Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 30, 2019

0
997
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 30, 2019, Huwebes – Hinog na ang mga bunga sa hardin ng iyong kapalaran. Aanihin na lang ang mga ito upang iyong mapakinabangan at matikman. Ibahagi sa ilan ang iyong mga buenas at magandang kapalaran upang magtuloy-tuloy ang biyaya at mga pagpapalang mula sa langit. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 6, 12, 15, 33, 39, 40.

ARIES (Marso 21 – April 19) Sa biglang tingin, masarap ang simpleng buhay lamang. Hindi gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ngunit wala sa dalawang ito ang magiging buhay mo, dahil itinakda ka para mamuhay ng alta-siyudad at yumaman. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 16, 27, 31, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay ang pagbabago. Magbabago ang career mo at kalagayan sa buhay, nasa sa iyo na ngayon ang pagpapasya. Kung tatanggapin mo ba ang pagbabagong ito o mananatili ka sa luma at dati mo ng buhay? Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 14, 29, 37, 40, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi lang materyal na tulong ang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Pagkakalooban ka rin ng simpatsa at pagmamahal. Kaya sa mga sandaling ito, isa-isa ng mawawala ang iyong mga suliranin. Mangyayari lamang kung pupuntahan mo ang isang kaibigang ginamit ng langit upang ikaw ay tulungan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 32, 42, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makikipagtagisan ka ng talino sa isang hahamon sa iyong kakayahan, pero hindi dapat na maging matagal ang inyong pagtatalo, dahil masyadong bababa ang iyong pagkatao. Oo, hindi mo sila ka-level, dahil mas matalino ka sa kanila. Kaya sa susunod upang hindi ka mapahamak, wag ka ng makikipagtalo sa mga taong mas mababa sa iyo ang mentalidad. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero 7, 13, 24, 33, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang iba ay sinusuwerte dahil nagsisikap at nagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka magsikap at hahit hindi ka magsipag, basta’t magpaganda ka lang at magsuot ng kulay na pink o kaya’y red, ang suwerte at magandang kapalaran ay kusa nang sa iyong didikit. Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 29, 37, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ipakita mo ngayon na may paninindigan ka. Ituloy mo lang ang isang proyektong alam mo namang tama at wag kang pumayag na hindi ang gusto mo ang manaiig. Gawin mo at lalo kang mamahalin ng iyong karelasyon dahil alam niyang mahina ang kanyang personalidad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 28, 34, 38, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bawasan mo ang iyong labis na kagandahan. Hindi mo napapansin, may mga lihim na naiinggit at naiinis sa iyo. Kaya lang kahit bawasan mo pa ang iyong kagandahan lulutang at lulutang pa rin ang taglay mong likas na mapang-akit. Kaya wala talaga silang magagawa, hanggang sa manggalaiti na lang sila sa inggit dahil hindi sila pinagkalooban ng katulad ng suwerteng kagadahan mong tinataglay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 34, 39, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mataas ang iyong mga pangarap. Magkagayunman, ipinapangako ng iyong kapalaran na mapapasa iyo ang mga ito. Ipanatag ang iyong kalooban at ‘wag mong intidihin ang mga naiinggit at mga nangiintriga sa iyo. Mamamangha sila, malapait ng dumating ang panahong malayong-malayo na ang agwat mo sa kanila. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 2, 8, 10, 25, 36, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kung nasaan ka, naroon din ang saya at ligaya. Kung saan, wala ka, naroon naman ang lungkot at kawalang pag-asa. Dala-dala mo ngayon ang liwanag na nagbibigay ng ginhawa sa iyong kapwa. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 18, 21, 39, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Marami ang hahanga sa kasipagan mo. Ang isa sa kanila ay maghahangad na ikaw ay makasama. Hindi siya ganon kasipag, pero mapagtiis. Hihintayin ka niya hanggang sa pumayag ka. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 11, 26, 29, 31, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang iba ay sumusuko kapag napapagod at ang iba ay umaayaw kapag nakakaramdam ng kabiguan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang napapagod ka at sinusubok ng kapalaran, lalo kang magpipilit at magpapatuloy. Ang determinasyon mong ito ay gagantimpaalaan ng langit, magiibayo pang lalo ang iyon lakas na magdudulot sa iyo ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 6, 15, 20, 25, 31, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit gaano pa kakapal ang ulap, hindi ito mananatili sa kalawakan. Tatangayin siya ng hangin upang ang langit ay umaliwalas. Ganon din ang mangyayari sa iyo, kahit gaano pa ang kalungkutan at problemang dumarating, ang lahat ng ito ay panandalian lamang, upang palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 17, 24, 35, 42, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here