Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 17, 2019

0
458
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 17, 2019, Biyernes – Hindi mawawalang kabuluhan ang lahat ng ginagawa mong pagsisikap. Ginagarantiyahan ng langit na matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap at kahit hindi mo pangarapin, ginagarantiyahan ding ikaw ay tiyak na uunlad at magkakaroon ng maraming-maraming kayamanan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 7, 28, 36, 40, 44.

ARIES (Marso 21 – April 19) Tama ang ginawa mong pagpipilit sa isang bagay na gustong-gustong mong mangyari. Makikita mo, ikaw na naman ang masusunod at mananaig. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7, 9, 25, 31, 40, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Magaganda ang mga bulaklak sa parke at makukulay. Kailangan mong makita at madama ang ganda ng nature at ng kalikasan. Ito ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayon, mag-relaks at mamasyal, upang lumusog ang pakiramdam at lalo mo pang makamit ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 10, 20, 29, 33, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tumtilaok ang tandang pagsungaw ng liwanag sa madaling araw, bilang pasasalamat at pagbalita ng isa na namang bago at magandang umaga. Ganon din ang gawin mo, tumilaok ka sa umaga, matuto kang magpasalamat at magpuri sa Dakilang Lumikha, sa bagong araw at bagong buhay na bigay sa ‘yo. Kapag lagi kang ganyan, matutuwa ang langit, mas lalong dadami ang ang mga biyayang iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 37, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi mo ba napansin, kusang nahawi ang dilim matapos ang malakas na bagyo. Ganon din ang iyong tadhana, mahahawi na ang lahat ng problema upang palitan ng isang aliwalas at maliwanag na suwerte mula sa langit. Kasunod nito, lalo pang gaganda ng gaganda ang iyong kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 5, 12, 25, 27, 35, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Nakikipagmabutihan ang bundok sa ulap, kung kaya’t laging umuulan at umaabon sa paligid ng bundok na nagbibigay ng magandang ani sa mga halaman. Makipagmabutihan ka rin sa iyong amo at sa mga taong nakatataas sa iyo. Sa susunod na mga araw, pagkakaloob ka nila ng maraming biyaya at mga regalong hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 8, 15, 22, 23, 34, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bakit may sungay ang baka, gayong siya ay isa sa mga hayop na mabait? Panakot lang niya ito at ito ay babala rin na hindi dapat magalit ang tulad mong mabait. Kaya nga anuman ang mangyari, wag na wag mong ilalabas ang iyong galit. At kapag nanatili kang mabait, mapagpasensya at mapagtimpi, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 8, 11, 21, 27, 34, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Samang-samang nakabigkis ang walis tingting kaya siya nakakalinis. Ganon din ang dapat, wag na wag kang hihiwalay sa iyong mga kaibigan, upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Sa paglayo sa kanila, grabeng lungkot at pangungulila ang iyong madarama. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 1, 11, 28, 32, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi mo ba napapansin, na ang tipaklong ay talon ng talon. Ganon din ang gawin mo, kailangang magkaroon ka ng regular na eherisyo upang gumanda ang iyong kalusugan at magpatuloy ang masaya mong pamumuhay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 30, 41, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marunong ngumiti ang kapalaran sa mga taong nakikita niyang nagsisikap at hirap na hirap na sa buhay. Ngumiti ka rin ng madalas kahit na walang namang pangyayaring nakatatawa. Makikita mo, ngingitian ka rin ng langit, kasabay nito maraming suwerte at magagandang kapalaran ang sa iyo ay darating. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 26, 29, 35, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iwasan mong mag-isip ng mag-isip lalo na ngayong panahong sobrang init ngkapaligiran. Dahil sa kaiisip mo, pati kalungkutan ay sumasagi sa iyong isipan. Ano kaya’t sa halip na isip ang paganahin ay damdamin na lang – muli kang umibig, muli kang mag mahal, upang ang suwerte at magadang kapalaran ay muli mong makamtan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 28, 34, 38.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Karaniwan na sa mga prutas ay binabalatan at hindi kinakain ang balat. Ganon din ang dapat, mag-isip mabuti sa mga advice na iyong natatanggap. Kuhanin mo lang ang mabubuti at tamang payo, upang ikaw ay tuloy-tuloy na umunlad at umasenso. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 7, 19, 29, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Noong sinaunang panahon, labis na nagsasaya ang mga tao sa panahong nalalapit na ang tag-ulan. Ganon din ang mararanasan mo, ngayon pa lang kahit medyo malayo-layo pa ang malalakas na buhos ng ulan, sobrang magiging masaya ang mararanasan mo na ang pagdating ng napakaraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 19, 23, 32, 35, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here