Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 29, 2019

0
476
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 29, 2019, Miyerkoles  –  Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan. Ang mga hindi nagkaroon ng katuparan ay muli mong usalin at ang mga bago mong kahilingan ay hindi mo rin dapat na kalimutan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 26, 29, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Walang nakadadakot sa hangin. Subalit ngayon madadakot mo ang tagumnpay. Magpatuloy ka sa katinuan at sa dati mo ng kasipagan. Hindi lang tagumpay ang iyong madadakot, maraming pang suwerte at magandang kapalaran ang iyong maibubulsa. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 8, 11, 25, 29, 37, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Umpisahan mo nang alisin ang mga lumang gamit at maglinis ng iyong silid. Ito ang magtutulak upang magbago ang iyong damdamin at ang iyong kapalaran. Kapag malinis na ang iyong silid, lagyan ng flower vase na may limang bulaklak. Ito ang magdadala ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 4, 14, 23, 28, 32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi matalino ang nakikipagdebate na ang gusto ay siya lagi ang mananalo. Bobo ‘yong ganon! Ang matalino ay iyong nakikipagdebate habang kumukuha ng magagandang idea na magagamit niya sa ikauunlad ng kanyang buhay. Tularan mo ang huli at layuan mo ang una.  Mapalad na kulay ang lavender. Masuwerteng numero 9, 14, 32, 35, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ikaw ang hari sa araw na ito. Ang lahat ay iyong mapasusunod. Patunayan mong ikaw ang hari. Wag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Pasunurin mo ang iyong sarili. Kapag napasunod mo ang iyong sarili, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 19, 21, 27, 33, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maaabot mo ang mga dati mo ng pangarap at inaambisyon. Subalit hindi ka dapat tumigil na mangarap at mag-ambisyon pa. Dahil ang nakatakda sa iyo ay ang maraming-marami pang maaabot. Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 5, 12, 27, 30, 33, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hinihintay na ng langit ang iyong pasya. Anuman ang idesisyon mo, tumpak man o mali ang resulta, basta’t nagdesisyon ka lang, mapapa sa iyo na  ang suwerte at magandang kapalaran. Kaya wala kang dapat gawin kundi ang magdesisyon na ngayon! Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 4, 13, 19, 37, 40, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Layuan mo rin ang mga lumalayo sa iyo. Magugulat ka, maghahabol sila. Pero maaaring hindi ka na nila abutan, – sobrang unlad, sobrang liligaya at sobrang malayong-malayo ka na talaga sa kanila. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 3, 18, 24, 27, 36, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Maging tapat ka sa sarili mo. Ang hindi mo kaya ay hindi mo talaga kaya at wag mo ng paliting kayanin. Kaya lang dahil hindi mo kaya pero naging tapat ka sa sarili mo, at hindi mo naaabot ang ilang inaambisyon mo, ang langit ang kikilos para sa iyo – iaabot at ibibigay lahat sa iyo ng langit ang mga inaambisyon mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 19, 28, 31, 38, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang hirap at mga problema noong nagdaan ay hindi na babalik kailan man.  Oo naranasan mong lahat ito, kaya ngayon naman ay bibigyan ka ng premyo ng langit. Puro tagumpay at magagandang kapalaran na ang mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 4, 22, 31, 37, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mula sa ibaba, itataas ka ng kapalaran. Titingalain ka hindi lamang ng mga nakapaligid sa iyo kundi maging ang mga taong umapi sa iyo. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 1, 10, 13, 28, 37, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag magkatugma ang isip at salita, ang buhay at kapalaran ay gaganda ng sobrang ganda. Wag tumulad sa iba na ang sinasabi ay hindi naman ginagawa. Anuman ang sabihin mo, gawin mo upang  magtamo ka  ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 28, 34, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Pansinin mo ang ikot ng kamay ng orasan. Pasulong at hindi pabalik. Kaya wag mo ng balikan pa ang nakaraan, nagbibigay lang ito sa iyo ng kalungkutan. Sumulong ka ngayon patungo sa iyong pangarap. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 17, 24, 37, 42, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here