Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 28, 2019

0
515
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 28, 2019, Martes –  Isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit at ang kapalarang ito ay makakamit mo ng  walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 9, 19, 29, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Layuan mo ang mga negatibo at mareklamong tao. Mahahawa ka sa kanila. Kapag sila ay daing ng daing, wag mo na lang pansinin. Hanapin ang mga taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon at lakas ng loob. Sa kanila ka makipagkuwentuhan, sila ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 8, 15, 27, 36, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Masyadong abala ang isip mo sa maraming bagay. Kaya naman hindi mo nabibigyang pansin ang higit na mas mahalaga. Ang pagtingin sa iyo ng isang nilalang na matagal ng sa iyo ay umaasa at naghihitay. Sa panahong ito na nalalapit na ang tag-pagbuhos ng ulan, walang masama kung siya ay iyong pagbibigyan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 12, 23, 36, 38, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kulang ka pa sa pagkilos, kaya ayaw pang pumutok ng husto ang bunga ng iyong suwerte at malaking tagumpay. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pagaalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kikilos ako ngayon!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, sa bawat pagkilos mo na gagawin, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 19, 21, 34, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Walang silang karapatan na ikaw ay husgahan. Hindi nila alam kung ano ang dinadala mo sa kasalukuyan at kung bakit ka nagkakaganya. Kaya sa kanila isa-isang malilipat ang iyong mga suliranin, habang ang dalahin mo ay unt-unti ng gagaang at mapaparam. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 14, 28, 32, 39, 40. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kapag sumasagi sa isip mo ang kalungkutan kailangang talunin mo ito. Dahil kung hindi ikaw ang tatalunin nito. Oo kailangang mapagwagian mo ang iyong takot at magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Dapat mo itong gawin, magmatapang at sumugod ng sumugod alang-alang sa minamahal mong pamilya.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 19, 36, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Aminin mo, nakakaramdam ka ng excitement at saya ngayong panahong ito na malapit na ang tag-ulan? Ito ay isang malinaw na palatandaang ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan na kapag ito ay iyong sinunggaban, madali mo itong mahahawakan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  34, 39, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagbagsak ng iyong kabuhayan. Iwasan mo yan! Mula ngayon ay dapat kang masanay sa kung ano lang ang kaya ng bulsa mo, yon lang ang iyong pagkasyahin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 33, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Punong-puno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusa naman sa iyong ipagkakaloob ng langit ang lahat ng bagay na gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 11, 27, 36, 38, 43.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi mapipigil ang pagdating ng panahon ng tag-ulan. Ganon din ang iyong kapalaran, walang anumang lakas o puwersa na makapipigil sa sunod-sunod na pagdating iyong magagandang kapalarang magsisimula na ngayon. Mapalad mong kulay ang lilac. Masuwerteng numero ang 7, 15, 18, 24, 29, 45.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lahat ng bagay ay dumadaan muna sa hirap bago magtagumpay. Hindi lumaki ang isang punong kahoy sa isang araw lamang kundi maraming taon ang binilang. Ganon din ang gawin mong pagsisikap. Painot-inot at dahan-dahan. Wag mong biglaain ang mga bagay-bagaym tutal naman nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawang paghihirap, malapit ng ipagkaloob sa iyo ang malaking premyong noon mo pa hinahangad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 9, 24,  34,  40, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain? Panahon na upang ipriority mo ang iyong buhay. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos sa mga gawaing hindi mo matatapos. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 29, 37, 42, 45.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya aasenso, doon siya magiging maligaya at doon siya yayaman. Ikilos at gawin mo na ngayon! Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 39.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here