Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 28, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 28, 2020,  Huwebes – Isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit at ang kapalarang ito ay makakamit mo ng  walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 9, 19, 29, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Walang makapipigil sa nakatakda. At ang nakatakda, matapos na matapos ang suliranin ng mundo sa Covid 19, muli na namang sisigla ang iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy ka na uling suwertehin at magtagumpay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 19, 36, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kulang ka pa sa pagkilos, kaya ayaw pang pumutok ng husto ang bunga ng iyong suwerte at malaking tagumpay. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pagaalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kaya ko ‘to!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, kaya makakaya mo talaga ang gusto mong kayanin. At dahil tutulungan ka ng langit, pati na ang mga bagay na hindi mo kaya ay makakaya mo at ang lahat  ng bagay na ibig at hindi mo inibig ay ipagkakaloob na rin sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 19, 21, 34, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya magtatagumpay at aasesno. Oo, anuman ang hilig na hilig gawin ng isang tao., doon siya magiging maligaya at doon siya yayaman. Gawin mo na ngayon, kilos na! Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 39.   ©PhilippineOne.com

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Paminsan-minsan ang tao ay hindi dapat nagpapakita ng sobrang kabaitan. Tulad ngayon, may babala na abusuhin ng ilang kakilala mo ang iyong pagiging maawain. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  13,  20, 22,  31, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagbagsak ng iyong kabuhayan. Iwasan mo yan! Mula ngayon ay dapat kang masanay sa kung ano lang ang kaya ng bulsa mo, yon lang ang iyong pagkasyahin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 33, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain? Panahon na upang ipriority mo ang iyong buhay. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos sa mga gawaing hindi mo matatapos at matagl mo ng ibinibin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 29, 37, 42, 45.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa ngayon masyadong abala ang isip mo sa maraming bagay. Kaya naman hindi mo napaguukulan ng panahon o ng pansin ang higit na mas mahalaga. Ang pagtingin sa iyo ng isang nilalang na matagal ng sa iyo ay umaasa at naghihitay. Sa panahong ito na unti-unti ng nakaka-adjust ang lipunan sa Covid 19. walang masama kung siya ay iyong pagbibigyan upang mabuo ang isang masaya at matamis na pag-ibig. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 12, 23, 36, 38, 45. ©PhilippineOne.com

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Aminin mo, nakakaramdam ka ng excitement at saya ngayong panahong ito na papalapit na ang kapaskuhan? Ito ay isang malinaw na palatandaang ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan na kapag ito ay iyong sinunggaban, madali mo itong mahahawakan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  34, 39, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Layuan mo ang mga negatibo at mareklamong mga tao. Mahahawa ka sa kanila. Kapag sila ay daing ng daing, wag mo na lang pansinin. Hanapin ang mga taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon, ng saya at ng kaligayahan. Sa kanila ka makipagkuwentuhan, sila ang magkakaloob sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 8, 15, 27, 36, 39, 45. ©PhilippineOne.com

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lahat ng bagay ay dumadaan muna sa hirap bago magtagumpay. Hindi lumaki ang isang sanggol na hindi muna nadapa at nagkasakit. Ganon din ang batas  ng buhay, kahit naghihirap ka, kahit na nadadapa ka pa, bumangon ka at magpatuloy.  Painot-inot at dahan-dahan. Wag kang maiinip, at wag kang susuko. Sapagkat nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawang pagsisikap, malapit ng ipagkaloob sa iyo ang malaking premyong noon mo pa hinahangad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 9, 24,  34,  40, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) ) Walang silang karapatan na ikaw ay husgahan. Hindi nila alam kung ano ang dinadala mo sa kasalukuyan at kung bakit ka nagkakaganya. Kaya sa kanila isa-isang malilipat ang iyong mga suliranin, habang ang dalahin mo ay unt-unti ng gagaang hanggang sa ito ay tuluyan ng maparam. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 14, 28, 32, 39, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Punum-puno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusa naman sa iyong ipagkakaloob ng langit ang lahat ng bagay na gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 11, 27, 36, 38, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here