Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 29, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 29, 2020,  Biyernes – Kabilang ka sa mga kakaunting nilalang na paulit-ulit na makararanas ng masasarap na buhay. Kaya hindi nakapagtatakang ang maliit at malalaking suwerte ay paulit-ulit na dating ng dating din sa ‘yo. Kaya naman dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 10, 28, 34, 38, 43.   ©PhilippineOne.com

ARIES  (Marso 21 – April 19) Masyadong malakas ang iyong likas na kapangyarihan. Kaya naman lahat ng hangarin at gustuhin mo ay mapapa sa iyo. Itutok mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad ng kabuhayan upang ang iyong kapangyarihan ay lubos mong mapakinabangan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 36, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Lihim kang matutuwa dahil ang isang tao na noon mo pa pinagdarasal na magbago ay magbabago na. Tuloy-tuloy ng hihipuin ng langit ang kanyang puso, upang tuluyan na rin siyang bumuti  at tumino. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 38.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  ) Biglaang pagbabago ng takbo ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito. ‘Wag kang mag-alala, ang pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran at sa ikagaganda at ikabubuti na rin ng kapalaran ng inyong pamilya. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 32, 41, 43. ©PhilippineOne.com

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kahit ikaw ay magugulat sa sarili mo. Hahanapin mo ang masayahing dating ikaw, pero hindi mo siya makikita. Hindi na ikaw ang dating masaya dahil kinukubabawan ka ng problema. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, upang pagpasok ng susunod na buwan ng Hunyo, muli na namang babalik ang dating masayahing ikaw na may bonus pang dagdag na suwerte at magagandang kapalaan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 29, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Wag matigas ang ulo at wag ding maarte. Pakinggan mo ang mga suhestiyon ng ilang malalapit sa iyo. Ang payo nila ay makatutulong sa iyo upang lalo pang gumanda at upang lalo pang umangat ang iyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umasenso. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 10, 24,  34,  40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Malulutas ang mga suliranin sa pagtutulungan. Pero nagugulo ang sitwasyon kapag marami ang nakikialam. Maging lider ka ng inyong grupo nang sa ganon ay maayos ang takbo ng proyekto at ng mga pangyayari. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 39, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Muling matatala sa iyong aklat ng kapalaran na masuwerte ka sa araw na ito. Sobrang kang sasaya, kaya makakalimutan mo na ang iyong pangako sa sarili na bukod sa magpapa-sexy ka at magpapaganda, at mag-iipon ka pera para sa hinaharap. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 11, 21, 36, 41, 44. ©PhilippineOne.com

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nasa mataas na level ang iyong likas na gayuma. At upang mapatunayan mo, ikaw ay hinahamon ng makipagkita sa iyong kursunada. Isa lang ang magiging resulta, mai-in-love siya sa iyo. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 15, 19, 29, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Dahil unti-unti ng nagluluwag sa ngayon ang gobryerno hinggil sa policies at mga guidelines hinggil sa Covid 19, kung magagawa mo, mamasyal ka sa lugar na kung saan, iyong naraanasang sumaya at pagkatapos ay mamili at mag-shopping ka, upang gumaang ang iyong pakiramdam at ang mga problema mo ay unti-unti ng maglaho. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 18, 24, 34, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw ang kanlungan ng mga nananamlay. Ikaw din ang sandalan ng mga bigo sa buhay. Sa iyo rin lumalapit ang mga  sawi sa pag-ibig.  Yakapin mo sila pero wag iibigin. Kapag hindi ka nakinig, tulad nila ikaw din ay mangungulila.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 14, 29, 37, 41, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dininig na ng langit ang iyong mga panalangin para sa pagbabago ng iyong mahal sa buhay. Ikaw na mismo ang makikinabang  at makakapansin na siya ay iba kaysa sa dati. Magpasalamat kang lagi sa langit, dahil minsan pa, mararamdaman mong talagang suwerte ka at malakas sa nasa itaas. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  5,  15,  20, 22,  31, 43. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka nakahanda sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Ganon paman, handa ka man o hindi ka man handa, babaguhi na ng langit ang iyong kapalaran. Matapos mong makatanggap ng maraming suwerte at magandang kapalaran, ang araw na ito ay tatawaging:  “Pagbabagong buhay patungo sa suwerte at sa lalo pang pagganda ng kapalaran!” Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 10, 28, 33, 39, 40. 

***All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma, Love, Relasyon and more questions answered quickly***

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here