Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 30, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 30, 2020,  Sabado – Hinog na ang mga bunga sa hardin ng iyong kapalaran. Aanihin na lang ito ngayon upang mapakinabangan mo ng husto at  upang matikman ang masarap na bunga ng pagwawagi. Ibahagi sa ilan ang iyong mga buenas at magandang kapalaran upang magtuloy-tuloy ang mga biyaya at mga pagpapalang nagmumula mismo sa kalangitan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 6,  12, 15, 33, 39, 40. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mataas ang iyong mga pangarap. Magkagayunman, ipinapangako ng iyong kapalaran na mapapasa iyo ang mga ito. Ipanatag ang iyong kalooban at ‘wag mong intidihin ang mga naiinggit at mga nangiintriga sa iyo. Mamamangha sila, malapit ng dumating ang panahong malayong-malayo na ang agwat mo sa kanila. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 10, 25, 36, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kahit gaano pa kakapal ang ulap, hindi ito mananatili sa kalawakan.  Tatangayin siya ng hangin upang ang langit ay umaliwalas. Ganon din ang mangyayari sa iyo, kahit gaano pa kalala ang anumang problema sa ngayon, kikilos ang nasa itaas, upang ang lahat ng negatibong pangyayari ay palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 17, 24, 35, 42, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay ang pagbabago. Magbabago ang career mo at kalagayan sa buhay, nasa sa iyo na ngayon ang pagpapasya. Kung tatanggapin mo ba ang pagbabagong ito o mananatili ka sa luma at dati mo ng buhay at sa dati mong pagkatao? Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 29, 37, 40, 45.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makikipagtagisan ka ng talino sa isang hahamon sa iyong kakayahan, pero hindi dapat na maging matagal ang inyong pagtatalo, dahil masyadong bababa ang iyong pagkatao.  Oo, hindi mo sila ka-level, dahil mas matalino ka sa kanila. Kaya sa susunod upang hindi ka mapahamak, wag ka ng makikipagtalo sa mga taong mas mababa sa iyo ang mentalidad. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 13, 24, 33, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung nasaan ka, naroon din ang saya at ligaya. Kung saan, wala ka, naroon naman ang lungkot at kawalang pag-asa. Dala-dala mo ngayon ang liwanag na nagbibigay ng ginhawa sa iyong kapwa. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 18,  21, 39, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang iba ay sinusuwerte dahil nagsisikap at nagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka magsikap at hahit hindi ka magsipag, basta’t maging masaya ka lang lagi at magsuot ng mga kulay na masasaya, makikita mo, ang suwerte at magandang kapalaran ay kusa nang sa iyo ay magdidikitan. Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 29, 37, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Marami ang hahanga sa kasipagan at kagandahan mo. Ang isa sa kanila ay maghahangad na ikaw ay makasama. Pagbigyan mo sila, dahil ikaw ang pinili ng langit upang maging blessings ka sa kapwa mo sa panahong ito ng epedemiya ng Covid 19. Hihintayin ka niya hanggang sa pumayag ka. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 11, 26, 29, 31, 40.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ipakita mo ngayon na may paninindigan ka. Ituloy mo lang ang isang proyektong alam mo namang  tama at wag kang pumayag na hindi ang gusto mo ang manaiig at matupad. Gawin mo at lalo kang mamahalin ng iyong mga kasama, dahil sa totoo lang mahina sila, samantalang ikaw ang tunay na malakas. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 28, 34, 38, 40.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi lang materyal na biyaya  ang matatanggap mo mula sa nasa itaas. Pagkakalooban ka rin ng simpatsa at pagmamahal. Kaya sa mga sandaling ito, isa-isa ng mawawala ang iyong mga alinlangan at pangamba. At sa dako pa roon ng susunod na mga araw, isang napaka-suwerte at masaganang buhay ang naghihintay sa iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 32, 42, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa biglang tingin, masarap ang simpleng buhay lamang. Hindi gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ngunit wala sa dalawang ito ang magiging buhay mo, dahil itinakda ka para mamuhay ng marangya, ng alta-siyudad at yumaman. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 16, 27, 31, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Bawasan mo ang iyong labis na kagandahan. Hindi mo napapansin, may mga lihim na naiinggit at naiinis sa iyo. Kaya lang kahit bawasan mo pa ang iyong kagandahan lulutang at lulutang pa rin ang taglay mong mapang-akit na personalidad. Kaya wala talaga silang magagawa, hanggang sa manggalaiti na lang sila sa inggit dahil hindi sila pinagkalooban ng katulad ng suwerteng kagadahang tinataglay mo sa ngayon. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 18, 24,  34,  39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang iba ay sumusuko kapag napapagod at ang iba ay umaayaw kapag nakakaramdam ng kabiguan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang napapagod ka at sinusubok ng kapalaran, lalo kang magpipilit at magpapatuloy.  Ang determinasyon mong ito ay gagantimpaalaan ng langit, kaya magiibayo pang lalo ang iyong lakas na magdudulot ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  15,  20, 25,  31, 43. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here