Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Marso 18, 2019

0
315
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Marso  18, 2019,  Lunes  –  Napakalakas ng loob mo kaya ang iyong mga tagumpay sa buhay ay hindi pangkaraniwan. Bukod sa malakas ang iyong loob lagi ka pang pinapatnubayan ng langit kaya naman  ang mga tagumpay mo ay hindi kayang gawin ng mga pangkaraniwang tao. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 36, 45.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iisa lang ang araw pero kaya niyang liwanagan ang mundo. Sa pamamagitan ng suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob  sa iyo ngayon ng langit, marami kang matutulungan at habang tumutulong ka, dating at dating naman sa iyo ang liwanag ng araw na may dalang mas marami pang suwerteng at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 9, 19, 26, 29, 35, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mas malakas ang tulo ng gripo na nakapuwesto ng mas mababa. Magpakababa kang lagi at wag magmataas. Nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawa. Dumating na ang araw na ikaw at ang kabuhayan mo ay iaangat at may bonus pang suwerte na sa iyo ay ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 18,  25, 31, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bibihira ang tulad mong nakatagpo ng suwerte sa isang nilalang na matangkad at mas malaki sa iyo. Wag ng magdalawang isip pa, ipagpatuloy mo ang pakikisama sa kanya at galingan mo pa. Wala ka namang magagawa, siya talaga ang ipinadala ng langit upang magbigay sa iyo ng buenas at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 13,  28, 32, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat matangay ng iyong emosyon. Natatandaan mo ba nang minsan pinairal mo ang iyong damdamin, nasaktan ka lang at nakatikim ng kabiguan? Kaya naman sa ngayon ang pairalin mo ay ang talino at ang pagiging lista. Sa ganyang paraan, papatnubayan ka ng nasa itaas, at ang langit ang magkakaloob sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  1, 19, 25,  38,  40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maraming nagdarasal ngunit marami rin ang hindi pinapakinggan ng langit. Magdasal ka ngayon ng taimtim at humiling sa langit ng isang bagay na kailangang-kailangan mo talaga. Makikita mo, ipagkakaloob sa iyo ang hiniling mo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 12,  24, 29,  33, 41. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Malilibang ka sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga responsabilidad na wala namang kaugnayan sa personal mong buhay. Kaya naman makakalimutan mo ang sarili mong pangarap. Kailangang matauhan ka bago mahuli ang lahat. Muli mong pagtuunan ng pansin ang tanong na: “Ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko na hindi ko pa nakakamit sa kasalukuyan?” Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 28, 34, 38.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Wag mong abusuhin ang sarili mo sa trabaho. Mahalaga na malakas ka at may resistensya para sa darating pang mga magagandang oportunidad at suwerte sa susunod pang mga taon ng iyong buhay.  Sa madaling sabi, bumuwelo ka muna at pag handaan ang mas marami pang susuwerteng paparating na. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 3,  11, 19, 29, 37, 43.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang akala ng iba masungit ka at matapang, pero ang totoo likas kang may mabuting kalooban. Minsan pa, ngayong panahon ng tag-araw at sa papalapit na Holy Week,  ipakita mo ang pagtulong at paglingap sa mga mahihirap at kapos palad. Kapag nagawa mo yan, doble-dobleng suwerte at biyaya ang iyong matatagap. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 10, 19, 30, 41, 42. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Minsan ay iniisip mong magdala ng payong, pero hindi ka paman lumalabas ng bahay ay bigla ng bumuhos  ang ulan.  Natutulad sa senaryong ganyan ang iyong magiging kapalaran, dahil may mabuti kang puso at kaloooban, plinaplano mo pa lang ang isang bagay, ipagkakaloob na agad sa iyo ng Maykapal ang katuparan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 19, 23, 32, 35, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Oo nalulungkot ka, ngunit ito ay panandalian lamang, dahil madali rin itong papalitan ng kaligayahan sa sandaling dalawin ka ng isang kaibigang may bitbit na suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 11, 20, 27, 34, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ituloy mo ang nasa isip mo na hindi ka muna gagastos ng malaki. Kailangang makaipon ka. Kung wala naman ito sa isip mo, gawin mong wag gumastos ng sobrang laki.  Nagkamali ka na dati sa aspeto ng pananalapi at hindi na ito dapat na maulit pa. Alalahanin mong masarap ang feeling kapag maraming-marami ka ng pera at may savings ka pa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 36, 40, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Mabilis ang kampay ng pakpak ng ibon sa hangin kaya siya ay nakalilipad. Bilisan mo rin ang iyong mga pagpapasya at pagpapatupad ng iyong dinesisyon. Wag ka ng babagal-bagal at uumat-umat. Kapag ganyan ka, mas mabilis ding darating sa iyo ang suwerte at at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 15, 22, 29, 34, 39.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here