Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 22, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 22, 2019, Miyerkoles –  Ito ang araw na sadyang sobrang ganda ng kapalaran mo, magkagayunman marami ang magtatanggkang papangitin ito. Sila ang mga kontrabida sa buhay mo. Kaya lang wala silang magagawa, hindi sila magtatagumpay, dahil patuloy kang pagpapalain ng langit at bibigyan ng marami pang mga suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 28, 31, 40.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi bagay sa iyo ang mababa. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi umakyat. Akyatin mo na ngayon, ang iyong matataas na pangarap dahil ito ang araw na isa-isa mo ng maaabot ang bunga ng lahat ng iyong mga pagsisikap. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 38, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Isa-isa ng namumunga ang mga pinunlan mong sipag at tiyaga. Ang kulang na lang sa iyo ay ang sinop at ipon. Kapag may sinop at ipon ka na, kusa ng matutupad ang sa iyo ay itinadhana – yayaman ka, ng hindi lang mayaman, kundi napakayaman pa! Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 24, 36, 39, 42.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob, samantalang nakikita mo na ang aliwalas na future? Tama, halos abot-kamay mo na ang tagumpay, kaya anuman ang dati ng naiiisip mong positibo, ipatupad mo na lang ng ipatupad ng walang pag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 18, 22, 34, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi masosolusyunan ng pagdadalawang isip mo ang problema.  Kailangang magmatapang ka. Magpasya ka na ngayon ng mabilis at makikita mo, mabilis din ang magiging resulta, magtatagumpay ka at may bonus pang malaking suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at pananalapi. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 17, 24, 28, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Matayog ang iyong pangarap, nasasayang lang dahil ayaw mong lakasan ang iyong loob. Ito ang araw na bibigyan ka ng langit ng kakaibang sigla upang magawa mo ang mga bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. Gawin mo na, wag kang matakot ang nasa itaas ang aalalay at gagagabay sa ‘yo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1,  19 , 24,  27, 33, 45.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Marami at hindi lang iisa ang suwerteng darating sa iyo sa araw na ito, kaya naman kung may sosobra at hindi mo naman magagamit pa sa ngayon, ipamahagi mo ito sa mga kakilala mong nalulungkot, namumroblema sa buhay at sa mga wala ng maaasahan. Kapag ganyan ka mahilig magbalato at matulungin sa mga nangangailangan, patuloy pang  uuho sa iyong buhay ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5,  14, 24,  33, 42, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Wala kang magagawa ngayon, di kayang pigilan ang mga paa mo na lumabas ng bahay at ang kanyang pupuntahan ay ang lugar na kung saan may pagkain. Kapag nabusog ka na at nasiyahan, magugulat ka pa sa magaganap, magsisimula ka ng umunlad ng umunlad at suwertehin sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 7, 16, 23, 32, 38, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ang mahal mo ang dapat na masunod kundi ikaw. Ipaliwanag mo sa kanya na higit kang suwerte at kinalulugdan ng langit, kaya wala siya  karapatang komontra. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 12, 18, 33, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang iba ay sobrang pagod para kumita ng malaking halaga. Ang sa iyo ay kakaiba, konting pagod lang at maraming saya, pero kikita ka pa rin ng malaking kita. At ang isa pang mabuting balita, sa panahon ngayon isa-isa na namang nagdaratingnan ang mga taong magibigay sa iyo ng suwerte at kakaibang ligaya. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 15, 25, 34, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung ang sa iba ay pabago-bago ang lagay ng mga pangyayari, ang sa iyo ay nakapirmis at alam mo ba ang nakapirmis sa iyong buhay? Oo, nakapirmis sa iyo ang pagdating ng suwerte at magagandang kapalaran. May kundisyon nga lamang, gawin mo pa rin ang dati ng mga pagtulong sa mga mahihirap at ang pagdedebosyon at pagiging aktibo sa kinabibilangan mong simbahan.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 12, 26, 31, 32, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka dapat matakot at hindi ka rin dapat na malungkot at pang hinaan ng loob. Harapin mo lang ng harapin, dahil pagnatapos ng lahat ito, umasa kang mas malaking suwerte at mas malaking premyo na hindi mo inaasahan ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 22, 26, 32, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Hindi mo na dapat pang balikan ang nakaraan. Nakakaabala lang ito upang ikaw ay sumulong at umunlad. Hindi ka dapat maging sentimental. Isulat mo sa malinis na kuwaderno ang mga bagay na gusto mong mangyari at maabot. Makikita mo, makakamit mo na ito ng mabilis at agad-agad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 8, 16, 37,  39,  40, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here