Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 18, 2019

0
542
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 18, 2019, Sabado  –  Napakalakas ng loob mo kaya ang iyong mga tagumpay sa buhay ay hindi pangkaraniwan. Bukod sa malakas ang iyong loob lagi ka pang pinapatnubayan ng mga bituin kaya naman  ang mga tagumpay mo ay hindi kayang gawin ng mga pangkaraniwang tao. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 36, 45.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mas malakas ang tulo ng gripo na nakapuwesto ng mas mababa kaysa sa mataas. Magpakababa ka at manatili sa mababang puwesto. Nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawa. Dumating na ang araw na ikaw at ang kabuhayan mo ay iaangat at may bonus pang suwerte na sa iyo ay ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 18,  25, 31, 40, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Maraming nagdarasal ngunit marami rin ang hindi pinapakinggan ng langit. Magdasal ka ngayon ng taimtim na may kasamang matrinding emosyon at humiling ka sa langit ng isang bagay na kailangang-kailangan mo talaga. Makikita mo, ipagkakaloob sa iyo ang hiniling mo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 12,  24, 29,  33, 41. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Minsan ay gusto mong magdilig ng mga  halaman, pero hindi mo pa ginagawa ay bigla ng bumuhos ang ulan. Natutulad sa senaryong ganyan ang suwerteng darapo sa iyong katawan, plinaplano mo pa lang ang isang bagay, ipagkakaloob na agad sa iyo ng langit ang katuparan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 19, 23, 32, 35, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bibihira ang tulad mong nakatagpo ng suwerte sa isang nilalang na matangkad at mas malaki sa iyo. Wag ng magdalawang isip pa, ipagpatuloy mo ang pakikisama sa kanya at galingan mo pa. Wala ka namang magagawa, siya talaga ang ipinadala ng langit upang magbigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 13,  28, 32, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Malilibang ka sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga responsabilidad na wala namang kaugnayan sa personal mong buhay. Kaya naman makakalimutan mo ang sarili mong pangarap. Kailangang matauhan ka bago mahuli ang lahat. Muli mong pagtuunan ng pansin ang tanong na: “ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko na hindi ko pa nakakamit?” Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 28, 34, 38.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Wag mong abusuhin ang sarili mo sa trabaho. Mahalaga na malakas ka at may resistensya para sa darating pang mga magagandang oportunidad at suwerte sa buwan ng Hunyo. Sa madaling sabi, bumuwelo ka muna at pag handaan ang susunod pang mga buwan sa mas marami pang susuwerteng darating. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 3,  11, 19, 29, 37, 43.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabilis ang kampay ng pakpak ng ibon sa hangin kaya siya ay nakalilipad. Bilisan mo rin ang iyong mga pagpapasya at pagpapatupad ng iyong dinesisyon. Wag ka ng babagal-bagal at pauumat-umat. Kapag ganyan ka, mas mabilis ding darating sa ‘yo ang suwerte at ang mga magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 15, 22, 29, 34, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang akala ng iba masungit ka at matapang, pero ang totoo likas kang may mabuting kalooban. Minsan pa, ngayong panahon ng tag-init, ipakita mo ang pagtulong at paglingap sa iyong kapwa.  Kapag nagawa mo yan, doble-dobleng suwerte at biyaya ang iyong matatagap.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 10, 19, 30, 41, 42. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na pagpapalain ng langit ang lahat ng iyong ginagawa. Kaya gaanomang kaluho at kataas ang iyong mga pangarap at gustong abutin sa buhay, tiyak na ito ay iyong maabot ng walang kahirap-hirap. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  1, 19, 25,  38,  40, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ituloy mo ang nasa isip mo na hindi ka muna gagastos ng malaki. Kailangang makaipon ka. Kung wala naman ito sa isip mo, gawin mong wag gumastos ng sobrang laki ngayong panahong ito na malapit na ang pasukan ng mga bata. Alalahanin mong masarap ang feeling kapag maraming-marami ka ng savings. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 36, 40, 44.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Oo nalulungkot ka, ngunit ito ay panandalian lamang, dahil madali din itong papalitan ng kaligayahan sa sandaling dalawin ka ng isang kaibigang may bitbit na suwerte at magandang kapalaran, ang pangalan ng kaibigan mong ito ay “Buenas.”  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 11, 20, 27, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iisa lang ang araw pero kaya niyang liwanagan ang mundo. Sa pamamagitan ng suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob  sa iyo ngayon ng langit, marami kang matutulungan at habang tumutulong ka, dating at dating sa iyo ang liwanag ng araw na may dalang mas marami pang mga biyaya at mga pagpapalang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 9, 19, 26, 29, 35, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here