka, tuloy-tuloy kang susuwertehin, tuloy-tuloy kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 11, 19, 32, 34, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang mga taong malalapit sa iyo at mga natulungan mo ang mananalangin upang lalo pang pagandahin ang iyong kapalaran. At dahil marami silang natulungan mo at nagmamahal sa iyo, matutupad ang kanilang mga panalangin para sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 28, 31, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pansinin mo ngayon ang iyong buhay, di ba ang mga kalungkutan mo at mga kabiguan ay panandalian lamang? Dahil ang totoo, ikaw ay kabilang sa mga likas na mapapalad na tao at mapatutunayan mo ang iyong buenas dahil mula sa araw na ito,  isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang mong kapalaran noon mo pa hinihintay.  Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 1, 19, 25, 37, 40, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Habang nag-iisa ka, dadampi sa mga pisngi mo ang init pero malamig ding simoy ng hangin. Ito ang bati at halik sa iyo ng kapalaran na nagsasabing sa panahong ito ng buhay mo mas maraming suwerte at magaganda kapalaran ang matatanggap mo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 38, 42.

1 COMMENT

  1. Hello po Maestro, good morning po .tanung lang po ng 1 araw npanaginipan ko ang aking biyenan na maglimang taun ng patay.Bago ako bumangun ng umgang yun s pnaginip ko,andun ung biyenan k babae n.nktalikod skin habang naguusap kmi. Tapos nkita ko.rin.s pnaginip ko ung byaw ko at yung pmangkin nming llke. at ang usapn nmin.ng biyenan k.e eto ABA MALAKI IKA ANG HIRAP NI MEL SA PGKKGAWA NG BANYO NG UNG KUYA JOEL. yan.po ang usapan nmin ng biyenan ko s oanginip .ano po kya ang ibig sabihin niyan. salamat po .Rita Rodriguez Marasigan po ito .Magandang araw po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here