Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 15, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Mayo 15, 2019, Miyerkoles – Bibihira na sa ngayon ang tulad mong likas ng maganda ay may maganda pang kalooban. Ang ikinaganda pa nito, may maganda ka ring pinagkakakitaan. Dahil sa mga kagandahang tinuran, tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 2, 18, 20, 27, 34, 41.

ARIES (Marso 21 – April 19) Hindi umaalis ang puno sa kanyang kinalalagyan, kaya naman paglipas ng ilang taon ang dating maliit na puno ay nagiging higanteng puno na. Wag ka ring aalis at wag ka ring manawa sa kasalukuyan mong ginagawa. Dyan ka dinala ng kapalaran, kaya pagbutihin mo pa, dahil sa badang huli, dyan ka rin liligaya at yayaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganon din ang magaganap sa iyong karanasan, sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 33, 37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nagkita ang suwerte at negatibong enerhiya sa kalangitan, kaya magkaroon ng kakaibang kaguluhan sa iyong career at love life. Pero paglipas ng isa hanggang dalawang linggo, papaganda uli ng papaganda at papaligaya na uli ng papaligaya ang iyong karanasan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 23, 27, 30, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa makapal na ulap, subalit matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang iyong paligid. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa iyong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 29, 31, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailan man’y hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makakaahon ka rin sa mga problema, ilalawit na ng langit ang kanyang mga kamay upang tulungan ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 4, 13, 28, 31, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Dahil sa paulit-ulit na dampi ng alon at hampas ng tubig, kimikinis at lumilinis ang magaspang at mapangit na bato sa dalampasigan. Ganon din ang gawin mo, maglinis ka ng iyong silid sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran na hatid ng buwan ng ito ng Setyembre ay mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabait ang kalikasan dahil pinatutubo niya ang magagandang mga bulaklak sa kagubatan kahit walang nag-aalaga. Sa araw na ito muli na namang mananaig ang iyong ganda at kabaitan. Dahil sa iyong kakaibang bait at ganda, hindi ka mapahihindian ng sinumang tao na iyong lalapitan. Uuwi kang masaya at tagumpay dahil sa mga transaksyon na iyong mapapa-aprubahan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 34, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malakas ka ngayon. Susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig. At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 1, 15, 21, 23, 34, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa pagtutulungan at pagsasamasama nakagagawa ang mga anay at mga langgam ng malaking punso at nakakaipon ng maraming pagkain. Hindi mo dapat ipagdamot ang iyong kakayahan, alalayan mo ang mga mahihina at tulungan ang sa iyo ay humihingi ng tulong. Kapag nagawa mo yan, mas mataas pa kaysa sa mga punso ang suwerte at magandang kapalarang ibibigay sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang masaganang pamumuhay at malaking pagunlad. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 1, 7, 17, 29, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa. Maghanap ka ng makakasama sa paggala at paglalakwatsa. Sa piling ng mga kaibigan, magkakaroon ka ng dagdag na sigla at saya. At kapag lagi kang masigla at masaya, ang suwerte at magandang kapalaran ay bubuhos din sa iyo ng bonggang-bongga. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 2, 11, 26, 35, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matagal na ang batis sa kanyang kinalalagyan, ngunit bawat saglit at sa bawat sandali laging bago ang agos ng tubig. Ganon din ang iyong buhay, akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at bawat sandali. Hindi mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang isinisilid mo sa iyong isipan kaya ayaw umagos ng masagana ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.

1 COMMENT

  1. May ba po ang buwan ng april kasi pinanganak po ako ng buwan ng april 28, 1959 puro kamalasan ang aking naranasan ko sa buhay ng kamalasan ng pera

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here