Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 26, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 26, 2019, Linggo –  ‘Wag mong talikuran ang bawat hamon ng kapalaran, dahil sa bandang huli ikaw ang mananaig at magwawagi. Mapalad na kulay ang green.  Masuwerteng numero 5, 8, 17, 28, 38, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Batiin mo ng may pag-ibig at ngiti ang sinumang makakasalubong mo. Sapagkat sa araw na ito ang sinumang iyong babatiin at ngingitian ay magtatamo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 14, 19, 27, 36, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Wag aksayahin ang oras sa paghahanap ng solusyon sa iyong problema. Basta’t lagi ka lang magdasal. Lulutasin na ngayon ng langit ang lahat ng iyong mga suliranin. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 8, 11,  29, 31, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Marami kang napapabayaan sa kalalakwatsa. Minsan mas mainam na pakitaan mo ng kalinga at simpatsa ang mga taong malalapit sa iyo upang magpatuloy na dumapo ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 5, 11, 28, 38, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mahirap malayo sa mga bagay na matagal mo ng nakasama. Pero sa iyo ay kakaiba, ito ang araw na lalayuan ka na ng mabibigat na mga problema. Matutulad ang bawat pag-gising mo sa isang bago at napakagandang umaga.  Mapalad ang kulay na metallic blue. Masuwerteng numero 2, 17, 22, 29, 30, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Makikita mong ang araw na ito ay mabigat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Subalit para sa iyo, madarama mong parang ang gaang-gaang ng mundo.  At sa susunod na mga araw, marami pang suwerteng bagay ang darating sa iyo. Mapalad na kulay beige. Masuwerteng numero 7, 11, 27, 39, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang iyong mapapala sa mga taong makukulit at mapagpilit kung pagbibigyan mo sila. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 9, 19, 22, 31, 39.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Walang pagdududa na yayaman ka. Dahil ang kahulugan ng iyong kapanganakan, Setyembre hanggang Oktubre ay pagyaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 35, 39, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lahat naman ng tao ay hindi nawawalan ng problema. Ang pagkakaiba mo lamang sa kanila makikita mong yong mga taong naiingit sa iyo magkakaroon na mas mabigat na problema, habang ang sa iyo naman ay nagmamahal magaang lang at bale wala ang kanilang prolema. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 31, 38, 42

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang hindi nag-iisp bago kumilos ang madalas mabigo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka na mag-isip at hindi ka kumilos sa araw na ito ipagkakaloob sa iyo ng langit ang tagumpay.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 27, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi maglulubay ang pagdating ng magandang kapalaran sa iyong buhay.  Kaya naman dapat na matututo kang mamigay at magbalato, upang lalo ka pang gantimpalaan ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 25, 29, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mabilis na pagkilos ang nararapat upang malagpasan ang mga problema. Kapag babagal-bagal ka lalo ka lamang sasabit. Sa agarang pagpapasya maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 38, 41, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Hindi nawawala ang mga problema. Pero ang magandang balita, masosolusyunan mo ang iyong mga suliranin at pagkatapos ay uulanin ka na ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18, 32, 37, 41, 44.

SHARE
Previous articlePahula #192
Next articleChinese Horoscope; Mayo 26
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here