Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 24, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 24, 2020,  Linggo – Paganda ng paganda ang iyong kapalaran at habang lumalapit ang panahon ng kapaskuhan lalo pa itong gaganda. Oo, kahit na may ilang mabibigat na suliranin sa kasalukuyan sanhi ng Covid 19, umasa kang madali mo lang itong masusulosyunan hanggang sa tuluyan ng  maparam ang mga problema at ang magiging kapalit nito ay suwerte na at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 17, 26,  33,  42, 44. ©PhilippineOne.com

ARIES  (Marso 21 – April 19) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, makikita mo, matapos mong tumulong, bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 15, 34, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kapag lumambot ang tsokolate ito ay madaling natutunaw. Hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay, basta ang mahalaga lakasan mo ang iyong loob.. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 18,  29, 32, 40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng kapalaran. Kailangan mong kumilos, kailangan mong kumita ng malaking halaga. Kahit medyo delikado pa ang panahon dahil sa Covid 19, lumabas ka at ang magandang kapalaran sa labas at mga buenas na hindi nakukuha ng iba ay tiyak na sa iyo mapupunta.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 44.   ©PhilippineOne.com

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Gagana ang isang pormula sa araw na ito kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap, at ibulong ang katagang: “Minamahal kita! Mapapasunod kita!”  Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na susunod siya sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 32, 42, 45. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi payo ang iyong kailangan! Hindi mo rin kailangan ang kaibigan! At lalong hindi mo rin kailangan ang kalinga! Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan? Pera at Kalayaan! Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 17, 24, 36, 40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress at pagmamahal. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago niya makahalatang lagi mo siyang dinodominahan at pinangungunahan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 33, 42, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Iniisip mong mamili para maging masaya. Ang problema, iniisip mo rin kung saan, kukuha ng pera. Marami kang iniisip, ang hindi mo alam may nanonood ng mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit.  Bigla kang makakatanggap ng malaking halaga, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at makakapamili ka na hanggang sa tuluyan ng sumaya ang iyong isipan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  21, 31,  33, 44.  ©PhilippineOne.com

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mamuno, mag-utos at maging maligaya, yan ang iyong tadhana! Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 9, 27, 37, 41, 42.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, bagkus may nektar sa loob ng kanyang talulot. Ganon din ang kapangyarihan mong taglay, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang propteksyon mo kung bakit hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo ng lihim at naninira, ang silang mamalasin.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 15, 24, 29, 34, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari din sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa.  Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila,  ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 13, 24, 37, 41, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang buhay. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 10, 16, 25, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Umaawit ang ibon sa sanga at matapos umawit, damarapo ang isa pang ibon at sila ay nagigin masaya. Hindi ka dapat na malungkot. Tulad ng mga ibon sa sanga, umawit ka. Kahit hindi ka masyadong marunong kumunta, humimighimig ka lang kahit nagiisa. Makikita mo, matapos kang umawit at humimig, mag-uunahan na ang suwerte at magandang kapalaran na dumapo sa iyong karanasan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 42, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here