Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 25, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 25, 2020,  Lunes – Hindi ka gaanong katalinuhan, pero ikaw ang panggagalingan ng magagandang ideya. Kaya marami kang mapapayaman. Kung sila ay napayaman mo, ikaw din ay maaaring yumaman, gamit ang iyong mayamang kaisipan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  1, 13,  19, 28, 34, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa araw na ito iiral ang malakas mong karisma. Tatalunin ng kabaitan mo ang reklamo at di pag kagusto  ng mga makakausap mo, kaya papaboran nila ang mga bagay na hinihiling mo. At hindi lang sila ang papabor sa iyo, papaburan ka rin ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 16, 28, 34, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Gusto mo bang makinabang? Makikinabang ka, kung sa halip na komontra, mas makabubuti sa ‘yo ang sumakay lang ng sumakay sa agos ng mga pangyayari.  Sapagsang-ayon sa mga sinasabi nila, ikaw ang unang-unang mabibiyayaan at magkakaroon ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 11, 13, 20, 37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pag-iisipan ka ng masama ng mga taong lihim na naiingit sa ‘yo at ng mga lihim na kagalit mo.  Matutuwa sila sa bawat pagkabigo at kalungkutan mo. Ang hindi nila alam, yong masama nilang iniisip sa ‘yo ay sa kanila dadapo, mangyayari at magaganap.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May kanya-kanyang tanglaw ang bawat zodiac sign. At ang tanglaw mo ay nagninining ngayon sa kalawakan. Sa gabing ito humiling ka langit habang tinititigan ang mga bituin at makakaasa kang ang iyong kahilingan sa iyo ay ipagkakaloob.  Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 38, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi magkakaunawaan ang mga kumakalaban sa ‘yo. Dahil sa nakikita nilang pag-unlad mo, sila ay magkakagulo. Habang sila ay nagtatalo-tatalo, aandar namang mabilis ang kabuhayan mo, hanggang sa ma-agwatan mo na sila ng milya-milya. Kapag nakita nilang malayong-malayo ka na, magsisisi sila kung bakit hindi na lang sila sumang-ayon sa iyo.  Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 38, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pinalakas ka upang alalayan at gabayan ang mga mahihina. Habang tumutulong ka sa mga mahihina at sa mga nangangailangan, lalong lalakas ang iyong kapangyarihan at lalong lalago ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 17, 25, 29, 37, 41.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi mo makikita ang hinahanap mo. Bakit? Dahil ang  totoo hindi mo rin talaga alam kung ano ang hinahanap mo sa buhay mo? Gusto mo bang makita ang hinahanap mo? Tumulong ka ng tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na anomang kapalit – yan ang misyon mo sa mundo, yan mismo ang magpapaligaya sa iyo!   Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 23, 31, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang galit at init ng ulo ang magpapahamak sa ‘yo. Sa araw na ito, palitan muna ng pag-ibig ang pagkabugnot. Sa pagpapasensya at pagmamahal sa kapwa, susuwertehin ka. At kapag nawala na ang inis at pagka-asar maguunahan na ring magdadatingan sa iyong harapan ang magaandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 31, 41, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Aangat ka sa ngayon kaya lang madaragdagan ang iyong responsabilidad. Kahit na marami kang responsabilidad, unahin  ang personal mong saya. Sa pagiging masayahin, lalo pang bubuti at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 8, 13, 17, 40, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Dadalawin ka ngayon ng suwerte at ang suwerteng dadalaw sa ‘yo ay suwerte sa negosyo. Mnanatili sa ‘yo ang suwerteng ito hanggang sa ikaw ay yumaman at umasenso. Kaya ito ang panahon upang magnegosyo ka ng kalakal na matagal mo ng plinaplano gawin pero hindi mo maituloy-tuloy. Oo matutuloy mo na ito ngayon at magtatagumpay ka. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 33, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Naghahanap ka ng sarap at saya. Ito ay matatagpuan mo sa pamimili at sa pag-gasta-gasta at bago mamili ng mga gamit na hindi naman gaanong kailangan, unahin mo muna ang pag-iipon. Pag maraming-marami ka ng naipon, puwede ka na uling mag-aksaya at gumastos ng gumastos. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 28, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil sa totoo lang hindi ka naman maawat lalo na buo ang loob mo. Habang lagi ng buo ang iyong loob, ang magandang kapalaran at suwerte ay lagi ng papabor sa ‘yo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 33, 42, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here